Part 29

16 0 0
                                    


Elaine's P.O.V

Nandito na kami ngayon sa amin. Dumiretso kami ni Dave rito sa bahay namin. Alam naman din nila ni mama, wala na akong dapat ipaliwanag. Kahit ako ang anak, parang ako pa ang nao-OP sa kanila. Parang magkakilala na sila. Comfortable sila sa isa't-isa. Hay Dave, kaya nga mahal kita.

"Anak, approve sakin tong si Dave maging asawa mo" aniya ng Papa ko.

"Papa naman. Bata pa po ako, di pa ako pwedeng magpakasal" ganti ko ko.

"Alam ko naman yon. Kaya nga proud ako sa anak ko. Halika ka nga rito" sabi ni Papa at niyakap ako.

Ang sarap talaga sa pakiramdam ng may nagmamahal sayo. Kahit hindi ako tunay na anak ni Papa, grabe naman siya kung makaalaga. Ang swerte ko sa kanila, mahal nila ako, syempre, mahal ko rin sila.

Lumapit ako kina Mama at Dave. Ipinapakita ni Mama ang mga litrato namin noon pati na noong bata pa ako.

Dave, paano mo ako nahintay ng matagal? Akala ko di mo na ako maaalala.

"Oh Angel anak, magkwento ka naman kay Dave tungkol sa childhood memories mo. Mas titibay ang relasyon kung alam nyo ang tungkol sa isa't-isa" sabi ni Mama.

"Nakalimutan ko na kasi yong iba at nakakahiya po kay Dave"

"Ba't ka naman mahihiya kay Dave?" pambabara ni Mama.

Tumingin ako kay Dave na nakatingin din sa akin. "Hwag ka ng mahiya Angel. Ngayon ka pa mahihiya sa tagal ng pinagsamahan natin"

"Sige na nga pero isa lang ha" sabi ko at tumango siya. "Noon, kasi mahilig ako sumakay ng kalabaw ng kapit-bahay. Tas noong inihaw yon, sobrang iyak ko talaga. Paano ba naman, naawa ako kay Kulbi, pangalan ng kalabaw nila. Pinangalanan ko kasi. Nang binigyan naman kami ng laman ni Kulbi, hindi talaga ako kumain. Iniisip ko na baka magalit siya sakin dahil kinain ko siya"

Nami-miss ko si Kulbi. Sumasama pa naman ako kung gagamitin siya sa pag-aararo. Tumutulong din ako sa pagpapakain sa kanya. Pinapaliguan ko rin si Kulbi minsan kasama yong anak ng may-ari kay Kulbi.

"Talaga Angel? Pinangalan mo pa ha" natatawa si Dave.

Natawa na rin ako. Nang matapos kaming magkwentuhan ay pumunta kami ni Dave sa may duyan na nasa ilalim ng puno at nasaharap nito ang napakalaking ricefield. Katabi ko siya na humiga sa duyan na pandalawahan.

"Gusto ko rito" nagsalita si Dave.

"Huh? Hindi kita maiintindihan"

"Angel, gusto ko ang lugar na ito. Napakapresko at tahimik dito" he clarified.

"Ganun ba?"

"Oo ganun nga" sagot niya at tiningnan ako.

Ang lakas ng tama ko kay Dave. Hindi ko maiwasan ang mga tingin niya.

"Angel, may sasabihin ako sayo pero hwag kang mangamba ha" sabi niya at inayos niya ang sarili.

"Sige, sabihan mo lang ako" sagot ko.

"Ang dahilan kung bakit hindi ko muna inamin sayo na nakaalala na ako kasi..."

Ikwenento niya lahat sa akin. One week after makalabas siya sa ospital ay naka-recover na siya. Bigla naman niyang naalala ang nangyari before siya masagasahan. Nakita niya ang dalawang lalaki na nag-uusap na nakatingin daw sa akin malapit sa isang truck. Hindi ito pinansin ni Dave kaya nang malapit na siyang mabangga ay doon lamang niya napagtantuhan na pinagpaluhan pa yon. Naalala rin niya ang mukha ng isang lalaki dahil nakita niya ito sa puno na nagtatago noong naaksidente ang kanyang ate.

Nagpa-imbestiga siya tungkol dito at humingi ng tulong sa mga kaibigan. Sinabi rin niya sa akin na ako rin ang dahilan ng pagpunta niya rito. Sasabihin na sana ni Dave sa akin noon na nakakaalala na siya ngunit nadama niyang may nagmamatayag sa kanya.

"Naalala mo noong nasa Metro Centre tayo Angel?" bigla niyang natanong.

"Huh? Anong connect?"

He rolled his eyes. Hahaha... First time ko pa siyang nakita na gumanon.

"May nagmamatyag satin noon. Kaya nga nagdesisyon tayong lumipat dahil nanoon din sila" tumindig ang mga balahibo ko sa sinabi ni Dave.

"Talaga?"

"Una ko itong na-obserbahan noong nasa Talibon pa ako. Nasa pension house ako noon..."

Flashback

"Hello Dad" I greeted

["Dave, son, how are you?"] tanong ni Dad.

"I'm fine Dad. Maganda po dito. Iba po dito sa Manila. Kayo po ni Mommy?"

[Don't mind us son, we're okay... Kinukumusta lang kita. May pera ka ba diyan? Kailan ka makakauwi?"]

"I still have money Dad. I brought credit cards that Mom gave and I still don't know kung kailan ako makauuwi. Baka matatagalan pa po ako dito. I think I'm going to like it here"

["Naku, naku. Baka hindi ka na uuwi dito ha"] pagbibiro ni daddy.

"Kayo talaga Dad. Hahaha. Siyempre uuwi po ako. Eh sino pa ang magbabantay sa inyo?"

[How sweet. Sige Dave, may meeting pa ako. Bye"]

"Bye Dad"

End of Flashback

After tumawag sa akin si daddy, I saw a glimpse on me. A man was looking on me. So, I acted na parang nahihilo ako para isipin niyang wala pa akong naaalala.

"Nakakatakot naman Dave" sabi ko.

"I know, that's why I keep on acting that I don't remember even a liitle memory of you"

Kaya pala. Ang galing niyang magpanggap na wala na siyang naaalala tungkol sakin.

"Bakit naman? Pwede mo namang sabihin sakin na you've remembered na" I said.

"No. I can't afford to lose you Angel. Alam nila na isa ka sa weakness ko. They might use you"

Na-touch ako sa sinabi ni Dave? Ganyan ba talaga niya ako ka-mahal? Well, mahal na mahal ko rin naman siya.

"Why? Paano ba nila malalaman. We can keep it as a secret you know" I said.

Umiling siya sa akin. "Enemies may enter in our colonies"

What?! Ano bang sinasabi ni Dave. Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Hindi kita maiintindihan Dave" I murmured.

Sa halip niya mag-explain siya sakin ay bigla akong kinulog sa mga bisig niya and he kissed my head.

"You don't have to know babe. Hwag kang mag-alala, nasa Maynila na sila. Ang importante ngayon, nasa kandungan na kita. I love you Angel"

Before ako sumagot ay niyakap ko siya. "I love you too Dave"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon