Part 9

10 0 0
                                    

Angel's P.O.V

Masarap ang tulog ko. Payapa at kahapon ang unang gabi ko sa Maynila na walang problemang iniisip. Maaga akong nagising. Nakagawian kong magdasal sa t'wing ako'y gigising. Matapos kong magdasal ay inalis ko ang mga muta ko. Nagulat ako dahil pagharap ko sa aking kanan, nakita ko si Dave na tulog pa. May nangyari sa amin? Oh my? Wala! Wala! Ano ka ba Angel, nakatabi lang, may nangyari na agad? No! Oo nga pala, nag-confess pala ako sa kanya kahapon. Nagmukha talaga akong tanga. Bumagon ako at bumaba. Maya-maya pa ay nagulat ako dahil hindi ko alam na kanina pa ako tinitingnan ni Dave at naka-smile pa siya.

"Anak ng... Kanina ka pa ba diyan?" nahihiya kong tanong.

"Oo" tipid niyang sagot at nag-wink pa siya.

Sa totoo lang, kinilig ako noong nag-wink siya sa'kin. First time ko kasi ma-in love. Hindi ko pa alam ang aking gagawin. Nagpatuloy lang ako sa aking mga ginagawa. Naghugas ako sa aking mga ginamit. Hindi ko namalayan, nilapitan ako ni Dave at niyakap ako sa likod. Ipinatong niya ang kanyang mukha sa balikat ko. Hindi ko alam ang aking gagawin. Nahihiya pa rin ako sa kanya. Binasa ko siya ng tubig galing sa gripo at inalis niya 'yong pagkayakap niya sa'kin.

"Ikaw talaga. Patay ka sa'kin ngayon!" natatawa niyang sabi habang hinahabol ako upang tapunan ng tubig.

Tulad ng aming nakagawian, hindi kami nagpapansinan sa school. Friday na pala ngayon, walang pasok bukas. Hindi tulad ng dati na snob siya lagi, ngumingiti niya siya 'pag nakatingin ako sa kanya. Naglalakad na ako sa hallway ng may naghagis ng itlog sa likod ko.

"Hey bitch!" tawag sa'kin ng isang babae. Nilapitan nila ako at dinala sa likod ng school. Sinubukan kong tumakbo pero marami sila.

"Ano ba? Bitawan 'nyo ako!" sigaw ko.

"H'wag kang matigas ang ulo at tumahimik ka!" wika ng isang babae.

"Hoy babaeng malandi kang social climber na pangit! Ba't nilalandi mo si JB?" tanong sa'kin ng babae habang kiukuyog ako nila.

Nilalandi ko raw si JB? Wala akong magawa. Marami sila at isa lang ako. Pinagtutulungan nila akong saktan. May dalawang babaeng bumugbog sa akin at yong iba ay ginugulo ang buhok ko. Biglang may tumulong luha sa aking mga mata. Nagdilim ang aking mga paningin at bigla akong nahilo at nawalan na lang ako ng malay.

Pagkagising ko, nasa isang kotse na lang ako. Nilingon ko ang driver's seat at nakita ko si Dave na natutulog. Pinagmasdan ko ang lugar at hindi ito pamilyar sa akin. Actually, maganda ang lugar. Napakahangin dito. Bigla kong nalala ang nangyari kanina. Nagamot na pala ang mga pasa ko at may bondage na sa kamay ko. Ha?! Hindi ito 'yong suot ko kanina ha? Ba't nakapalda na ako at ba't nakasuot ako ng crop top? Paano ako nakabihis? Pagka-isip ko nito ay tiningnan ko si Dave. Naisip kong baka siya ang nagbihis sa akin. No! Hindi niya 'yon magagawa. Maya-maya pa ay nagising na siya.

"Dave"

"Gising ka na pala Angel". Pagkasabi niya nito ay inalis niya ang seatbelt niya at hinawakan ako. Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sa'yo?" nag-aalala niyang tanong.

Ngumiti ako sa kanya, "Ayos lang ako", tugon ko. "Nasaan tayo? Ano'ng ginagawa natin dito?"



24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon