Mama calling...
"Hello ma?"
["Oh anak kumusta ka na? Okay ka lang ba diyan Angel? Hindi ka ba inaabuso diyan? Pinapakain ka ba ni Angelo diyan?]
"Ma, hinay-hinay lang po. Okay lang po ako dito. H'wag na kayong mag-alala ma. Hindi naman po ako sinasaktan dito eh. Alam nyo, mali po 'yong akala kong masungit ang asawa ni papa pero hindi pala ma"]
["Mabuti kung gayon. Kumusta naman ang pagkikita ninyo ng mapapangasawa mo? Mabuti ba ang pakikitungo sa'yo?"]
"Opo ma. Nakita ko na siya kanina. Ka-uuwi lang po namin dito sa bahay. May isang kaibigan na po ako dito ma. Huwag po kayong mag-alala sa'kin. Alalahanin 'nyo po ang sarili pati si papa at ang dalawang bunso. Alam 'nyo ma, nakakapanibago po dito. Yong paligid po. Mabuti na nga lang at subdivision itong tinitirhan ni Papa"
["Gano'n ba? Salamat at inaalala mo pa rin kami. Akala ko kasi magbabago"]
"Ma, wala pong magbabago. Kahit bigyan pa ako ng mamahaling ginto, hindi ko kayo
ipagpapalit. Mahal ko kayo eh. Huwag po kayong iiyak ma. Hindi po bagay sa'yo"
["Ikaw talaga anak. O siya sige, tatawag na lang ako bukas ha. Mag-ingat ka diyan. H'wag mong pababayaan ang sarili. Lagi mong tandaan, kung 'di mo na kaya diyan, umuwi ka na lang dito sa atin"]
"Opop ma. Ba-bye po. Ingat po kayo diyan. Sabihan 'nyo na lang po sina papa at ang mga bunso na miss na miss ko na sila at mahal na mahal ko sila"]
["Sige, bye anak. I love you"]
"I love you too ma"
End call
"Wow~ ang sweet!" gulat ni Risa.
"Ay kabayo! Nandiyan ka pala? Ginulat mo naman ako Risa" sabi ko at bumuntong-hininga.
"Mama mo?"
Oo. Nangungumusta lang"
"Ah. I see. So, kumusta kanina? Ano ayos ba?" tanong niya na naka-smile pa.
"Sabihin na lang nating okay pero hindi eh. Sabi pa nga niya na huwag ko na lang daw ituloy ang pagpapakasal sa kanya. Umatras na lang daw ako. Ano'ng magagawa ko? Alangan tumakbo ako"
"Talaga? Ang harsh naman. So, ano'ng gagawin mo?"
"Hindi ko alam. Ah basta. Tulungan mo na lang ako mag-ayos ng gamit kasi bukas na bukas ay lilipat na ako ng lugar" sarkastiko kong sagot.
"Oh my! Magsasama kayo sa iisang bubong? Ang swerte mo talaga! H'wag mong sabihin..." kinikilig niyang sabi.
"Ano ka ba. Huwag ka nagang mag-isip ng mga ganyan.Bata pa ako no"
Dave's P.O.V
Hindi ko alam ang aking gagawin. Siya pala 'yong mapapangasawa ko. Ang daya talaga ng tadhana. Bukas ay magsasama na kami sa iisang bahay. Kahit labag sa kalooban ko, wala na akong magagawa. Nakatingin lang ako sa terrace ng kwarto ko. Nagpapahangin lang. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Para bang may something. Parang may isang katanungang pumapasok sa utak ko. "Ano kaya ang feeling of falling in love?" 'Yan! Iyan ang tanong pero 'di ko alam ang sagot. Na-curious lang ako. Hindi ko pa kasi naranasan ang umibig eh.
"Shit! Bakit ko ba 'yan iniisip? Sira ulo ka talaga Dave. Matulog ka na nga!" sabi ko sa sarili ko. Matutulog na sana ako ng may kumatok sa aking pintuan. Bumangon ako at binuksan ang pinto.
"D-Desyra?"
"Hello Dave. Do you missed me? Balita ko ikakasal ka na raw? Can I hug you?"
"Sige. Isang hug lang ha" she hugged me. "Ate kailan ka pa dumating? Ginulat mo naman ako. Nagkita na ba kayo ni Mommy and Daddy?"
"Yes. Alam kasi nila na uuwi ako. I told them not to tell you. Surprise!" nakangiti niyang bati.
"Pasok ka muna ate" blankong mukha kong tugon.
Nagkwentuhan kami ng ate ko. Siya ang ikalawa kong ate. Hindi kami masyadong close kasi sa London kasi siya tumira dahil doon niya gusto. Once or twice a year lang din 'yan umuuwi dito at isang linggo lang ang stay. Masaya ako na malungkot. Naalala ko na rin ang namayapa kong ate. Miss na miss ko na ate ko. It is hard to move on when you truly love that person. However, the tougher you change on, more agony it gives. That is the reason why I don't want to move on. I don't want to forget the past but that reminiscence is slaying me alive. Do I need someone to comfort me in this agony?
SABAY dumating sa bagong tahanan di Dave at Angel. Nandoon rin ang pamilya Alvarez at Fonacier upang magbigay ng payo sa dalawa. Napaka-awkward ng dalawa at halos 'di makatingin sa isa't isa. Sabay silang pumasok sa loob.
"We're here. This place is great for a newly wed couple! Am I right Diana?" masayang tanong ni Mrs. Davina.
"You're right. The landscape was good too. Maganda ang mga furniture at napakaganda ng chandelier" sagot ni ni Mrs. Diana.
"Do you like it Angel?" tanong ni Mr. Angelo na umaakbay sa anak.
"Maganda po dito. Ang laki po ng bahay". Pagkasagot ni Angel ay tumingin siya kay Dave na nakatanaw din sa kanya.
"Sana, magkasundo kayo ditong dalawa. Alam kong magugustuhan din ninyo ang isa't-isa" wika ni Mr. Vincent. Pagkasabi nito ay mahinang sumagot si Dave na sakto lang upang walang makarinig. "Hinding-hindi 'yon mangyayari".
"Shall we start putting all the things in place? Yaya, pwede na po ninyong kunin ang mga gamit ng dalawa. Paki-ayos na rin ng mga kwarto" utos ni Mrs. Davina.
BINABASA MO ANG
24 Hours
RomanceLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.