Bumalik kami sa table namin at nagdasal kaming dalawa. Kumain na kami pagkatapos nun. Nag simula na nga palang umandar ang restorant na ito. Ang sarap ng pagkain nila rito. Habang kumakain ay napapansin kong may matang kanina pa nakatingin sa akin. Ito na naman si Dave. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain at nag tongue out na parang bata. Natawa ako sa ginawa niya.
Habang kumain kami ay dinukot niya sa bulsa ang cellphone niya. Kinukunan niya ako ng video habang kumakain.
"Hoy Dave itigil mo 'yan" sabi ko sa kanya pero hindi siya nakinig at tumatawa pa.
Tinuloy niya ang pagvideo sa akin kaya sinubukan kong agawin yon sa kanya. Hindi ko ito makuha. Hindi naman ako pwedeng tumayo kasi nakakahiya dahil maraming tao rito. Tinigil lang niya ang pag video nang nag-pout ako.
Pagkatapos naming kumain ay kumuha siya ng litrato sa paligid. Maganda ang view rito. Nakakawala ng stress dahil sa paligid.
Tumingin ako sa kapaligiran. May nag flash sa mukha ko. Kinunan ako ni Dave ng litrato.
May bandang kumanta. Isang lalaki ang kumanta at kumuha ng atensyon naming dalawa. Nasa harap sila na tumutugtog. Kinanta niya ang All Out of Love ng Air Supply.
Napatingin ako kay Dave na seryoso ang mukha na nakatingin sa kumakanta. Parang nag-iba ang aura niya. Para siyang nakakaawang bata na naiwan o nawawala. Naalala ko tuloy si Ren. Naalala ko ang pagho-holding hands namin ni Dave sa kagagawan ng bata at ang sinabi niya sa amin ni Dave.
Matapos ng tugtog ay nagsalita naman ang vocalist.
"Ngayon, magbibigay kami ng chance para sa inyo. Pwedeng kumanta dito sa harap. Pero, dapat dalawa sila. Mas maganda kung couple para damang-dama talaga. Ngayon lang ito mangyayari sa history ng floating restaurant na 'to"
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. Natuwa rin kami. Hindi na ako makapaghintay kung sino ang kakanta.
"Any volunteers?" tanong ng vocalist.
Walang tumayo pero may natitinginan. May isang bakla na tumayo.
"Sila na lang oh! What a beautiful couple" sabi nito na nakaturo sa amin. Pumalakpak ang beki at ang mga tao.
Nagtinginan kaming dalawa ni Dave at di namin alam ang gagawin. Naggantihan lang kami ng body language. Para kaming mga pipi.
"Go! Go! Go! Kaya nyo yan! May forever!" sigaw ng mga tao. Nahiya ako sa ginawa nila dahil nasa amin ang atensyon nilang lahat.
"Uy~ bawal ang KJ dito. Hali na kayo" sabi ng vocalist.
Nabigla ako nang tumayo si Dave at inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tumingin siya diretso sa mga mata ko at ngumiti. Hindi ko alam pero bigla na lang akong tumayo at hinawakan ang kamay niya.
"Hindi ako marunong kumanta Dave" sabi ko.
Ngumiti siya sa akin. "H'wag kang mag-alala, pareho lang tayo"
Lumakad kami paharap at nagpalakpakan ang mga tao. May iba naman na naghiyawan kaya mas lalo akong kinabahan. Nanlamig ako. Mas hinawakan lalo ni Dave ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya pero diretso lang siya sa paglalakad.
"Oh ito na pala sila. Pwede nyo bang ipakilala ang mga sarili nyo sa amin?" tanong ng lalaki.
Ibinigay nito ang mic sa amin. Una akong nagpakilala. "Hi ako si Angel"
Ibinigay ko kay Dave ang mic. "Ako naman si Dave" pakilala nito.
"Wow. What a beautiful couple. DavAnge!(DēvAnj)!" compliment nito. "Ano bang kakantahain nyo?" tanong nito.
Tumingin si Dave sa akin at parang sinabi niya na ako na lang daw ang pipili ng kakantahin namin. Hindi ko alam kung ano ang kakantahin namin basta ang pumasok sa isip ko ay yong kanta ni Regine Velasquez at Martin Nieverra na 'Forever'.
Nagsimula na ang instrumental ng kanta. Nanginginig na ang mga kamay ko. Nasa sa amin lahat ng mga mata. First time kong kumanta sa harap ng maraming tao at hindi ko pa kilala. First rin naming marinig ni Dave ang isa't-isang kumanta.
Naunang kumanta si Dave. Habang kumakanta ay nakatingin siya sa akin.
We've come so far
To leave it all behind
I wonder whyNang ako na ang kumanta, di ko magawang hindi siya tingnan parang bawat lyrics ng kanta ay mensahe ko para sa kanya.
Why did you go away?
And left me all alone
No words can say
My love, please stayYou and I, we have moments left to share
You and I, we can make it anywhere
You and I, we belong in each others arms
There can be no other love
Now, I know that we could have it all foreverSa chorus, halos naghiyawan ang lahat ng hawakan ni Dave ang kamay ko at nagtitigan kaming dalawa habang binibigkas bawat linya ng kanta. Parang nag slow mo ang lahat at parang kami lang dalawa ang nandito.
Nang matapos namin ang kanta, mas lumakas ang palakpakan at hiyawan ng mga tao. Nawala rin ang kaba. Salamat at hindi ako pumiyok at nawala sa tono. To be honest, maganda ang boses ni Dave.
Mahigit isang oras at bumaba na kami. Naghanap kami ng masasakyan.
"Nakakahiya no?" tanong ni Dave.
"Ha? Ang alin?" tanong ko pabalik.
"Ang kumanta tayo sa harap ng maraming tao" sagot niya at ngumiti.
Nahiya ako. Parang may butterflies sa tiyan ko. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Pinapawisan ako. "Ah eh oo nga"
Sumakay kami ng bus pabalik sa Tagbilaran. Nakakapagod talaga. Nakatulog na lang ako.Pero ang sa pagkakaalam ko ay nakatulog ako habang magkahawak pa rin kami ni Dave. Nasa hotel na kami at nagpahinga. Nagbihis na rin ako.
"Ang cute ni Ren ano?" sabi ko.
"Oo, pareho kayo cute" kinilig ako sa sinagot ni Dave.
"H'wag mo nga akong biruin ng ganyan. Kung ako maniwala, patay ka sa'kin" biro ko.
Tiningnan niya ako ng seryoso. Ito na naman, nag-slow mo ang lahat.
"Hindi ka lang cute, maganda ka. Magandang-maganda" sabi niya.
Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko. Nasa sakin pa rin ang atensyon ni Dave. Nagfake smile ako dahil naiilang ako.
"Elaine, mag-aaral ka ba ulit?" out of nowhere niyang tanong sa akin.
"Huh? Ba't mo tinatanong?"
Napatingin siya sa kisame. "Ako, gusto kong mag-aral ulit. Nakagraduate na kasi ang mga kaibigan ko. At saka, kailangan kong mag-aral para sa babaeng pakakasalan ko"
Nakaramdam ako ng lungkot sa mga mata niya. "Bakit? Magpapakasal ka na ba? Kanino? Kailan? Saan?" sunod-sunod kong tanong.
"Di ko pa alam. Basta ang pagkakaalam ko, matagal ko na siyang nakilala at sisiguraduhin kong sa akin lang ang punta niya dahil mahal na mahal ko siya" seryoso si Dave na sumagot.
Parang may kirot sa dibdib ko. Dahil hindi niya ako nakikilala bilang si Angel, siguro may nakilala siyang iba noong nasa ibang bansa ako at siya'y nandirito.
"Ganun ba" nanlumo pati ang boses ko.
Nag-isip ako. Sino kaya? Oo, mahigit isang buwan niya akong kilala pero bilang Elaine pero hindi naman yon matatawag na matagal. Pwede naming ako unless... nakakaalala na siya. Hindi, hindi siguro. Kung naaalala na niya ako, sasabihin niya sa akin.
Haysss...
"Bakit natahimik ka?" tanong niya.
"Wala-wala. May iniisip ako" sagot ko at parang naging cold ako.
"Galit ka ba?" tanong niya sa akin.
Hindi ako tumingin sa kanya. "Hindi no. Sige matutulog na ako. May lakad pa tayo bukas. Goodnight"
Hanggang sa pagtulog ko, iyon pa rin ang iniisip ko. Nagbabakasakaling maalala niya. Nag-iisip na wala siyang nakilalang iba at patuloy na umaasang ako lang ang babae para sa kanya. Pero positve ako. Sana, sana, sana...
BINABASA MO ANG
24 Hours
RomanceLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.