KINAGABIHAN ay naghahanda na ng hapunan si Angel at tinawag niya si Dave upang kumain na. Tulad ng inaasahan, hindi sila kumain ng magkasabay. Sa dining table kumain si Dave at sa kitchen island naman kumain si Angel.
"Wala bang juice?!" sigaw ni Dave.
"Ha? Teka lang muna. Maghahanda pa ako. Sandali lang 'to". Hindi tinapos ni Angel ang kanyang pagkain at naghanda ng juice para kay Dave.
"Ano ba?! Bilisan mo nga! Nauuhaw na ako! Ang tagal naman n'yan!" utos ni Dave.
Maya-maya pa ay binigay na ni Angel ang juice kay Dave. Aalis na sana siya nang nagsalita ito. "Bago mo hugasan ang mga pinagkainan, ayusin mo 'yong kwarto ko at ihanda mo na rin 'yong veranda at saka lagyan mo ng mga pagkain.
"Iyon lang ba?"
"Ano'ng gusto mo? Damihan ko pa?" masungit na tanong ni Dave.
"Pasensiya na Dave. Sige, maglilinis na ako"
Nagsimula ng maglinis si Angel sa loob ng kwarto. Maya-maya pa ay inihanda na niya ang mga pagkain na kakainin ni Dave at saka dumating na siya doon.
"Nasaan ang juice?"
"Kukunin ko pa lang. Maghintay ka lang muna"
Walang reklamo si Angel sa lahat ng utos sa kanya. Kahit nasisigawan siya ni Dave ay pauloy pa rin siyang sumusunod sa utos nito. Para siyang robot na kung ano ang ipapagawa ay ginagawa nya. Pagkakuha niya ng juice ay umakyat siya sa taas. Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog ang isang stress ball galing sa mesa at natamakan ito ni Angel kaya nawala ang balanse niya. Tumilapon ang juice kay Dave na nagbabasa ng aklat.
"Shit! Ano'ng ginawa mo?!" sigaw ni Dave na galit na galit kay Angel.
"Sorry Dave. Hindi ko sinasadya. Nawala kasi 'yong balanse ko dahil natapakan ko 'yong stress ball-"
"Tumahimik ka nga! Nabasa mo na nga 'yong damit ko, pati aklat ko nabasa mo rin!"
Tumayo si Angel at yumuko lang siya. "Pasensiya ka na. Marami na akong kasalanan sa'yo. Sorry. Bibili na lang ako ng bagong aklat mo"
"H'wag na! Huli na ang lahat" sabi ni Dave. Pagkasabi niya nito ay pinunasan niya ang kanayng damit at nakita iyon ni Angel kaya tinulungan niya itong punasan.
"Sorry talaga Dave. Patawarin mo na ako" pagsorry ni Angel.
"Umalis ka nga!". Tinaboy ni Dave si Angel at saka lumagpak ito sa sahig dahil sa lakas ng pagtulak nito.
Umalis na lang doon si Angel at pumunta sa kwarto niya. Makikita ang nakapondong luha sa mga mata niya. Umupo siya sa kanyang kama at yumuko.
"Bakit ba ang sama niya? Hindi ko naman sinasadya ang nangyari eh" umiiyak na sabi ni Angel. Dumaan ang ilang minuto ay patuloy pa rin ang kanayang pag-iyak at biglang may tumawag sa kanya.
Mama...
"Hello ma" walang kagana-ganang sagot ni Angel habang pinunasan ang kanayang mga luha.
["Oh bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba anak? Ano'ng nangyari sa'yo?"]
"Hindi po ako umiiyak ma. Napatawag po kayo?''
[Gusto ko lang kumustahin ka anak. Kumusta man ka dira nak? Ngano ga-hilak man ka?"]
"Wa man ko naghilak ma" pagsisinungaling ni Angel.
["Hay naku sa'yo Angel.-"
To-toot
BINABASA MO ANG
24 Hours
Lãng mạnLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.