MAAGA akong gumising kinabukasan. Hindi na ako nag-almusal at nagmamadali akong pumunta sa school. Pinuntahan ko ang mga professor namin at ipinasa ko lahat ng mga assignment at project ko. Pagkatapos kong pumunta doon ay dumiretso ako sa hospital upang makita si Dave.
"Angel ija, napadalaw ka?" bati ni tita nang binuksan ko ang pinto.
"Dadalawin ko po kasi si Dave. Gusto ko lang po siyang makita" sagot ko.
"Siya nga pala. Ako lang ang nandito dahil pumunta sa school si Desyra at si Vincent" pahayag ni Tita.
"Po? Ano'ng ginagawa nila doon" tanong ko at tiningnan ko si Dave na naglalaro lang sa iPad niya. Lumapit sa akin si Tita at nagbigay ng sad smile.
"Dahil sa kondisyon niya, mahirap sa kanya ang mag-adjust ulit. Pinag-usapan na namin 'to. Sa ngayon, hindi na muna mag-aaral si Dave. Mas makabubuti ito sa kanya dahil baka magulo ang isip niya kung babalik siya doon"
"Ganun po ba?" tanong ko nang masabi iyon ni Tita.
"Oo. Ganun na nga. Sana maintindihan mo iyon. Ija, pwede ba tayong mag-usap sa labas?" tanong niya.
"Sige po Tita" sagot ko.
"Dave diyan ka muna saglit ha. Mag-uusap lang kami ni Angel" paalam ni Tita kay Dave. Pumunta kami ni Tita sa labas at seryoso kaming nag-usap doon malapit sa fire exit.
"Intindihin mo sana kami ija. Ayaw talaga naming gawin ng Tito mo ito pero kailangan. Huwag mong isipin na tutol kami pero mahal mo siya di 'ba? Makatutulong ito sa kanya upang maibalik ang memorya niya. Patawarin mo sana kami ija. Alam naming mahal ninyo ang isa't-isa" sabi ni Tita sa akin habang umiiyak. Hindi muna ako nakapagsalita at namuo na ang mga luha ko tumingin ako kay Tita na hawak-hawak ang dalawang kamay ko.
"Kung 'yan po ang makakabuti. Sige po. Lalayo po ako at lilisanin ko na lang ang lugar na ito" sagot ko.
Naglakad ako papuntang plaza at naala ko ulit iyong sinabi sa akin ni Tita kanina. Namumula pa rin ang mga mata ko dahil sa aking pag-iyak kanina.
Flashback
"Mas makabubuti na sigurong h'wag na nating ituloy ang planong pagpapakasal sa inyo ni Dave, Angel. Wala na ring saysay dahil wala na siyang naalala" sabi ni Tita sa akin.
"Pero... Mahal na po namin ang isa't-isa. Mahal ko po ang anak ninyo Tita. Huwag nyo po gawin 'yan" pagmamakaawa ko kay Tita na naawa rin sa akin at tumulo ang luha ko.
"Pero hindi ka niya naalala. Mas mahirap kung ganyan. Ako may nasasaktan pero baka ito ang tamang gawin. Kakausapin ko ang Parents mo tungkol dito ija"
"Babalik po ang alaala niya. Magtiwala po kayo" pagpilit ko kay Tita.
"Mukhang hindi na mangyayari 'yon Angel. Huwag na tayong umasa. Wala ng pag-asa ang pag-iibigan ninyong dalawa"
End of Flashback
Nanatili pa rin sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Tita. Wala na raw kaming pag-asa ni Dave. Ang sayang-sayang talaga ng pag-iibigan namin. Ang lupit ni tadhana, dinaan pa ako sa malalaking alon.
BINABASA MO ANG
24 Hours
RomansLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.