Part 28

8 0 0
                                    


Steph's P.O.V

Narito na kami sa Talibon. Nakakapagod ang byahe pero sulit naman kasi sumama sa amin si Christian at si Ethan. Hindi ko alam kung bakit talaga siya sumama. Ang sabi naman niya, for business affairs. Hmmppp... Magsinungaling siya sa iba h'wag lang sakin. Malalaman at malalaman ko rin.

"Christian,ihahatid na namin kayo sa papasukan nyo" I offered.

"Oo nga Christian" agreed ni Shen.

"Okay"

Kami ni Shen ang nagdala ng mga bagahe nila Sir. Pasan-pasan kasi niya si Ethan dahil natutulog ito. Tiningnan ko ang mukha ng mag-ama. Aba, pareho talaga ang facial features nila. Maputi, matangos ang ilong, red lips, maliit ang mukha, at ang ganda ng mga pilik-mata. Jealous ako te. Perfect!

"Salamat nga pala sa inyo ha" pasalamat ni Sir sa amin.

"Naku wala yon Sir. Ikaw pa" sagot ko.

"Sige, papatulugin ko muna si Ethan. Magpahinga na rin kayo" sabi nito.

"Okay Christian. Basta, kung may kailangan ka, tawagan o i-text mo na lang kami" pahayag ni Shen.

"Okay" sabi ni Sir at ngumiti kay Shen.

Teka, teka, iba eh. Parang may iba sa mga ngiti nila. Kanina pa tong dalawa eh.

"Ano na kaya ang nangyari kina Elaine. Siguro nag love making na ang mga yon" napasalita ako habang naglalakad kami ni Shen pauwi.

"Huwag mo nga itulad sayo si Elaine. Mabiit yon, inosente rin" pagtanggol niya.

"Pero lalaki pa rin si Dave, di natin alam baka-"

Hindi ako nakatapos sa pagsasalita dahil binatukan ako ni Shen.

"Ouch... I'm just, joking you know"

"Joking mo mukha mo"

"Tse"

Kahit kailan, sadista pa rin tong gagang to.

Nang makarating kami sa apartment ay dumiretso ako sa higaan. Maka-beauty sleep nga. Sa gitna ng aking mapayapang tulog, biglang kumanta si Shen ng malakas kasabay sa tugtog.

All you need is pag-ibig...

Tinabunan ko ang mga tainga. Ang ingay talaga, at ang ang pangit ng boses ni Shen. Mas maganda yong sa akin. Mas nilakasan pa niya ang volume at ang kanyang pagkanta. Nabulabog ang aking pagtulog. I can't take it anymore.

"Ano na ba Shen itigil mo na nga yan! Nakakabwiset ang pangit ng boses mo" sigaw ko.

Aba, hindi nakikinig ang bruha. Lumabas ako at nakita ko pa siyang sumasayaw. Ewww...

"Hoy babae ka, itigil mo na nga yan" naiinis ako.

"Sabayan mo na lang ako Steph, KJ mo" sabi niya.

Yuck talaga tong si Shen. Sinasama pa ako sa kabaliwan nito.

"Itigil mo na lang kasi yan" ulit ko.

"Bakit ba? Galing ko kaya sumayaw" pabebe niya.

"Ewww" sabi ko.

Tiningnan ko lang siya nang may dumating sa labas ng pintuan. Nakabukas lang kasi ang pintuan ng apartment namin. Ang ganda niya, ang tangkad, at ang sexy pa. Kilala ko to eh... Si...

"Margarette?!" napasigaw si Shen at dali-daling yumakap.

Oo nga pala. Si Margarette ang isa sa mga kaklase namin noong high school. Lumapit ako sa kanya at nakipagbeso-beso.

"Uy Margarette, kailan ka pa umuwi? Ang sexy mo na te" sabi ko.

Noong high school kasi kami, medyo chubby siya. Pero ngayon, wow! She's sexy na like me! Napaupo kami sa loob.

"I came here last day" ayyy English siya.

"Ganun ba. Akala namin hindi ka na makakarating sa reunion next week" singit ni Shen.

"Of course, I'm going to. Why would I discard this event? Besides, my agency allowed me to be here but just for ten days. You know naman, mahirap maging theatre artist"

"Grabe ka na girl. Di ka na namin na reach" sabi ko.

"Nga pala, napadalaw ka ata" tanong ko.

"Oh, I almost forgot. I'm here to give the invitation letter. Hindi kasi papapasukin kung wala to. Strict eh" sagot niya sabay abot sa aming dalawa.

"Kwentuhan mo naman kami sa buhay artist Margarette" aniya ni Shen.

Nagkwentuhan kaming tatlo. Hahay, parang walang nagbago sa mga ugali namin. Ganun pa rin. Makulit, madaldal, friends forever. Mga itsura lang siguro namin ang nagbago. Like me, I became better-looking. Etchos!

"May boyfriend ka na ba ngayon Margarette?" natanong ko.

Nagsmile naman siya. "I have no time for that Steve. Besides, I don't prioritize that thing"

"Uyyy nagtatanong?" kinikilig naman tong si Shen.

Nga pala, si Margarette ang first love ko at siya rin ang aking first heartbreak. I'm liking her since grade seven and I confessed when we're eight grader. Naging kami ng babaeng to. Shit lang, hindi ko kinaya noong nalaman kong aalis siya ng bansa para mag-aral. I really love her. And I waited for her coming. At this moment, she's here, smiling infront on me. Ito na ang pagkakataong sabihin ko sa lahat ang totoo.

"Ah... Margarette" tawag ko sa kanya ng papaalis na siya.

Lumingon siya sa akin. Na-miss kita Margarette, dito ka na lang please.

"Bakit Steve?"

"Pwede bang ako ang escort ko sa reunion?" nahiya pa ako. Well, sino bang hindi makakabahan kung kaharap mo ang ang babaeng nagpapatibok ng puso mo.

"Sure. Bakit hindi?" sagot niya at nginitian ko siya.

"Salamat Dre"

Bigla ko siyang natawag sa endearment namin noon na 'dre'. Umalis siya at nang lumakad ako pabalik ay bigla akong nagulat. Nasa gilid pala si Shen at naka cross-armed.

"Wow, ano yon ha. Uyyy, dalaga na siya" iniinis ako nito.

"Tumahimik ka nga diyan Shendra" umalis ako.

"Sasabihin mo na ba ang lahat ngayon Steve?" tanong niya.

"Oo. Nandito na siya, yon lang naman ang hinihintay kong pagkakataon" sagot ko.

Hindi lang kami magkaibigan ni Shen, magpinsan din kami. Oo nagsasama kami sa isang apartment pero magkaiba naman kami ng higaan. Lahat ng secreto ko, sinasabi ko sa kanya.


24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon