Part 5

15 1 0
                                    

NAGHANDA ng agahan si Angel dahil papasok na sila sa skwela ngayon. Nasanay kasi siya sa probinsiya na palagi siya ang naghahanda ng pagkain nila. Nakabihis na nga siya at hinihintay lang niyang bumaba si Dave. Maya-maya pa ay bumaba si Dave.

"Ano 'yan?" tanong niya kay Angel.

"Kumain ka na Dave. Nagluto ako ng agahan" sagot ni Angel.

"Iyan ba ang susuotin mo? Pants, sneakers, at t-shirt lang? Hmmmm. Walang duda, taga probinsiya ka nga"

"Ha?" tanong ni Angel

"Wala. Pwede bang huwag ka dito kapag kumakain ako? Baka mawalan kasi ako ng gana. Alis"

"Gano'n ba? Sorry. Pag tapos ka na kumain, iwanan mo na lang diyan. Ako na lang ang maghuhugas ng pinggan" paumanhin ni Angel.

SA skwelahan, naghihintay sina JB, Jake, Lorenz, at Kevin sa pwesto nila doon. Kilala sila dahil sa kanilang katalinuhan at ka-pogian. Hindi sila ang tipong bad boy pero hindi naman sila 'yong tipong mga nerd. Mas pormal sila dahil sa kanilang pananamit. Pero amy pagkababaero ang tatlo sa kanila. Kilala din sila dahil sa galing nila sa sports at talents. Isabay pa sa ka-tanyagan nila ang kanilang estado sa buhay.

"Hoo! Ang tagal naman ni Dave! 'Pag tayo na-late, ewan ko kung ano'ng gagawin ko" nakasimangot si Kevin habang naghihintay sila kay Dave.

"Parating na 'yon... Oh! Nandiyan na pala ang gago eh" sabat ni Jake.

"Bro! Ang tagal mo naman! Nabuhay ka na din sa wakas! Ilang subject na ang na-miss mo!" bati ni Lorenz.

"H'wag kayong mag-alala. Nandito na ako oh! Tara na!" yaya ni Dave.

"Mauna muna kayo Bro. May naiwan lang ako sa kotse ko" paalam ni JB sa apat.

"Sige, dalian mo ha" bilin ni Dave.

Pumunta si JB sa kinaroroonan ng kotse niya at kinuha ang isang aklat. Pagkakuha niya nito ay papunta na sana siya ng may bumanggang babae sa kanya. Nahulog ang aklat na dinadala niya at kinuha agad ito ng babae.

"Ay sorry! Sorry talaga. Patawad. Paumanhin at nabangga kita" paulit-ulit na sabi ng babae.

"Ah. Okay lang. H'wag kang mag-alala. Ayos ka lang ba?"

Nang magsalita si JB ay lumingon ang babae sa kanya. Nagtitigan sila ng limang segundo at saka inalis ni JB ang tinin niya sa babae.

"Ito 'yong libro mo oh. Sorry talaga at naabala pa kita" patawad ulit ni Angel habang ibinigay ang aklat.

"Okay lang ako. Ikaw, ayos ka lang ba?" tanong ni JB.

"O-okay lang" uutal-utal na sagot ni Angel.

Paalis na sana si JB ng tanungin siya ng babae. "Ah, Kuya... Pwede magtanong?"

Lumingon naman si JB sa kanya at nilapitan, "Bakit?"

"Kasi... kasi... Transferee kasi ako dito at hindi ko pa kabisado ang lugar. Gusto ko lang kasing magtanong kung saan ang engi-''

"Sumunod ka na lang sa akin. Pareho pala tayo ng papasukang klase eh. Third year 'di ba?" sapaw ni JB.

"Oo. Salamat Kuya ha" pasalamat ni Angel.

"H'wag mo na akong tawaging kuya. I'm John Benjamine Trazo. JB na lang" pakilala niya.

"Nice to meet you JB, ako nga pala si Angelaine Gurrea. Angel for short"

Nag handshake sila at saka pumunta sa kanilang classroom. Five minutes before magsimula ang klase ay nakarating na sila. Pumasok silang dalawa at kunwari ay di sila magkakilala. Nakita ni Angel si Dave doon na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Hindi sila nagpansinan at sa pagkatapos ng tatlong topic ay tanghalian na. Wala silang kibuan doon.

"Naku, 'san ba ako pupunta?" nakakamot si Angel sa ulo na naglalakad at naghahanap ng lugar kung saan pwedeng kumain.

"Angel!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Risa! Nandito ka! Akala ko 'di kita mahahanap dito sa school" sabi ni Angel na nawala ang kaba sa mukha niya.

"Hinanap talaga kita dahil alam kong wala kang kasama ngayon. Tara kain na tayo. Alam ko kung saan magandang lugar na pwede nating kainan" yaya ni Risa.

"Sige, tara at nagugutom na rin ako. Hindi kasi ako nakakain ng agahan eh"

"Talaga? Bakit naman?"

"Marami pa kasi akong inasikaso sa bahay eh. Tapos pinauna ko na lang si Dave kumain at saka naghugas pa ako ng kanayng mga pinagkainan" paliwanag niya habang naglalakad sila.

TUWING tanghalian, magkasama pa rin si Dave at ang apat niya pang kaibigan. Sabay silang naglalakad patungo sa kanilang pwesto. May napansin si Kevin kay Dave dahil matagal na itong hindi kumikibo.

"Bro, okay lang. Is something bothering you?" tanong ni Jake.

"It's nothing bro. May iniisip lang ako. Huwag 'nyo na lang akong isipin" diretsong sagot ni Dave.

"Nga pala. Malapit ko ng makalimutan. Kumusta pala ang pagkikita 'nyo? Ayos ba? Maganda ba? Sexy ba?" na-curious si Kevin.

"Iyan ang problema ko ngayon bro. Ayaw ko kasing isipin 'yan. Ayaw ko talagang ikasal na. Besides, I don't know her. She's strange and tiresome" naiinis na sagot ni Dave.

"Ah sige. Ganito na lang. Upang mawala 'yangstress mo, bilisan na lang natin lumakad at ng tayo'y makakain na" sabat ni Lorenz.



24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon