Part 12

9 0 0
                                    

GUMISING si Angel at bumungad pa rin sa kanya ang walang malay na si Dave. Pauli-ulit na lang gano'n. Sa bawat pagtulog niya, umaasa siyang sa kanyang paggising ay magigising na rin ang kanyang minahal. As usual, ipinaghanda niya ng agahan si Dave sa pag-asang gigising ito.

"Kailan ka kaya gigising ulit? Hindi mo ba ako naririnig? Mahal mo ako diba?" tanong niya habang tumitingin kay Dave.

"Mahal na mahal" aniya ng isang pamilyar na boses.

"JB?" napalingon siya sa may pintuan. Lumapit sa kanya si JB at nginitian siya nito.

"Mahal na mahal mo talaga si Dave ano?" tanong ni JB na umupo sa tabi ni Angel.

"Oo. Gano'n na nga" sagot nito. "Sa liit ng panahon ng pagsasama namin, ganoon ko na siya kamahal. Oo, alam ko na hindi sa sapat ang ilang linggo upang maramdaman ang tunay na pagmamahal, pero iba eh. Iba itong tibok ng puso ko" dagdag pa niya. Napa-buntong hininga si Dave at yumuko.

"Okay ka lang JB?" tanong ni Angel nang yumuko siya.

"Oo. H'wag mo akong alalahanin. Nalulungkot lang ako sa nangyari sa inyong dalawa"

Nag-usap ng kung ano-ano si Angel at JB. Ilang oras ang lumipas ay dumating ang mga magulang ni Dave at ang Ate nito.

"Good morning Angel. Nandito ka pala Dave, ijo" bati ni Mrs. Davina sa dalawa sabay beso-beso.

"Good morning po Tita, Tito, Ate Desyra" bati ni Angel.

"Hindi pa rin ba gumigising si Dave?" tanong ni Mr. Alvarez sabay tingin sa anak niya.

"Dad, huwag po kayong mag-alala. Gigising din 'yang utol ko" pahayag ni Desyra.

"Sana nga at nang mawala na ang ating problema. Angel ija, alam ba ng parents mo na nandito ka? Hindi ka pa umuuwi ah" tanong ni Mrs. Davina.

"Alam po nila na nandito ako. Pumunta rin po kasi sila dito kahapon" sagot niya.

"Salamat sa pagbisita JB ha. Kaibigan ka talaga ni Dave" pasalamat ni Mrs. Davina.

"Walang ano man po 'yon. Mabait 'yang si Dave eh. Nag-aalala ako sa kalagayan niya" sagot niya.

May dala pala kaming pagkain. KAin muna kayo oh. Mas mabuti ng hindi magutom sa pagbabantay" anyaya ni Mr. Alvarez.

"Salamat po Tito" pasalamat ni Angel sabay kuha sa pagkain.

Dave's P.O.V

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Ako ay parang nasa isang silid. Nagtaka ako kung bakit ako nandoon. Tiningnan ko ang aking paligid at nakita ko ang aking pamilya. Hindi nila ako napansin dahil nagkukwentuhan.

"Dave?!" sigaw ng isang babae nang makita ako na tumitingin sa kanya. Hindi ako nakasagot at bigla niya akong niyakap. "Salamat at gumising ka na rin. Alam mo bang ilang araw na naming hinihintay ang paggising mo?" dagdag pa niya.

"Dave anak ko!" bati ni Mommy habang papunta sa kinaroroonan ko.

"Mommy, Daddy, Ate, at JB, nasaan ako? Ano'ng ginagawa ko rito? At sino ang babaeng ito?" tanong ko sa kanila.

Nagtinginan sila lahat at may tumulong luha sa mga mata ng babae. "Dave? Ano ba'ng biro 'yan. Ako to. Si Angel. Si Angel 'to Dave" sabi niya at umiyak.

"Angel? Sinong Angel? Classmate ba kita?" tanong ko sa kanya.

Lumayo siya sa pagkakalapit sa akin. "Dave hindi mo siya kilala? Wala kang naaalala?" tanong ni Ate.

Hindi ako sumagot at tiningnan ko sila lahat na umiiyak. Tiningnan ko si JB habang yakap-yakap ang baba na si Angel ba kamo. "Mom, why am I here?" tanong ko sa kanila pero walang sumagot kahit isa.

Angel's P.O.V

Nandito ako ngayon sa rooftop ng hospital. Nagpalipas ako ng oras dito nang malamang hindi ako maalala ng taong mahal ko. Sobrang sakit sa parte ko. "Bakit ba gano'n? Bakit ba ang daya-daya ng tadhana? Ah!" sigaw ko dahil hindi ko na kinayang manahimik.

"Huwag kang mag-alala, maalala ka rin ni Dave. Mahal ka niya Angel" pag-comfort ni JB sa akin.

Niyakap niya ako. "Tara. Baba na tayo. Baka naghihintay na sila doon sa loob" sabi ni JB sa akin.

Pumunta kami doon sa loob at niyakap ako ni Tita Davina. Wala na akong luha na maiyak. Hindi ko alam ang aking gagawin. Tiningnan ko lang si Dave sa pagkakayakap ko kay Tita. Nilapitan ko si Dave at na nakikipagkwentuhan sa Ate at Daddy niya.

"Mabuti naman at naggising ka na rin Dave" sabi ko sa kanya.

"Oo. Salamat sa concern" sagot niya at nginitian ko siya. "Sino ka ba? A-angel? Dagdag niya.

Tiningnan ko ang lahat na nasa loob at nginitian ko si Dave sabay sabi, "Classmate mo ako. Ako 'yong nagdala sa'yo dito. Galing kasi tayo sa usang lugar upang mag-research" sagot ko. Nagulat sila sa nasagot ko.

"Gano'n ba? Salamat for bringing me here" pasasalamat niya sa'kin.

"Tungkol sa project at mga plano natin, huwag ka ng mag-alala, natapos ko na lahat iyon. At saka, ginawa ko na lahat ng mga assignment na ibinigay ng mga professor natin" pahayag ko sa kanya.\

"Thanks" matipid niyang sagot. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. Ang gusto ko ay mayakap siya at hindi na bumitiw pero hindi ko magawa dahil baka magtaka siya. Nilapitan ako ni JB at in-akbayan at napatingin ako sa braso niya. Ang pagkakaalala ko, magseselos si dave pero ngumiti pa siya.

"Alam ninyo, bagay kayo" wika ni Dave na siya namang ikinalungkot ko. Tumingin sa akin si JB at nagfake smile kami sa isa't-isa.

"Ikaw talaga Dave. Kung ano-ano na lang ang sinasabi mo. Ikakasal na 'yan si Angel ano ka ba" sabi ni Tita.

"Ah ganun po ba" matipid niyang sagot.

"Sige Dave aalis na ako. May aasikasuhin pa kasi ako eh. Huwag kang mag-alalala, babalik pa ako rito. Araw-araw kitang dadalawin hanggang sa maalala mo na ako. Maalala mo na kung ano'ng meron tayo" paalam ko sa kanya pero nakatalikod ako upang lumabas.

"Paalam na rin sa'yo Dave. Sasabay na lang ako kay Angel. Tita, Tito, Ate, alis na po ako" paalam ni JB.

Inaya ako ni JB na mag-coffee. Pumunta kami sa isang coffee shop at doon nailabas ang mga hinanakit ko.

"Bakit mo sinabing classmate kayo?" tanong niya sa akin.

"Yumuko ako. "Hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin ang totoo baka gugulo ang isip niya. Minabuti ko na lang hindi sabihin" sagot ko.

"Paninindigan mo ba ang sinabi mo? Na classmates lang kayo? Paano kung hindi na babalik ang memorya niya?" tanong niya ulit sa'kin. Sa pagkatanong niya sa akin nun, tila may mabigat na bagay ang nakapatong sa akin.

"Siguro. Siguro"

Pag-uwi ko, dala-dala ko ang tanong ni JB kanina. Umuwi ako kina Papa. Hindi muna ako uuwi sa bahay namin ni Dave. Naghintay doon si Papa at si Tita. Niyakap nila ako.

"Okay ka lang ba anak?" tanong ni Papa.

"Okay lang po ako" sagot ko.

"Angel, magtiwala ka lang ha. H'wag kang bibitiw. Maalala at maaalala ka rin ni Dave" comfort sa akin ni Tita Diana.

Umupo kami sa may sofa at malungkot pa rin ang mukha ko. Ano'ng gagawin mo ngayong hindi ka na niya maaalala? Alam na ba ng pamilya mo doon sa Bohol ang nangyari?" tanong ni Papa.

"Alam na po nila ni Nanay. Tinawag ko kasi sila. Sa totoo lang po, hindi ko alam ang aking gagawin. Ang sakit-sakit po kasi. Mahal na po namin ang isa't-isa eh" sagot ko.

"Sinabi mo ba sa kanya kung sino ka sa buhay niya?" tanong ni Tita sa akin.

"Hindi po. Sinabi ko pong classmate kami"

Umakyat ako at pumunta sa kwarto ko. Doon, umiyak ako ng umiyak sa isang sulok. Tiningnan ko ulit 'yong mga pictures namin ni Dave. Ilang oras pa ang nakalipas pero hindi pa rin ako makatulog. Naubos na rin ang mga luha ko.


24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon