Part 7

8 0 0
                                    

WALANG kasama si Angel sa kanilang break time dahil may klase pa si Risa. Lumabas siya sa kanilang classroom at nandoon si JB na parang may hinihintay sa hallway.

"Angel" bati ni JB.

Lumapit si JB kay Angel na ikinagulat naman nito. Yumuko ito at tiningnan ang sapatos ni Angel. Tiningnan lang ni Angel si JB at hindi makapagsalita ng kahit isang salita.

"Iyong leston mo" pahayag ni JB kay Angel at saka tinali 'yong leston ng sapatos nito.

"Ha. Eh. Salamat Kuya. Este JB"

Nginitian ni JB si Angel at bumawi rin ito ng ngiti. Ang hindi nila alam ay nakatingin sa kanila ang mga barkada ni JB at nandoon din si Dave. Nakangiti ang tatlo maliban kay Dave.

"Bro! Ano 'yan?" pang-aasar ni Jake.

"Uy. In love na siya ulit" pang-aasat naman ni Kevin.

"Hindi no. Tinulungan ko lang si Angel.

Walang kibo si Angel at tinanaw lang niya si Dave na parang ang sama ng tingin sa kanya. Umiwas ito ng tingin dahil umakbay si Lorenz sa kanya. "Mag-ingat ka riyan kay JB. Mabait lang 'yan tingnan pero matinik 'yan sa mga babae" biro ni Lorenz.

Inalis ni JB ang pagkaka-akbay ni Lorenz kay Angel at saka nginitian nya ito. "Wala ka bang mapupuntahan?" tanong ni JB.

"Ha? Hwag-'' naputol ang pagsasalita ni Angel.

"Bakit natin siya isasama? 'Di naman natin siya kilala" pahayag ni Dave.

"Hindi na lang ako sasama. May gagawin pa kasi ako" aniya ni Angel at saka umalis. Bago pa man makalayo si Angel ay tinawag siya ni JB.

"Angel!" sigaw niya at lumapit sa kanya. "Pwede ko ba hingin ang number mo?" dagdag pa niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Gusto kasi... Gusto kitang maging kaibigan" sagot ni JB.

"Ah sige"

Pagkatapos ibigay ni Angel ang phone number niya ay umalis na agad ito. Pagkatapos ng kanilang klase ay umuwi na ito sa kanila. Habang siya'y naglalakad, may humintong kotse sa gilid nya.

"Sakay!"

"D-Dave? Bakit?" tanong niya nang makitang si Dave. "Kaya ko namang-"

"Sakay na sabi eh!" galit nitong utos.

Sumakay si Angel at pinatakbo ni Dave ang sasakyan ng mabilis kaya napakapit si Angel sa gilid ng pintuan niya. Tinanaw niya si Dave at parang masama ang mood niya. Bigla siyang nagulat dahil sa pagkakaalam niya, hindi ito ang daan papunta sa kanila.

"Saan tayo-''

"Tumahimik ka"

Tumahimik na lang si Angel at dahil sa napagod siya ay nakatulog siya sa kotse. Tiningnan ni Dave si Angel. Pagdating nila doon ay nagising na rin si Angel. Nandoon sila sa isang cliff na may dagat sa baba. 'Pag baba nila sa kotse ay hinawakan siya ni Dave sa braso ng mahigpit.

"Ano ba?! Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako Dave!" sigaw nito habang sinusubukang alisin ang kamay ni Dave.

"Ano 'yon? May gusto ka ba kay JB? May gusto ka kay JB?!" seryosong tanong ni Dave at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak nito.

"Ano ba? Wala! Hindi ko siya gusto!"

"Ang landi mo! Pwede ka namang lumandi pero sana hindi sa paaralan natin. Hindi ka ba nahihiya? Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw ang pinakamalandi!" sigaw ni Dave kay Angel.

Hindi nakpagsalita si Angel at yumuko siya. Binitawan siya ni Dave at saka ito umalis. Naiwan doon si Angel na lumuluha. Isang oras nagpalipas ng sama ng loob si Angel at saka siya umuwi.



24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon