Dumaan ang ilang araw, mas naging close si JB at Angel. Minsan, magkasama pa silay kaumakain ng tanghalian at madalas sila magkasama kung umuuwi. Napapansin ito ng mga kaibigan ni JB pati na rin si Dave. Ilang araw na ring hindi nagpapansinan si Dave at Angel kahit sa bahay. Sa tuwing magkasama si JB at Angel at biglang dadating ang barkada niya, umaalis si Angel. Umabot ng dalawang linggo ang 'di pagpapansinan ni Dave at Angel. Isang araw ay naiwan si Angel sa paaralan dahil may tinapos pa siyang project.
"Angel, ba't nandito ka pa?" tanong ng isang pamilyar na boses. "Gabi na ha"
"JB?!" gulat na tanong ni Angel. "Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong naman niya.
"May practice kasi kami ng basketball"
"Ah ganun ba? Uuwi na rin ako. Huwag kang mag-alala" nakangiting sabi ni Angel.
Aalis na sana si Angel nang bigla siyang hinawakan ni JB at saka hinalikan sa pisngi. "Mag-ingat ka" sabi pa nito. Umalis si JB pagkatapos nito. Hindi naman naigalaw ni Angel ang mga paa niya. Nagulat siya sa ginawa ni JB dahil ang pagkakaalam niya, magkaibigan lang sila at doon lang 'yon.
"Angel..."
Tumunigin si Angel sa kabilang bahagi ng hallway at nakita niya si Dave na kanina lang nakatayo doon. Hindi siya sumagot at umalis. Hindi na hinabol ni Dave si Angel.
Dave's P.O.V
Nakita kong hinalikan ni JB si Angel. Ilang araw na ring hindi niya ako pinapansin simula noong sinabihan ko siya ng masasakit na salita. Kahit sa bahay, hindi niya ako pinapansin. Noong nakita kong hinalikan ni JB si Angel, gusto ko siyang lapitan at suntukin pero hindi ko magawa. Gusto ko sanang habulin si Angel pero parang may pumipigil sa akin. Minabuti ko na lang umuwi at kauusapin ko siya doon. Mabilis kong pinatakbo ang aking kotse. Pagdating ko doon, nakita kong naghahanda ng hapunan si Angel. Nilapitan ko siya pero hindi siya tumitingin sa akin.
"Angel. Kausapin mo naman ako oh" sabi ko sa kanya. Hindi siya nakinig at patuloy sa kanyang ginagawa. "Angel, galit ka pa rin ba sa'kin?" dagdag pa nito.Umalis si Angel at pumunta sa kwarto niya. I-lo-lock na sana niya ang pinto nang pinigilan siya. Pumasok ako sa loob at hinarap si Angel. Hindi niya ako tinignan man lang. "Galit ka pa ba? Ang tagal na no'n Angel. 'Di mo pa rin ba nakakalimutan?"
Tiningnan niya ako at para siyang naluluha. "'Di naman ako galit sa'yo Dave"
"'Di ka galit? Pero bakit 'di mo ako kinakausap? Eh di galit ka nga!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi nga ako galit! Alam mo kung bakit hindi kita pinapansin? Kasi hindi ko alam ang gagawin dahil nasabihan ako ng mga masasakit na salita sa taong mahal ko! Nahihiya ako dahil mismong mahal ko ang nagsabi na gano'n pala ako! Bumaba ang tingin ko sa sarili ko Dave! Alam mo ba 'yon!" paliwanag niya habang umiiyak at hindi ito makatingin kay Dave.
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Para bang may tumusok sa dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin. Wait, did she said 'mahal ko'? Mahal niya ako? Mahal ako ni Angel? Tiningnan ko lang siya na umiiyak. May something eh. Parang may masarap na feeling akong naramdam na ngayon ko pa lang feel. I can't distinguish this feeling. Malakas ang tibok ng puso at parang umiinit ang buong katawan ko. Hindi ko alam pero bigla kong niyakap si Angel at tumawa ako.
"Mahal mo ako?" tanong ko habang yakap-yakap si Angel at tumawa ako. Binitawan ko siya sa pagkayak at tiningnan ko siya sa mata ng seryoso. "Mahal mo ako? Ang gagong ito?" tanong ko habang nakaturo sa utak ko. Tiningnan niya ako at sinabing 'oo'. "Mahal din naman kita Angel. Mahal na mahal" pagkasabi ko no'n ay tiningnan niya ako at ngumiti. Para bang tumigil ang mundo namin. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. "Patawarin mo ako Angel. Ilang beses na kitang sinaktan at pinagtabuyan. Patawrin mo ako" sabi ko sa kanya. "Mahal kita" dagdag ko pa. Mas hinigpitan ang pagkayakap ko sa kanya at ngumiti ako. Is this the feeling of being in love? So, I'm on this zone right now?
BINABASA MO ANG
24 Hours
RomanceLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.