Part 21

13 0 0
                                    


Nang matapos magsalita ay napansin ni Dave na tumitingin pa rin sa kanya si Elaine. Napangiti si Dave kaya umiwas ng tingin si Elaine. Dahil sa lamig, niyakap ni Elaine ang sarili napansin ito ni Dave na kaya dali-dali niyang tinanggal ang suot niyang leather jacket at ipinatong sa harap ni Elaine kaya V-neck t-shirt na white na lang ang naiwan sa kanya. Oh terno di ba?

"Para saan 'to?" tanong ni Elaine.

"Gamitin mo 'yan nang di ka ginawin" sagot nito at ngumiti.

"Pano ka? Hindi ka ba giniginaw? Nakakahiya naman"

Hinawakan ni Dave ang ulo ni Elaine at ngumiti. "Huwag kang mag-aalala. Ayos lang ako. Mas mabuti kung ikaw ang gumamit. Baka mapano ka pa"

Tumingin sa opposite na side si Elaine at namula sabay ngiti. Napansin din agad ito ni Dave.

"Kinilig ka naman" sabi ni Dave pero sakto lang na hindi ito marinig ni Elaine.

Dahil mahaba-haba ang byahe, nakatulog silang dalawa. Bigla namang gumising unti-unti si Dave dahil sa pinatugtog na kanta pero hindi nagising si Elaine. Liningon ni Dave si Elaine at nagulat siya nang nakapatong sa balikat niya ang ulo ni Elaine at tinitigan niya ang dalaga.

"Kung pwede lang sana... Pero 'di pa pwede ngayon" sambit ni Dave sabay halik sa noo ni Elaine.

Napatingin sa bintana si Dave ng biglang tumunog ang iPhone niya.

Dave's P.O.V

Napatingin ako sa may bintana upang pagmasdan ang isang malaking palayan nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa dala kong handbag.

From: 09155061***

Miss me?

Hindi ko alam kung kaninong number 'to. Napatingin ako sa gawi ni Elaine at mahimbing siyang natutulog. Muli kong binaling ang tingin ko sa phone. Nagdalawang isip akong replyan 'yon. Hindi ko alam kung sino 'yon. Bukod sa pamilya ko, mga malapit na kaibigan lang ang may alam ng number ko. Mula noong nagising ako, pinalitan agad ni Daddy ang phone at SIM card ko. Hindi na lang ako nagreply at natulog na lang gaya ni Elaine at inayos ko ang posisyon niya pero nasa balikat ko pa rin. Nagulat ako nang yakapin niya ako. Hindi ko alam pero parang namumula at umiinit ang mukha ko.

"Elaine, nandito na tayo" mahinang sabi ko sa kanya nang makarating na kami.

Unti-unti siyang nagising. "Huh? Nandito na tayo?"

Tanong niya and I nodded.

Pumunta muna kami sa loob ng IC Mall para kumain at bumili ng aming ibabaon. Mayroon na kaming reservation sa Metro Centre hotel.

"Napagod ka ano?" I asked noong nakita ko siya na nakayuko habang naghihintay sa akin.

"Medyo pero ganito lang talaga ako. Hehe" sabi niya.

Nasa Jollibee pala kami, sa second floor. Marami na kasing tao sa ibaba.

"Dave..." putol na sabi niya nang nag-ring ang phone niya. "Wait lang..." dagdag pa niya at kinuha ang phone mula sa bag niya.

"Dad?" sabi niya sa tumawag.

"Okay lang po ako Dad... Ah si Mama at Papa? Okay lang din po... Nandtio po ako ngayon sa Tagbilaran... Kaibigan ko po... Ikaw po? Kumusta po kayo ni Tita?... Ah sige po... Naiintindihan ko po... Maybe June or July... Bye Dad... I Love You Too Dad... Just tell Tita that I missed her too" sagot ni Elaine sa tawag ng Daddy niya.

Nginitian niya ako and I smiled back. Matapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sa kanya upang bumili ng Memory Card para sa DSLR Cam ko. Hindi ko na siya sinama upang makapahinga siya. Nandoon siya naghihintay sa akin sa Dunkin Doughnuts.

24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon