Part 22

15 1 0
                                    


Bakit ganito? Bakit parang kinakabahan ako? Ano ba 'tong 545? Naku, tumaas ang balahibo ko sa nabasa ko. Haysss.

Hindi ko na 'yon pinansin at nagbihis na lang ako.

Dave's P.O.V

Nandito kami ngayon sa restaurant ng pinapasukan naming hotel. Tumingin-tingin ako sa paligid at may nahagip akong ising matang nakatingin samin. Tiningnan ko ulit pero bigla na lang nawala. Napansin ko ring tumingin-tingin si Elaine sa paligid.

"Sir, Ma'am here's your order po" biglang dumating ang isang waiter at inilagay ang mga pagkain sa mesa namin.

"Thank you" sabi ni Elaine.

"Here's your bill po" dagdag ng waiter.

Kinuha ko ang bayad at binagyan ko rin siya ng tip. Nagbibigay kasi ako everytime na sa hotel ako kakain. Nakita kong marami ang kinain ni Elaine pero hindi naman siya palaging kumakain noon.

"Okay ka lang?" tanong niya. Nakatingin kasi ako sa kanya habang sinusubo niya ang pagkain.

"Oo naman" sagot ko at kumain na rin.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kaming elevator. Pagpasok namin ay may sumunod na mga estudyante at hindi lang dalawa o tatlo. Mga walo sila. Nasa bandang hulihan kami at naging masikip. Grabe talaga 'tong mga high schoolers, kahit nasa elevator, magalaw at maiingay. May dalawa kaming estudyante na katabi at tulak ng tulak sa mga sarili.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Elaine dahil parang natatmaan na siya ng braso ng isang bakla.

She nodded.

Nasa third floor na kami pero biglang huminto ang elevator. Kaya nagtinginan kami ni Elaine. Hindi ko alam pero parang wala lang ang mga bata.

"Dave..." parang natatakot si Elaine.

"H'wag kang mag-alala. Walang masamang mangyayari" sabi ko.

Dahil sa pag-aasaran ng mga estudyante naming kasama ay natulak rin si Elaine kaya napayakap ako sa kanya nang kaunti siyang matumba.

Nagkatinginan kami at parang nag-slow mo ang lahat. Hindi ko maiwasan ang tingin niya.

"Ayieee!" sigaw ng mga kasama namin.

Inayos ni Elaine ang sarili at parang naging awkward na tuloy kami. Maya-maya pa ay gumalaw ulit ang elevator. Nasa fourth floor na kami. Pagbukas ng pintuan ay hinwakan ko ang kamay ni Elaine dahil baka matulak siya ulit.

"Mga kabataan talaga" sabi niya at papahiga sa kanyang kama.

"Oo nga" sagot ko. "Elaine, may sasabihin ako sa'yo"

"Ha? Ano?"

"Ka-ka-kasi... May sasabihin ako sa'yo. Pero huwag kang mag panict"

Mapakamot siya sa ulo at nag pout. "Sabi mo eh. Ano yun?"

Lumapit ako sa kanya. "May nagmamasid sa atin Elaine. Hindi ko kilala pero alam ko na may sumusunod sa bawat kilos natin. Ganito, bukas na bukas, mga five sa morning, magchecheck out tayo at nang hindi tayo masundan. Magpapalit tayo ng hotel bago pumunta sa pupuntahan natin" sabi ko.

Makikita na parang naguguluhan siya pero tumango pa rin siya. Tumayo ako at pupunta na sana ako ng kama ko ng hinawakan ni Elaine ang braso ko. Tiningnan ko siya at nakatingin siya sa akin ng diretso.

"Bakit hindi tayo ngayon magcheck out?" tanong niya.

"Gabi na kasi at alam kong pagod ka na. Sige matulog ka na't maaga pa tayo bukas"

24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon