Part 16

11 0 0
                                    


GUMISING na sina Shen at Steph dahil sa ingay ng alarm clock. Pagkagising nila, nagulat sila nang makitang wala na si Elaine sa loob.

"Ha? Asan na ang babaeng 'yon? Six pa lang ha" tanong ni Shen kay Steph na nanalamin.

"Aba, kagigising ko lang din no... Teka, ano'ng bahong 'yon? Bakit ang bango?" sagot ni Steph.

Lumabas sila sa kwarto at sinundan ang amoy. Nanlaki ang kanilang mga mata nang makitang nagluluto si Elaine.

"Elaine?" tawag ni Shen.

"Ay. Gising na pala kayo. Sige upo na kayo at ihahanda ko na 'tong almusal natin" pagyaya ni Elaine.

"Bakit ikaw ang nagluluto?" tanong naman ni Steph at tumingin sa niluto.

"Maaga kasi akong nagising at nasanay na rin ako na maghanda ng pang almusal. Ganito rin kasi ang ginagawa ko sa Spain at no'ng hindi pa nakalimot si Dave" paliwang ni Elaine habang nilalagay ang mga pagkain sa maliit na mesa.

Nagtitigan si Shen at Steph at tumingin sila kay Elaine na nakanganga.

"Bakit?" inosente si Elaine na nagtatanong.

"Sinong Dave?" sabay na tanong ng dalawa.

"K-Kasi... Eh siya 'y-yong mapapangasawa ko sana" uutal-utal niyang sagot.

"Asawa?!" sigaw ng dalawa.

Nagkamot ng ulo si Elaine. "Ano bang sinsabi nyo. Siya 'yong ipapakasal sa'kin. Kayo naman, parang 'di nyo pa alam"

"Sorry te ha. Wala ka kasing sinabing pangalan" pagtataray ni Shen.

"Ano 'yong sinabi mong nakalimot... siya?" tanong si Steph.

"Pumunta kasi kami noon sa isang lugar...". Ikwenento ni Elaine lahat ng nangyari sa kanila ni Dave hanggang sa pumunta siya sa Spain at makauwi siya dito sa Pilipinas. Maluha-luha niya itong ikwenente sa mga kaibigan.

"Mahal mo talaga siya no?" tanong ni Shen kay Elaine na parang maluluha na din.

"Mahal na mahal" sagot niya.

"Ang saklap pala ng pag-iibigan ninyo. Masakit talaga'ng magmahal lalo na kapag hindi ka na naaalala ng taong pinakamamahal mo na kaya mo ng ibigay ang mundo mo makasama mo lang siya?" pahayag ni Steph.

"Masakit pero dapat mong kayanin. Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat maibigay mo lang sa kanya ang masayang mundo. Kahit masaktan man ako, kung ito ang makabubuti sa kanya, bakit ipagdadamot ko pa ang kaligayahan niya at ng iba?" sagot ni Elaine.

Natahimik silang tatlo at yumuko si Elaine.

"A-ano ba kasi ang hitsura niya? Gwapo ba? Matangkad? Moreno?" tanong ni Steph.

Napatingin naman si Elaine sa dalawa at nagsmile. "Nandito siya"

"Ha? Nasaan? Tatlo lang naman tayo dito ha? Oops, huwag mo sabihing ako. No no no no!" gulat na nagsalita si Steph at tiningnan si Shen. "Baka ikaw!"

"Ano'ng ako?! Gaga ka talagang bakla ka. Hindi kami talo no!"nagwika naman si Shen.

Tinawanan ni Elaine ang dalawa at nagtaka naman sila. "Bakit katumatawa?" tanong ni Shen.

"Ano ba kayo. Siyempre wala sa inyo. Hahaha. Ang ibig kong sabihin, nandito siya sa Talibon. Pumunta nga siya sa shop kahapon eh!" natatawa nitong sagot.

"Siya ba 'yong?..."

"Oo Shen. Siya nga 'yon. 'Yong lalaki na malapit sa glass window at nakasuot ng white V-neck"

"Oh sh!t!" Bakit hindi mo sinabi?! Bakit hindi mo nilapitan? Bakat hindi mo kinausap?Bakit? Bakit?!" pag-OO.A ni Steph.

"Huwag ka ngang O.A Steph.

"Kayo talagang dalawa. Siyempre. Paano ako magpapakilala sa kanya eh hindi na naman niya ako kilala. At saka..." hindi naituloy ang pagsasalita ni Elaine dahil tumulo ang luha niya.

"Angelaine..." sambit ni Shen habang umiiyak si Elaine.

"Hindi ko kasi kaya. Hindi ko siya kayang harapin. Wala akong lakas na lumapit man lang sa kanya o tumitig sa kanyang mga mata dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi ko na maibabalik ang mga panahong masaya at nagmamahalan pa kaming dalawa" ungol ni Elaine.

Niyakap ni Shen at Steph si Elaine. Makikita sa mga mata ng dalawa ang pag-aalala at lungkot. Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Elaine. Doon niya kasi binuhos ang kanyang nararamdaman nang makita ang minamahal kahapon.






24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon