Part 15

12 0 0
                                    

Elaine's P.O.V

PUMUNTA kami ni Shen doon sa isang lugar na napakatahimik. O nga pala, inalok niya ako na magtrabaho sa isang coffee shop dito. Napakaganda ng lugar at kahit taga dito ako, hindi pa ako nakapunta sa lugar na ito.

"Ang ganda dito. Hindi pa ako nakapunta ng lugar na ganito ka-peaceful maliban sa..." hindi ko natapos ang aking pagsasalita dahil may naalala akong isang pangyayari.

"Bakit Elaine? Ano'ng iniisip mo?" tanong niya sa akin ng napayuko ako at nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Wala. May naalala lang ako. Wala ito" sabi ko.

"Sure ka?" tanong niya sa akin at tumango ako bilang sagot.

"Nga pala, kumusta na ang iba nating classmates? For sure, hindi dito nag-aaral 'yong iba. Gr-um-aduate na ba?" tanong ko.

"Ayun, si Katiana, naging manager na ni James Reid. Swerte 'di ba?"

Napangiti ako. "Talaga? Ang swerte niya talaga. Isang honk pa 'yong kasa-kasama niya".

"Si Francess, napangasawa ang apo ng may-ari ng Shell corp. Si Hannah may Hapon na. Si April, nagmadre. Si Drangdrang at Berna naging Professor sa Oxford. Si Hannah the silent naging supermodel na, si Edda nasa New Zealand na dahil sa business, ang MaySon nagpakasal na last year at may isang anak nila, si Kent body builder na, si Jeannie endorser na ng shampoo..."

Patuloy lang akong nakikinig kay Shen at natuwa ako dahil malayo na rin ang naabot ng classmates ko noon.

"Ang ganda na ng buhay nila noh. Hindi nga ako makapaniwala sa iba eh" sabi ko sabay tawa.

"Oo nga eh. Minsan nga, naiisip ko kung bakit hindi pa ako sumama kay Kuya sa Korea"

"Oo nga pala, 'di ba stockholder ang pamilya niyo sa isang sikat at mayaman na mga Entertainment sa Korea at Japan?"

"Yes. My brother once told me to go there but I insisted. Ayaw ko kasi doon baka 'di ako masanay at alam mo na man na gusto ko lang dito" paliwanag niya.

"I see"

Naglalakad na kami pauwi at nagkkwekwentuhan lang kami ni Shen. Matagla na kasi kaming hindi nagkita. After the incident in Manila, I went to Spain. I spent a year there to refresh my mind and for a training. Ako kasi ang magmamana sa business nila Papa. Babalik ako sa Manila after the Class Reunion namin.

Pag-uwi ko sa bahay, naghahanda na sina Mama at ang dalawang bunso ng hapunan. Miss na miss ko na sila. Sila kasi ang saya ko at ang mga taong naiwan ko sa Manila.

"Angel, kain ka na. Kumusta 'yong meeting ninyo?" tanong ni mama.

"Okay lang po ma. Nagkita na rin kami sa wakas. Nasaan po si Papa ma?" sagot ko at tinanong ko si Mama.

"May inaasikaso pa siya... Ay nandiyan na pala siya o" wika ni Mama habang tumingin kay Papa na hinuhubad ang sapatos.

"Angel, anak ko na napakaganda" bati sa akin ni Papa at napatwa kaming lahat. Ganyan talaga si Papa. Palagi niya akong binibiro.

"Kain na tayo. Baka lumamig pa 'tong sabaw na niluto ko" pagyaya ni Mama.

"Wow~ Ang paborito natin. Wala talagang makakatalo sa luto mo ma" pahayag ng isang bunso kong kapatid.

"Sus. Kayo ha, binibibiro nyo ako palagi" natatawang sabi ni Mama.

Nagsimula na akong kumain at tinanong ko sina Mama at Papa tungkol sa pagpa-part time job ko.

"Okay lang po ba sa inyo, Ma, Pa?"

"Anak, okay lang naman namin. Ang sa amin lang, ingatan mo 'yang katawan mo. Huwag kang magpapagod ng todo. Makakasama 'yan sa'yo. Nasaiyo na ang huling desisiyon. Ikaw, kung gusto mo, sang-ayon lang kami ng Papa mo" sang-ayon ni Mama sa akin

24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon