Part 11

11 0 0
                                    

Angel's P.O.V

IKALAWANG araw na pero hindi pa rin nagigising si Dave. Nandoon ang pamilya niya at pamilya ko. Ang sabi nga ni Tita Davina, pupunta ang mga kaibigan ni Dave. Kinabahan ako dahil hindi pa nila alam na ako ang ipakakasal kay Dave. Maya-maya pa ay dumating na sila at kita ko sa mga mukha nila na nagulat sila dahil nandoon ako.

"Angel?" tanong ni Lorenz. "Ba't nandito ka?" dagdag pa niya. Nagulat sina Tita at nagulat kung bakit niya iyon natanong.

"Ijo, hindi ba ninyo alam? Si Angel ang fiance ni Dave" pahayag ni Tita Davina.

Hindi na sila nakapagsalita salita at lumapit sila kay Dave. Hindi ako makatingin sa kanila lalo na kay JB. Nilapitan ko si Tita Diana. "Tita, lalabas muna ako sandali" sabi ko. "O sige, mag-ingat ka" sagot ni Tita.

Pumunta ako sa rooftop ng hospital. Ilang minuto rin ako doon. Nag-alala ako baka ano ang isipin ng mga kaibigan ni Dave. Nang mas uminit ang sikat ng araw, bumaba na ako. Lumakad ako sa hallway at nakasalubong ko si JB. Huminto siya sa paglalakad nang nakita niya ako.

"JB... Sorry dahil nilihim ko sa'yo. Sa inyo"

"Wala kang dapat ipag-alala. Alam ko kung bakit mo 'yon nilihim. Kilala ko si Dave, kung may sikreto, ayaw niya talagang ipagkakalat. At saka, alam ko na naman eh" nakangiti niyang sagot.

Tiningnan ko siya sa aking pagkakayuko. "Alam mo?"

"Nakita ko kayo noong araw bago maaksidente si Dave" sagot niya at i-kweninto niya sa'kin kung bakit niya nalaman.

"Ah gan'on ba. Hindi kita nakita doon eh"

"Nagtago kasi ako dahil muntik na akong makita ni Dave sa convenience store" paliwanag niya.

"Ano'ng ginagawa mo doon?" tanong ko.

"Kasi ano. May nililigawan kasi akong taga-roon at binisita ko. Huminto ako doon at bumili ng makakain baka magutom sa biyahe"

Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na agad siya at pumunta na ako sa room ni Dave. Nawala ang kaba sa dibdib ko. Masaya ako dahil hindi galit si JB sa akin.

JB's P.O.V

Masakit sa akin ang nangyari kay Dave. Sa aming apat kasi, siya 'yong pinakamabait. Hindi man makikita, alam namin na sobrang bait niya talaga. 'Yong sinabi ko kay Angel kanina na may nililigawan ako, hindi totoo 'yon. Nagsinungaling ako sa kanya dahil alam kong kinakabahan siya kung ano ang magiging reaksiyon ko. I was being stupid at that time. Bigla na lang ko 'yong sinabi. I went home after visiting Dave. The truth is, it really gave me heartaches. All I know, Angel is single. Damn, I like her but she doesn't like the way I am to her. It's stupid right? It is painful for you if you love someone who just treat you as a friend and was stuck in a region called friend zone.

"JB, is Dave alright? How is he doing?" my mom asked me.

"Sa ngayon, okay lang po siya mom but hindi pa rin siya gumigising" sagot ko kay mom habang nag-aaral.

"I see. How are your studies by the way?"

"It's getting better mom. Nag research po kasi ako tungkol sa mga bagay na mahirap para sa'kin" I answered.

"Dahil marami ng na-miss si Dave at parang hindi na siya nagfo-focus, may chance ka ng unahan siya" she smiled at me and I stare at my mom with a poker face.

"Mom, pwede ba. It's better to be at the second rank than to wish him bad"

"Oh, wala akong sinabing ganyan JB. Bakit? Hindi ka ba napapagod na palaging ikaw na lang ang top 2 at he's always better than you?" tanong ng mom ko in serious way.

I didn't answered her. Mula pagkabata, si Dave palagi ang number one sa lahat ng bagay at pangalawa lang ako. Actually, I don't mind that. What matters to me is our friendship. Alam ko kasi na he deserves everything. Nagwo-worry din naman ako sa kanya palagi. Kahit nagbago na siya, I'm so sad that sometimes I can't sleep just to think kung ano ang magpapabalik sa kanya sa dating siya.

"He's always better than you? He's always better than you? He's always better than you?" ito ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko kaya hindi ako nakapagfocus sa aking study.




24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon