Elaine's P.O.V
Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang nagkita at nagkakilala ulit kami ni Dave. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko. Kanina, sinabi niyang gusto niyang ibalik ang nakaraan kung pwede at gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya. Gusto kong sabihin na ako ang taong minahal niya at minahal siya. At gusto kong sabihin ang lahat-lahat sa kanya at nanghinayang ako. Nang sinabi niyang 'new memories with you', parang gusto ko ng umiyak. Ito ang nagbigay sa akin ng lakas. Kung hindi na maibabalik ang nakaraan, pwede namang magsimula kami ulit kahit maging magkaibigan man lang, atleast makakasama ko na siya ulit sa sisiguraduhin kong hindi ko na siya bibitawan magkalagot-lagot man.
"Masaya ka ba Elaine?" tanong ni Shen sa akin.
"Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon Shen. Ang alam ko lang ay mananatili lang akong nasa tabi ni Dave at magsimula ulit. Hindi ko na siya iiwan at sisiguraduhin kong nasa tabi niya lang ako hanggang makaalala siya sa akin" sagot ko kay Shen.
"Grabe talaga ang pagmamahal mo sa kanya, isang taon na pero hindi ka pa rin maka-get over" sabi ni Steph habang nagbibilang ng pera.
Hindi na ako sumagot sa kanya dahil alam na nila kung gaano ko kamahal si Dave. Pagkatapos namin magtrabaho, umuwi na kami at hindi ko pa rin mawala sa isip ko si Dave.
"Hi Ma" bati ko kay Mama na gumagawa ng Lesson Plan niya.
"Angel, kumain ka na?"
"Hindi pa po Ma" sagot ko.
"Si Papa po? Kailan pa po siya uuwi?"
"Isang lingo kasi siya doon anak. Alam mo naman, na-promote 'yong Papa" tugon ni Mama.
"Ma... May sasabihin po ako sa inyo" sabi ko.
Tumayo si Mama at nilapitan ako. "Ano 'yon anak?"
Umupo kaming dalawa sa lamesa. "Ma, nandito po siya. Nandito po si Dave"
Nagulat si Mama sa sinabi ko. "Eh anong gagawin mo? Nakita ka ba niya? Nakilala ka ba niya?"
Sinabi ko lahat kay Mama ang nangyari. Sinabi ko rin sa kanya kung ano ang plano ko ngayong kapiiling ko ulit ang taong mahal ko.
"Sasabihin mo ba 'yan sa Daddy mo?" tanong ni Mama.
"Opo, pero hindi pa po ngayon. Hahanap pa po ako ng tamang panahon"
"Anak, kung ano man ang desisyon mo, lagi mong tandaan na nandito lang kaming pamilya mo. Kung may problema ka o kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang sa amin ha?"
"Opo Ma"
Matapos kong kumain, kinuha ko ang laptop ko at nagsimulang mag-surf. In-open ko ang website ng aming companya. Ch-in-eck ko lang lang kung may update na ba tungkol sa bagong business namin. Hindi lang para magbakasyon ang pinunta ko doon sa Spain kung hindi magtraining kung papaano maging isang wine expert.
Kinabukasan, maaga akong gumising at nagluto ako ng almusal. Hindi ko alam pero parang na-eexcite ako magtrabaho. Siguro dahil alam kung pupunta ulit si Dave. Sinabi niya kasi na araw-araw siya pupunta doon. Siyempre, masaya ako. Ito na ang pagkakataon ko. Hindi na ako mag-iinarte.
"Oh, ano'ng meron sa ngiting 'yan?" tanong ni Shen sa akin habang ako'y naghahanda ng mga ingredients.
"Ha? Ano bang sinasabi mo. Hindi ba pwedeng ngumiti?" nakangiti ko namang sagot habang kinukuha ang mga kape sa ref.
"Alam ko na. Dahil kay Mr. Dave Vince Alvarez!" Ho ho ho!" pang-aasar ni Steph na nangungulit pa. "Di ba? Di ba? Ayie!"
"Tinatawag ninyo ako?". Biglang may nagsalita mula sa pinto.

BINABASA MO ANG
24 Hours
RomanceLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.