KINAUMAGAHAN, namimili na ng isusuot si Angel. Halos isang oras na siyang namimili pero wala pa rin siyang mapili dahil puro luma na ang kanyang mga damit. Nagpatulong siya sa isang kasambahay na si Risa na kasing-edad niya at pinapaaral din ng ama niya. Nagkasundo kasi ang dalawa at gusto nila ang isa't-isa.
"Naku ano ba to! Wala talaga akong mapili. Ang panget ng mga damit ko Risa. Ano ang gagawin ko?" nag-alalang tanong ni Angel.
"Alam mo, manghiram ka na kaya kay Ma'am Diana. Marami 'yong magagandang damit" suggest ni Risa.
"Nahihiya kasi ako eh"
"Mabait naman iyong si Ma'am. Sigurado papahiramin ka nun"
Pumayag na lang si Angel dahil wala na siyang option. Medyo nahihiya pa siya sa step mom niya. Kasama niyang pumunta sa kwarto si Risa. Kumatok sila agad dahil wala na silang oras.
"Tita, nandiyan po ba kayo? Si Angel po ito at si Risa"
"Sige pasok kayo"
Pumasok kaming dalawa
"Bakit? May problema ba kayo?" tanong ni Mrs. Fonacier.
"Kasi po... w-w-wala po-'' hindi nakatapos sa pagsasalita dahil sinapawan siya ni Risa.
"Kasi po Ma'am, wala po siyang magandang damit na masusuot kaya sinabihan ko na manghiram na lang sayo" sapaw ni Risa.
Natawa si Mrs. Fonacier, "Yon lang pala, sige iwanan ko na lang kayo at pwede kayong mamili. Feel free to choose Angel. What's mine is yours"
"Sabi ko sayo eh. Mabait yang si Ma'am" masayang sabi ni Risa sa ngumingiting Angel.
Makaraan ng ilang minuto ay tapos ng magbihis at mag-ayos si Angel dahil na rin sa tulong ni Risa. Nalaman ni niya na pareho sila ng paaralaang papasukan, nagtanong si Angel tungkol sa dito. Na-curious kasi siya dahil sa paaralan niya sa Bohol, hindi gaanong malaki at malayo daw ang agwat kumpara sa mga Unibersidad ng Maynila.
"Alam mo bang schoolmate ko ang mapapangasawa mo?" pahayag ni Risa na ikinagulat naman ni Angel.
"Ano? Sino? Bakit di mo sinabi agad?" dali-dali nyang itinanong.
"O-M-G. Hindi mo pa kilala ang mapapangasawa mo? No way. Ang swerte mo Angel!" nagniningning ang mga mata ni Risa.
"Ha? Bakit naman? Swerte bang magpakasal sa taong di mo kilala?" nagtatakang tanong ni Angel.
"Basta! Complete package!"
Na-curious na lalo si Angel. Kahit sa sasakyan, wala siyang inisip kundi ang lalaking mapapangasawa niya. Kasama niya ang kanyang ama at step mom. Nahalata ng kanyang ama na may inisip si Angel kaya tinanong niya ito.
"Ija, okay ka lang ba? May masama ba sa pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Pwede naman tayong huminto at bumili ng pagkain"
"Ah-eh wala po" matipid niyang sagot.
"Huwag kang mag-alala, malapit na tayo sa bahay ng mga Alvarez. Siguro excited ka ng makita ang mapapangasawa mo" patawang sabi ng kanyang ama.
Dahil sa nalaman niyang malapit na sila, mas nakabahan ng lalo si Angel. Nanginig ang kanyang mga kamay at kita sa mukha at mga kilos niya ang kanyang suot na dress na white. Makaraan ng ilang minuto ay nandoon na sila at sumalubong sa kanila ang kasambahay ng mga Alvarez.
"Pasok po kayo Ma'am at Sir. Naghihintay na po sila sa loob" aniya ng katulong.
"Ahm... Pa, Tita, una na lang po muna kayo. Sandali lang po ako dito. Huwag po kayong mag-alala" paalam ni Angel na namumutla sa kaba.
"Sige, sige, sunod ka agad ha"
"Opo". Kinuha niya sa hand bag ang cellphone niya na makaluma na. T-in-ext niya ang mama niya upang ipaalam na kikitain na niya ang lalaki. Pagkatapos ay pumasok na din siya.
Sa loob naghihintay si Mr. and Mrs. Alvarez. Si Dave naman ay kumuha pa ng maiinom para sa mga bisita. Pagpasok ni Angel ay binati agad siya ng mga magulang ni Dave.
"Hi ija. So you're Angel. You're so beautiful. By the way, I'm Mrs. Davina. Just call me Tita okay?" bati ng ina ni Dave sabay beso-beso.
"Hello po sa inyo. Ikinagagalak ko pong makita kayo" ganti ni Angel.
"Hi ija. I'm Dave's father, just call me Tito"
"Hello Tito! Nice to meet you po" bati ni Angel na nakipag handshake kay Mr. Alvarez.
Uupo na sana si Angel nang dumating si Dave. Si Dave naman, nagulat at nakita niya si Angel. Natigalan ang lahat sa kanilang pagkikita. Dahil walang nagsasalita at parang na-aw-awkwardan ay naunang magsalita si Dave baka pagalitan siya kung hindi siya bumati.
"Hi" bati ni Dave at nag fake smile.
"Hello" sagot naman ni Angel na naiilang. Nang nakaupo na ng maayos ay nagkwentuhan muna ang kanilang mga magulang at nakikinig na lang sila. Obvious na obvious na hindi sila makatingin sa isa't-isa.
"O siya, can we leave them alone so that they can talk to each other. It seems their shy'' yaya ni Mr. Vincent.
"It's a good idea. You're righ,t para naman magka-usap lang sila na hindi nahihiya" aproba naman ni Mr. Angelo.
Nang nawala na ang kanilang mga magulang ay tahimik pa rin ang dalawa. Hindi sila makatingin sa isa't-isa. Dahil naiilang na ay nagsalita na rin sa wakas si Dave.
"Sino ka?" tanongni Dave.
"Ha? Ah... Angel ang pangalan ko" nahihiya niyang sagot.
"Ah. Angel, straightforward kasi ako na tao eh so maysasabihin lang ako iyo. Alam mo namang hindi pa tayo nagkakilala pero bakit pumayag ka na i-fixed marriage tayo? Alam mo kasi, ayoko talaga at napilitan lang ako" seryosong sabi niya kay Angel na tiningnan niya ng diretso sa mata.
Hindi alam ni Angel kung ano ang isasagot. Umiwas siya ng tingin kay Dave na tumitingin pa rin sa kanya. Pinapawisan siya at nagwika, "Ako rin naman eh napilitan lang"
"Sana hindi ka pumayag. Alam mo sa ginawa mo, pareho lang natin pahihirapan ang isa't-isa. Huwag ka na ring umasa na liligaya ka 'pag ikinasal tayo. Hindi kasi kita gusto at hindi kita magugustuhan. Pareho lang naman eh" prangkang tugon ni Dave.
"Ah gano'n ba?" sabi ni Angel.
"Bakit? In-expect mo ba na magkakasundo tayo. Mukhang hindi eh. Ngayon pa lang, umatras ka na dapat"
"Hindi pu-pwede" diretsang sagot niya.
"Tanga ka ba? Inasahan mo bang mamahalin kita. Kahit anong pilit mong ipagsiksikan ang buhay mo sa akin, masasaktan at masasaktan ka rin" naiinis si Dave.
"H'wag kang mag-alala, hindi kita gugustuhin. May kasunduan lang kasi ako sa ama ko"
Matapos magpahayag ni Angel ay dumating ang mga magulang nila. Agad naman silang tumayo. Kunwari ay magkaibigan na sila.
"Ija, ijo, napagkasunduan na namin para makilala ninyo ang isa't-isa, you two will live in one house" surpresa ni Mrs. Fonacier.
"Ano?! Pero-'' hindi na nakatapos ng pagsasalita si Dave.
"Huwag kayong mag-alala kumpleto na lahat ang gamit doon. May kotse rin doon sa bago ninyong titirahan. Bukas, sabay kayong papasok sa school ninyo" sabi ni Mrs. Alvarez.
"Sige po Tita. Salamat po sa inyo" sinungaling niyang sagot at nakita niyang nakatingin sa kanya si Dave ng masama.
Kinahapunan umuwi na ang pamilya Fonacier at tumungo sa taas si Dave upang magpahinga. Makikita sa mukha niya ang pagkadismaya at lungkot. Gusto na sana niyang tumanggi ngunit parang may tumigil sa kanya.
BINABASA MO ANG
24 Hours
RomanceLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.