"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Angel? Hindi ka na ba namin mapipigilan?" tanong ni papa sa akin.
"Buo na po ang desisyon ko. Baka po talagang hindi kami para sa isa't-isa. Huwag po kayong mag-alala. Makakalimutan ko rin siya at mawawala 'tong sakit. Mas malayo, mas mabuti 'di po ba? Para mas madaling makalimot?" sagot ko kay Papa. Hindi na siya sumagot sa sinabi ko. Napagpasyahan ko na umalis na lang. Lilisanin ko na ang lugar na 'to.
Nag-impake na ako ng mga gamit. Hindi na ako nagpatulong kay Risa dahil marami siyang ginagawa. Mahirap man tanggapin pero kailangan kong gawin. Ganito pala kung magmahal, ika'y susugal.
"Angel, mami-miss kita" panggugulat sa akin ni Risa.
"Ay kabayo! Nandiyan ka pala Risa" bati ko.
"Talaga bang iiwan mo na itong lugar na 'to?
"Kailangan eh" matipid kong sagot.
"Pa'no si Dave? Iiwan mo lang ng basta-basta?" tanong niya at saka tiningnan ko siya at nagbigay ng bitter smile.
"Hindi ko siya iiwan. Nandito na kasi siya" sagot ko sabay turo sa puso ko at tumulo bigla ang luha ko.
'Yon na lang ang huling mga salitang binitawan ko kay Risa. OO. Alam kong mahirap kalimutan ang isang taong mahal mo pero hindi ko pipiliting tanggalin sa puso ko ang pagmamahal ko kay Dave.
Dave's P.O.V
Two weeks akong na-hospitalized. Grabe noh? Mabuti na lang at sa makalawa ay pwede na akong lumabas. Nabo-bored na rin ako dito sa loob eh. Bigla kong napa-isip, "Bakit kaya hindi na bumibisita si Angel?"
"Ano'ng iniisip mo bro?" tanong ni Kevin.
"Si Angel? Ba't di ko na siya nakikitang bumibisita sa akin?"
"Bakit? Miss mo na siya?" seryosong tanong ni Kevin sa akin.
"Ano'ng nasa tingin na 'yan? May nasabi ba akong mali bro?" curious kasi ako.
"Kung naalala mo lang siya. Kung gaano mo siya kamahal" wika niya.
"Huh?"
"Wala!"
May topak ba itong si Kevin? Ano bang sinasabi niya. Bigla tuloy akong napaisip. Bigla namang dumating sina Mommy, Daddy, at Ate. They said idi-discharge na raw ako ngayon na siyang ikinasaya ko. Umuwi kami sa bahay. Naninibago ako dahil hindi ko naalala ang mga katulong namin at mismo mga driver ng pamilya namin.
"Good afternoon Sir Dave. Welcome home po" sabay bati nilang lahat. I bowed my head as my response.
"Dave anak, samahan na kita sa kwarto mo"
"H'wag na po mommy. Kaya ko na po. Magpapahinga na lang po ako sa loob. Dinadalaw po kasi ako ng antok eh" pagtanggi ko kay mommy.
"Ah sige nak. Magpahinga ka na. Ipapahatid ko na lang kay Manang ang hapunan mo:
Ano ba 'to? Bakit ba gaito ang nararamdaman ko? Parang lahat nagbago. May mga bagay na hindi ko na talaga maalala.
Matapos ko matulog ng tatlong oras, nagulat ako dahil bumungad ang mga kaibigan ko. Labis naman akong natuwa sa pagpunta nila doon.
"Bro! Gising ka na. Naks gwapo mo 'tol. Pwede ng caption-an, 'I woke up like this" pang-aasar ni Lorenz.
"Gago. Hindi ka pa rin nagbabago Lorenz. Siya nga pala, nasaan si JB?" tanong ko.
"Hay naku. Dinala siya ng Parents niya sa meeting. Alam mo naman, tagpag-mana. Kawawang JB, hindi na pwedeng gumala-gala" paliwanag ni Jake.
"Eh ganun ba? Sayang" sabi ko.
"Huh? Bakit?" tanong ni Kevin.
"Magpapaluto na sana ako ng dinner para sa ating lima eh" I responsed.
"You can still do that bro. We're here and we're damn hungry" pagpupumilit habang akbay si Dave.
"Alright. Doon tayo sa Mini-resto namin"
Nagsimula na kaming kumaing apat. Matagal na rin bago kami nagkakasalo-salo. Sayang, wala si JB. Nagkwentuhan kaming apat doon at umabot sa puntong nagjojoke na kami.
"Sinong CAR ang mahilig makipagbasag-ulog?" tanong ni Kevin.
"E di si CAR-arate kid. Wow pare ang bago ng joke mo!" pang-aasar ni Jake.
"Ito, ito. Anong car ang kapatid ni Ghino?" tanong ni Jake.
"Si Lamborghini! Wow ha. Ang bago ng joke mo bro" pang-aasar na sagot ni Kevin.
"Kayong dalawa talaga. Ang babago ng joke nyo! Tumigil na nga kayo" tumatawang sabi ni Lorenz.
"Anong gusto nyong drinks?" tanong ko sa kanila.
"Alam ko na!" sigaw ni Jake
Ipinakuha ko kay Manang ang sinabi ni Jake. Maya-maya pa'y inilagay na ni Manang sa lamesa. Nag-inuman na sila. Hindi ako uminom dahil pinagbawalan ako ni Mommy. Lasing na lasing ang tatlo kaya dito na sila natulog sa amin.
Lorenz' P.O.V
Ako ang unang naggising sa tatlo. Masakit ang ulo ko at nakita ko ang hitsura ni Kevin at Jake. Ah, dito kami natulog kina Dave. Matagal na rin kaming hindi nakakatulog dito.
"The fvck! It's already nine!" napasigaw ako nang tumingin ako sa relo ko.
"Sh!t bro ginising mo kami" sabi ni Kevin na nagsusuot ng damit nya. Hinubad niya kasi ang upper attire bago matulog.
"Eh paanong hindi? Late na tayo!"
"Yan lang pal- Ano???!!!" napasigaw si Jake.
Nagmamadali kaming bumaba at nagpaalam kina Dave. Hindi na rin kami kumain ng breakfast. Humarurot kami upang makauwi.
One year later...
3rd Person's P.O.V
"Good morning everyone" sabi ng isang babae sa mga nakikinig sa kanya.
"Good morning Ms. President Anna" bati ng nakikinig sabay tawa.
"Miss ko na kayo classsmates! Matagal na rin tayong hindi nagkikita simula nang gr-um-aduate tayo. Kumpleto na ba tayong la-'' naputol ang pagsasalita niya nang may biglang bumating.
"Good morning. Sorry late ako" sabi ng babae.
Nagulat ang lahat na naroon. "Elaine?!"sigaw nilang lahat at ngumiti.
"Ah eh hahaha. OO, ako 'to" ngumiti ang baba ng sumagot ito.
"Anak ng. Kailan ka pa natutong mag-blonde? Akala namin nasa Maynila ka?" tanong ng isang lalaki.
"Mahabang storya. Sige na. Ipadyon na lang ang meeting" aniya.
Mahaba-haba rin ang pinag-usapan nila tungkol sa kanilang Class Reunion sa susunod na dalawang buwan. Ang mga Class officers noong high school sila ang nagmeeting. Pagkatapos ay nagkwentuhan na lang sila.
"Gano'n pala ang nangyari Elaine. Sorry sa nangyari" sabi ng babae na pinupunas ang likod ni Elaine.
"Okay lang 'yon Shen. Matagal ko ng tanggap ang nangyari"
"Wala ka bang gagawin? Mag A-April na ha" tanong ulit ng babae.
"Hay naku bestie. Tutulong ako kina Nanay. Sabi kasi ng Papa ko sa Maynila na padadalhan niya ako every month pero gusto ko kasing magtrabaho" sagot ni Elaine.
"Ikaw na bestie! What a good girl. Kung gusto mo, mag part time job ka na lang tulad ko" suggest ni Shen.
BINABASA MO ANG
24 Hours
RomantizmLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.