Part 10

13 0 0
                                    

Lumabas siya sa loob at pumunta siya sa labas ng pintuan ko. Binuksan niya ang pinto at inilalayan niya ako makalabas. Pumunta kami sa isang upuan na nasa ilalim ng puno. Umupo kami doon at tiningnan niya ako. "Dito ako nagpapalipas ng sama ng loob. 'Pag malungkot ako, pumupunta ako dito. Maganda kasi ang view at ang presko pa ng hangin" wika niya.

"Gano'n ba? So, malungkot ka pala ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Ikaw ang dinala ko rito dahil nararamdaman kong malungkot ka. Maganda dito kaso may nakabaong masasakit na nakaraan" sagot niya at mukhang seryoso pa siya. Hindi ko na lang siya tinanong kung bakit nasabi niyang 'masasakit na nakaraan'.

"Eh di salamat" pasasalamat ko at nginitian ko siya. Bumawi siya ng ngiti sa akin at inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko. Sa pagkakataong iyon, naramdaman ko na nawala ang sakit sa aking damdamin dahil sa mga babaeng iyon.

"Kailan ka ba nagkagusto sa akin?" tanong niya.

"Kailan nga ba 'yon? Ah~ noong una tayong nagkita" nahihiya kong sagot.

"Talaga? Eh hindi pa nga natin kilala ang isa't-isa"

"Alam ko at 'yon ang pinagtataka ko. Pagkatapos natin magkita, hindi na kita maalis sa utak ko" paliwanag ko sa kanya.

"Dahil ba pogi ako?" pagmamalaki niyang tanong.

"Hindi no"

"Eh bakit mo ako nagustuhan?" pilit niyang tinanong sa akin.

"Hindi ko rin alam. Basta, noong nagkita tayo ulit, tumutibok ng malakas ang puso ko"

"Ahhh". Nakasimagot niyang sagot. Nagkwentuhan lang kami doon. Payapa doon at wala talagang maririnig na ingay kundi ang himoy ng hagin. Hindi ko na siya tinanong kung bakit rin niya ako nagustuhan. Sinusulit ko ang mga oras na magkasama kami dahil ang mga bagay na ganito isang beses ko lang mararanasan.

HAPON na at naisipan na namin umuwi ni Dave. Malayo-layo pa ang aming ba-byahe-in. Sa kalagitnaan ng byahe ay bigla kaming dinalaw ng gutom. Malapit na kami sa isang convenience store. Tatlumpong minuto pa kasi ang aming lalakbayin upang maka-uwi. Una akong lumabas sa kotse. Sumunod naman si Dave sa akin. Namili kami ng makakain namin. Pagkatapos namin mamili ay lumabas na kami. Nang tumawid kami ay biglang nahulog ang isang bote ng tubig.

"Hala nahulog" sabi ko kay Dave.

"Ihatid muna natin ang mga ito sa sasakyan at ako na lang ang kukuha niyan" aniya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Inilagay namin agad ang mga pinamili namin. "Kukunin ko lang ang tubig. Diyan ka lang", sabi ni Dave sa akin.

Sa hindi inaasahang pangyayari, pagtawid ni Dave sa kalsada, may isang ten wheeler truck ang paparating. Hindi iyon nakita ni Dave. "Dave!" sigaw ko. Tumingin siya sa akin pero huli na ang lahat.

"Miss, hanggang dito lang po kayo" sabi ng isang nurse sa akin habang hinahatid si Dave sa E.R. Umiiyak ako at wala akong nagawa. Umupo ako doon sa may upuan at sandali ay dumating ang parents ni Dave at parents ko.

"Tita si Dave" tugon ko kay Tita habang umiiyak. Niyakap ako ni Tita.

"Ano'ng nangyari sa kanya?" tanong ni Tita sa akin at umiiyak na rin siya.

"Nabangga po siya ng ten wheeler truck habang kinukuha niya 'yong tubig na nahulog kanina" paliwanag ko. Umiiyak na kami lahat doon maliban sa Papa ko at Tito Vincent.

"H'wag kayong mag-alala. Magiging maayos din ang lahat. Malakas si Dave, lalaban siya" pag-comfort ni Tito.

Maya-maya pa ay dumating si Ate Desyra sa hospital at makikita sa itsura niya na nagmamadali talaga siya. Niyakap siya ni Tita Davina. "You're brother. He was hit by a truck and he's not okay yet".

Naghintay kami lahat sa labas. We consoled each other at iniisip na magiging okay lang ang lahat. Hindi ko matanggap ang nangyari. Kasalanan ko naman kasi iyon. Kung hindi ko pa nahulog 'yong tubig, sana, hindi na ito kinuha ni Dave. Sana ako na lang ang kumuha no'n. Hindi ko mapapatawad ang sarili kung hindi na magigising pa ang taong mahal ko.

"Uwi ka muna ija. Magpahinga ka muna sa bahay" sabi ni Tita Davina.

"H'wag na po. Dito lang po ako. Maghihintay po ako sa sasabihin ng doctor. Hindi ko po kayang iwan si Dave ng ganyang kalagayan" pagtanggi ko.

"O siya sige. Dumito ka muna at aalis muna kami ng Tito Vincent at parents mo. Kukuha lang kami ng mga damit at pagkain. Pakibantay na lang kay Dave ha at sabihan mo na lang kami kung ano na ang kanyang kalagayan"

"Sige po Tita" matipid kong sagot.

Nang makaalis sila at ako na lang ang naiwan, t-in-ext ko ang Mama ko sa nangyari sa amin. Sobrang nag-alala ni mama. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak hanggang sa makatulog ako.

"Sino ang pamilya ni Mr. Alvarez?" dinig ko. Gumising ako sa aking pagkatulog.

"Ako po. Bakit po? Ano na po ang kalagayan ni Dave? Okay na po ba siya? Kailan po siya magigising?" nag-aalala kong tanong sa doctor.

"Sa ngayon, okay na siya pero hindi pa natin malalaman kung kailan siya magigising. Hindi pa namin masasabi na stable na ang kalagayan niya dahil no'ng in-examine namin siya, may mga parte pa ng utak niya ang hindi puma-function. Under comatose pa siya ngayon pero wala kayong kailangan ipag-alala"

"Salamat po Doc. Magandang balita po iyan. Pwede ko ba siyang puntahan ngayon?". Natutuwa ako sa sinabi ng doctor.

"Oo, pwede naman" sagot niya.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya at tumulo na luha sa aking mata nang makita ko si Dave. Hindi ko pa siya pwedeng mahawakan. Umupo ako sa sofa malapit sa higaan niya.

"Dave. Si Angel 'to. Sana pakinggan mo ako. Hindi kita iiwan. Kahit maghintay man ako sa'yong paggising, hindi ako aalis sa tabi mo. Sana gano'n ka rin. H'wag mo akong iwan Dave. Mahal kita. Please gumising ka na oh. Sorry. Sana ako na lang ang nandiyan. Ayaw kong makita na nahihirapan ka Dave. Maghihintay lang ako sa'yo. Ikaw lang ang mamahalin ko. Sana malaman mo ito. 'Di ba may promise tayo sa isa't-isa? Huwag mo sanang kalimutan 'yon, dahil ako, hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Tumupad ka sa usapan natin ha. Walang iwanan" sabi ko habang umiiyak. Naalala ko 'yong nangyari kanina bago siya maaksidente.

Flashback

"Handa ka na bang pakasalan ako?" tanong ni Dave at tiningnan niya ang mga mata ko.

"Oo naman" nakangiti kong sagot.

"Ilang ang gusto mong anak?" seryosong tanong niya at tumingin siya sa mga ulap.

Natawa ako ng sabihin niya iyon at tiningnan niya ako ng seryoso. "Anak na agad?"

"Bakit? Ayaw mo bang magkaroon tayo ng mga anak?" nakasimangot niyang tanong.

"Siyempre gusto pero bata pa tayo Dave. Gusto ko, magtrabaho muna tayo. Ano'ng ipapakain mo sa amin?" tiningnan ko siya at nginitian.

"Ako kasi, gusto ko ng apat" ngumiti siya sa akin ng sinabi niya iyon at nag-wink.

"Ang dami naman"

"The more the merrier kaya". Nagtawanan na lang kami at bago kami umalis, may pangako kaming sinabi sa isa't-isa.

"Angel..."

"Bakit Dave?" tanong ko sa kanya. Tumayo siya sa harap ko at lumuhod.

"Angelaine Gurrea, ikaw lang ang babaeng mahal ko mamahalin ko. Hindi kita iiwan at hindi kita sasaktan. Gusto kong bumuo ng isang masayang pamilya kasama ka. Gusto kong maging parte ng buhay na pinapangarap mo. Gusto kitang makasama habambuhay. Pangako ko 'yan sayo" sabi ni Dave.

Ngumiti ako sa kanya. "Dave Vince Alvrez, ikaw lang din ang mamahalin ko habambuhay. Magkalagot-lagot man ang hininga ko ay hindi ako magsasawang banggitin ng paulit-ulit ang pangalan mo. Gusto kitang makasama at bumubuo ng isang pamilya. Ikaw lang at wala ng iba. Pangako ko rin iyan sa'yo" ganti ko.

Nang sabihin ko 'yon ay ipinatayo ako ni Dave at saka hinalikan niya ako sa noo ng matagal at yumakap siya sa'kin.

End of flashback




24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon