Part 26

14 1 0
                                    


Shen's P.O.V

Pang-apat na naming araw bukas. Haysss... Buong akala ko friendly tong si Mr. Ponce, hindi pala. Ang snob talaga, kung hindi lang siya gwapo. Nandito kami ni Steph ngayon sa SM Seaside. Ang laki rito ha. Halos mawala ako sa sobrang laki. Namimili kasi ako ng maisusuot sa Grand Reunion ng batch namin. Mamayang one o'clock pa kasi ang meeting namin kaya gumala muna ako.

"Miss, may maliit pa dito?" tanong ko sa isang staff habang nakahawak sa isang white dress.

"Titingnan ko po muna sandali" sabi niya at umalis.

Sinubukan kong tawagan si Elaine at ng malaman ko kung ano na ang ginawa nila. Kaso lang, hindi ko siya ma-contact. Out of coverage area raw.

"Hoy Shen!" sigaw ni Steph.

"Bakit ka ba sumisigaw? Naririnig naman kita" sabi ko at kinuha niya yong braso ko.

"Halika, may ipapakita ako sayo" sabi niya.

"Uy sandali lang" sabi ko nung nakita ko ang staff na may dalang white dress na kapareho dun sa nakita ko pero mas maliit.

"Miss ito na po yon" sabi niya.

"Um, ate, sandali lang po ha. Basta, bibilhin ko yan mamaya. Sandali lang po" pagkasabi ko nun ay lumabas kami sa shop.

Para kaming hinahabol ng mga pulis. Ang bilis lumakad nitong baklang to.

"Uy bakit ba" napahinto kami sa isang toy shop.

Huminga ng malalim si Steph. Tumingin siya sa loob at tumingin rin ako. Oh my God... Nakita ko si Mr. Ponce. Ba't nandito siya?

Pumasok kami sa loob. Hindi kami nagpapakita sa kanya nang hindi kami mahuli. Ang weird. Ang laki-laki na niya tas naglalaro pa. Anobeyen... turn off.

Nagtago kami doon sa malalaking teddy bears at sinusundan pa rin namin ng tingin si Mr. Ponce.

"Para tayong stalker dito Steph" sabi ko.

"Sshhh, huwag kang maingay" sabi niya.

Nanatili pa rin kami doon sa loob. Palipat-lipat ng matataguan. Bigla na lang kaming nagulat nang may nakita kaming batang lalaki na lumapit sa kanya.

"Daddy, daddy, may napili na po ako" sabi nung bata.

What? Daddy? So... may anak na pala si Sir! Ang bata-bata niya pa ha. Twenty-three pa lang siya. Three years lang agwat naming dalawa.

"What?!" napasigaw si Steph dahilan upang marinig ni Sir. Dali dali kong tinakpan ang bibig niya at nagtago. Muntik na kami dun ha.

Pumunta sina Sir sa isang toy rack. Nagtago kami sa likod nito. Grabe yong effort namin ni Steph. Kaso bigla na lang nawala sa paningin namin si Sir pero nakikita pa rin namin ang bata.

"Are you following me?" hala... boses ni Sir yon.

Napatingin kami sa likod namin. Nakita namin si Sir at ang sama ng tingin niya sa'min. Naku... baka ma-fire kami nito. Lord help.

"S-s-s-sirr... h-hindo po" nautal ang bakla.

Nakatingin pa rin samin si sir. Hindi ako makatingin makatingin sa kanya.

"Daddy" tawag ng bata at lumapit sa amin.

Bumuntaong hininga si Sir. Hinawakan niya ang anak niya. Tumingin ang bata sa amin kaya nginitian ko ito. Biglang nagtago ang bata sa likod ni Sir. Patay, baka natakot.

Sinubukan naming ngumiti kay Sir, nag fake smile pero nakatingin pa rin siya sa'min ng seryoso.

Nasa isang shop kaming apat. Ako, si Shen, si Sir at ang anak niya. Inukupa namin ang isang pang-apat na mesa.

24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon