Araw-araw ng pumupunta si Dave sa Coffee Shop kaya mas naging malapit ang kaluoban niya sa tatlo. Komportable na sila sa isa't-isa at Malaya na silang nagkukwentuhan. Si Elaine naman ay komportable na rin sa bagong Dave na kilala niya. Mahal niya pa rin ito kaya naman bawat oras na magkasama sila ay kinukunan niya talaga ng litrato.
"Guys, nagtext si Boss sa akin" nagsalita si Steph.
"Ano'ng sinabi niya? Bakit daw?" tanong ni Shen.
"Ganito kasi iyon..."
I-kwenento ni Steph ang sabi ng Boss nila. Lahat branch ng Coffee Shop ay dapat may dalawang representante para sa gaganaping Annual Conference doon sa Cebu. Dahil isang linggo doon, magsasara muna ang shop.
"Kayo ni Steph ang pumunta Shen. Mas alam nyo kasi ang gagawin at nasa inyo ang record ng lahat ng status eh" pahayag ni Elaine.
"O sige. Okay lang sa'yo iyon Steph" tanong ni Shen.
"Okay lang talaga. Excited na kasi ako. Ang gwapo kaya ni Mr. Ponce. Ayieee. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita" kinikilig na sabi ni Steph.
"Sus. Ikaw talaga. Kung nasaan ang gwapo, nandoon ka!" biro ni Shen.
"Maiwan na lang kayo dito ha. Bukas na kami luluwas doon. At saka, may oras pa kayong magpahinga" sabi ni Steh.
"Ah ganun ba. Sige. Mag-uwi na lang kayo ng otap ha" sumang-ayon si Elaine.
"Hoy Dave. Ingatan mo 'tong si Elaine ha. Kung hindi patay ka sakin" utos ni Shen.
Inakbayan ni Dave si Shen. "Oh sure. I'll be her Knight and Shining Armor! Right Elaine?"
Namula naman si Elaine. "Oo na, ikaw na!".
"Alam nyo, bagay kayo. Ayieee!" pang-aasar ni Steph at kinilig rin si Shen.
Nagtitigan si Dave at si Shen kaya iniwas nila ang mga tingin sa isa't-isa. Naging awkward na tuloy sila. Nauang umuwi si Steph at Shen kaya naiwan doon si Dave at Shen. Mula no'ng inasar sila ay naging awkward na silang dalawa.
"Elaine..."
"Bakit Dave?"
"Kasi... Mag-trip tayo. May nalalaman ka bang mga tourist destination dito? One of the reason kung bakit ako pumunta dito ay dahil gusto kong bisitahin ang mga attraction dito. Sabi kasi nila na maganda dito... Pwede ba?" tanong ni Dave at nginitian niya si Elaine.
"O sige. Sasamahan kita. Kailan ba tayo aalis at hanggang kailan?" sang-ayon ni Elaine at nagtanong.
"Siguro bukas hanggang sa makauwi ang dalawa. Pwede ba?"
"Oh sige. Sasabihan ko na lang si Mama. Saan ba tayo magkikita?" nahihiyang tanong ni Elaine.
"Pwede bang sunduin na lang kita?"
"Huh?" namumula na si Elaine.
"Pupuntahan kita sa bahay ninyo. Gusto ko rin kasing makilala ang pamilya mo. Kung okay lang sa'yo"
"Okay" sagot ni Elaine.
Sabay umuwi si Elaine at Dave. Sa kanilang paglalakad ay biglang napahawak si Dave sa balikat ni Elaine at parang sumakit ang ulo niya.
Dave's P.O.V
Naglalakad kami ni Elaine pauwi pero biglang sumakit ang ulo ko. Katulad din ito noong matapos tumawag si Daddy.
"Alam mo kung bakit hindi kita pinapansin? Kasi hindi ko alam ang gagawin dahil nasabihan ako ng mga masasakit na salita sa taong mahal ko! Nahihiya ako dahil mismong mahal ko ang nagsabi na gano'n pala ako! Bumaba ang tingin ko sa sarili ko Dave! Alam mo ba 'yon!"
BINABASA MO ANG
24 Hours
عاطفيةLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.