Part 20

11 0 0
                                    


Elaine's P.O.V

Kinakabahan ako ngayon. Matagal na rin noong makasama ko si Dave sa aking pagtulog. Nararamdaman ko ang pag-init ng katawan ko at bumibilis ang tibok ng puso ko na tila sasabog na. Lalaki pa rin siya at babae ako. Wala naman kaming relasyon? Tama ba 'tong ginagawa namin?

"Gising ka pa ba Dave?" mahina kong tinanong.

Nagulat ako nang magsalita siya. "Oo. Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya pabalik.

"May iniisip lang kasi ako" sagot ko.

"Ganun ba? Ano naman iyon" tanong niya pero hindi ako sumagot.

"Dave..." tawag ko.

"Bakit Elaine?"

"Ah wala. Sige matulog ka na good night" sabi ko.

May sasabihin pa sana ako pero hindi ko na lang tinuloy. Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko kaya natakot akong marinig iyon ni Dave. Nakatulog ako sa aking pag-iisip-isip.

MAAGANG nagising si Dave. Lumabas siya at bumili ng makakain para sa kanilang dalawa ni Elaine. Sakto, nang gumising si Elaine ay handa na ang kanilang agahan. Tig-dadalawa sila ng pandesal at mainit na low-fat milk.

"Kumusta ang tulog mo?" tanong ni Dave.

"Maganda naman. Ikaw?" pabalik nitong tanong.

"Ayos lang din.Maganda nga rin ang umaga ko, tulad mo"

Namula tuloy si Elaine sa sinabi ni Dave. "Ikaw talaga. Ang aga-aga, nagbibiro ka. Kapag ako naniwala, patay ka sa'kin"

"Totoo naman ha. Maganda ka"

Kinilig lalo si Elaine. Hindi siya makatingin ngdiretso kay Dave na nakatingin lang sa kanya habang ngumingiti.

"Bakit ka namumula?" pang-aasar ni Dave.

"Hinawakan ni Elaine ang kanyang mukha. "Huh? Ako? Hindi ako namumula noh" pagsisinungaling ni Elaine.

Mas lalong giganahang mang-asar ni Dave. "Uy~ kinikilig siya sa akin".

Naasar si Elaine kaya tumalikod siya saglit. Sa kanyang pagharap ay malapit sa kanya ang mukha ni Dave at nakangiti pa kaya nanlaki ang mga mata ni Elaine at biglang nag slow-mo ang lahat.

Itinulak ni Ealine si Dave kaya tumawa ito ng malakas.

"Bakit ka tumatawa?" tanong nito at naasar pa.

"Kung nakita mo lang ang reaksiyon mo Elaine. Nakakatuwa talaga. Parang hindi mo pa nasubukang mahalikan. Inosente lang?" sabi nito at tumawa pa.

Natahimik pa si Elaine at nakatingin kay Dave. Nakita ni Dave ang mukha ni Elaine na natulala pa rin.

"Hoy! Okay ka lang? Tulo laway ka oh!" natatawang biro ng binata. "Huwag mong sabihin, hindi ka pa nahalikan kahit kailan?" dagdag nito.

Nanlaki ang mga mata ni Elaine at nagulat si Dave sa reaksiyon nito. Tumango si Elaine ng painosente kay Dave. Ngumiti naman si Dave at nilapitan si Elaine.

"Maligo ka muna at maghahanda ako ng mga gamit ko. Pagkatapos kong maligo, pupunta tayo sa bahay ninyo upang kunin ang mga gamit mo. Okay?" seryosong sabi ni Dave at nginitian si Elaine.

Tiningnan rin ni Elaine si Dave. "Sige"

Nang matapos maligo ang dalawa, sumakay sila ng tricycle papunta sa bahay nina Elaine. Hindi gaanong malayo ang bahay kaya madali silang nakapunta. Maraming nakakita sa kanila. Naglalaro rin ang mga kababata ni Elaine na mga lalaki at napansin nila ang kasama ni Elaine.

24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon