Nagsimula ng mag-ayos ang mga katulong at nagkwentuhan lang ang pamilya ng dalawa. Dahil nahihiya, hindi sila sumali sa usapan. Pumunta sa terrace si Dave na nasa second floor at sa harap nito ay isang swimming pool. Si Angel naman, doon pumunta sa may pool. Nababaguhan at nagagandahan siya doon dahil walang ganoon sa kanilang lugar. Maya-maya pa ay tumungo sa pool ang si Desyra.
"Angel?"
"Kayo po pala Ms. Desyra" nahihiyang bati ni Angel.
"Ba't ka nandito?Ba't di ka muna pumunta doon sa salas?" tanong ng kapatid ni Dave.
"Nahihiya po kasi ako. Isa pa po, nagandahanpo ako sa view dito. Iba po kasi sa probinsiya. Hindi lang ako sanay makakita ng ganito ka-gandang bahay" paliwanag ni Angel na kinakabahan pa.
"Alam mo Angel, I like you. I like you for my brother. Uang kita ko lang pala sa'yo, fit ka na sa kapatid ko. Sana, maintindihan mo siya minsan. Alam ko namang mabuti at pasensiyosa kang tao. Dave's a good boy but sometimes, he's acting like stupid and he thinks he's at the right place.
"Hehehe. Gano'n po ba. Susubukan ko po Ms. Desyra"
"Ano ka ba. H'wag mo na ako tawaging Ms. Desyra. Ate na lang okay? Nakakahiya naman kung Miss" nakangiting sabi ni Desyra.
"Sige po, Ate"
"Okay then, iwan muna kita ha. Makikipagkwentuhan lang muna ako kina Tita at Tito"
"Sige po"
Nang umalis si Desyra ay umupo si Angel sa upuan malapit sa pool at nag muni-muni. Ang hindi niya alam, kanina pa nakitingin sa Dave sa kanya sa itaas. Hindi maipinta ang mukha niya dahil ayaw niya talaga sa ginagawa ng parents niya. Napansin niyang may malalim na iniisip si Angel at sa tingin niya ay tungkol sa sinabi ng Ate niya na intindihin siya. "Patay ka sa'kin babae ka. Sisiguraduhin kong hindi matutuloy ang pinaplano nilang kasal. Aatras at aatras ka rin. I'll make sure of it" sabi niya sa sarili habang nakatingin kay Angel and he smirked.
"Angel, Dave, it's time for us to say goodbye to you. Sana, h'wag kayo mag-away palagi and Dave, be a good man to Angel okay? And Angel, please understand Dave sometimes" bilin ni Mrs. Davina.
Tumago si Angel at niyakap siya ng step mom at papa niya. "I know you're smart" sabi ni Mr. Angelo at niyakap si Angel. "Please take good care of your self. Just call us when you have a problem. Here's your credit card" dagdag ng ama.
"Naku po sobra naman po ito pero salamat po, Papa. Kayo din po mag-ingat po kayo ni Tita" sagot ni Angel at ngit=nitian ang Papa at Tita niya.
"Dave, do whatever is good. Be decent to Angel. Never make her cry. I'm sorry if we hurt you but this is just for your own goodness. You can ignore me this time but I know, someday you will thank me for having this option" wika ni Mrs. Davina kay Dave na hindi man lang sumasagot.
"Don't make things that will make me piss Dave", utos ng kanyang ama. Hindi tiningnan ni Dave ang kanyang ama at niyakap agad ang Ate Desyra niya.
"Dave, I know you're a smart person. Be a good boy to her, okay? Isipin mo na lang na nakatingin lang ang Ate Divina sa atin. Sa iyo. 'Di ba, bata pa lang tayo, ang bilin niya ay dapat maging mabuti tayo sa kapwa natin, gusto mo man o hindi? I know you're responsible. I will be here for you always" bilin ni Desyra habang yakap ang kapatid.
"I'll try my best Ate", maikli niyang sagot.
Nang matapos magpaalam sa isa't-isa, umuwi na ang bawat pamilya at naiwang tahimik ang dalawa. Kahit isang katulong ay walang naiwan sa kanila. Ang gusto kasi ng mga magulang nila ay matuto silang gumawa ng mga bagay na gawain ng mag-asawa para kung ikinasal na sila ay handa na ang dalawa.
"Pupunta muna ako sa taas" paalam ni Angel na hindi man lang tumitingin kay Dave. Hindi sumagot si Dave at tiningnan lang niya si Angel. Pumunta sa pool si Dave. Nakita niya sa upuan kung saan umupo si Angel kanina ang isang metal bracelet at kinuha niya ito at tiningnan. Nakita niya sa bracelet na may nakasulat na 'JB'. Nagtaka si Dave at pinuntahan niya si Angel sa taas.
"Naku! Nasaan na ba 'yong bracelet ko! Importante sa akin 'yon! Nasaan ko ba iyon nailagay?" sabi ni Angel sa sarili habang hinahanap.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Dave na kanina pa tumitingin kay Angel.
"Ha? Eh. Wala" pagsisinungaling nito.
"Ano'ng wala? Eh nakita kitang may hinahanap eh."
"Kasi- 'yong-''
"Ito ba 'yong hinahanap mo?" tanong ni Dave habang hawak-hawak ang isang bracelet.
"Akin 'yan. Salamat at nakita mo 'yan" pasalamat ni Angel at parang tutulo na ang luha niya. Kukunin na sana ni Angel ang bracelet ng umalis pababa si Dave.
"Hoy! 'san ka pupunta? Akin na 'yan! Sa akin 'yan eh!" sigaw ni Angel habang hinahabol pababa si Dave.
"Ano'ng sa tingin mo? Ibibigay ko 'to sa'yo? Hindi no! Mag-quit ka muna sa kasal" sabi ni Dave habang patuloy na naglalakad papuntang pool.
"Ano ba? Akin na 'yan please. H'wag ka na mang ganyan oh" pagmamakaawa ni Angel.
"Mag-quit ka muna. Kung gusto mo 'tong makuha, mag-leave ka muna at sabihin mo sa Daddy mo na ayaw mo ng ituloy ang kasal" desperado niyang sabi.
"Hindi kasi pwede Dave. Gustuhin ko man, hindi talaga pwede" kalmadong sagot ni Angel.
"Edi maghirap ka".
Matapos sabihin ni Dave ang mga salitang ito ay tinapon niya sa pool ang bracelet at nagulat si Angel dahil 'di niya inasahang itatapon iyon ni Dave. Tinanggal niya ang sapin sa paa at sinubukan niyang lumangoy sa malalim na bahagi ng pool kung saan itinapon ni Dave at hindi na niya maabot. Kahit malalim ay sinubukan pa rin ni Angel na tunguhin ang bracelet na malapit-lapit na niyang makuha. Pagkakuha niya nito, bigla siyang natigilan upang bumalik sa ibabaw. Sa una, akala ni Dave na naglalaro at pinaglalaruan lang siya ni Angel pero nagulat siya ng nakapikit at parang lumulubog ito.
"Angel!" sigaw niya at tumalon upang sagipin si Angel. Pagkatapos niyang kinuha ang dalaga ay dinala niya agad to sa loob at pinagising. Maya-maya ay nagising si Angel.
"Akala ko mamamatay ka na" sabi ni Dave.
"Patawad at pinag-alala kita. Paumnahin Dave"
"Kasalanan mo kasi 'yan. Kinuha mo pa 'yong bracelet, at, hindi ka pa marunong lumangoy"
"Mahalaga kasi 'tong bracelet na 'to sa'kin" paliwanag niya habang ngumingiti sa bracelet na hawak.
"Tinanong ko ba? Magbihis ka na nga. Nakaka-bad mood ka naman. Bukas pala, papasok na tayo sa skwela" striktong pahayag ni Dave at saka pumunta sa kwarto niya sa taas.
BINABASA MO ANG
24 Hours
RomanceLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.