"Andito na tayo!!" Excited na sabi ni mama sa amin. Bumaba na ako ng sasakyan at wala akong nakikitang bahay dito kundi building at mga fastfood chain, bangko, bookstore, starbucks at mga commercial building.
Napalingon ako kay mama ng dumeretso sila sa mataas na building kung saan nakapark ang sasakyan namin. Binuhat ko ang bagpack ko at kinuha ang maleta at isang box na puno ng picture frame at mga decoration sa kwarto ko.
nag lakad na sila papa at tito allan sa building kung saan din pumunta si mama.
"Nice! Condominium ang kinuha nila tita. Siguro sila lola at lolo ang may sagot niyan." Sabi ni kuya tom. Wow. Condo? As in? Akala ko bahay talaga eh.
Excited kami ni kuya tom na pumunta sa loob. Nasa tapat na ng elevator sila mama, papa at tito allan. Saktong pag dating namin doon, bumukas na.
"So, dalawang kwarto lang ang meron sa condo niyo. May banyo na sa loob. Complete na ang furnitures. Except appliances." Sabi ni mama. Tumango tango lang kami ni kuya tom. Nung bumukas ang elevator nag madali kaming dalawa na makalabas para sana nmag unahan sa condo pero napahinto kami dahil sa left side kami tumakbo pero sa right side pumunta sila mama. Natawa tuloy sila sa amin.
"And here we go. 1523." Ini-open na ni mama ang pintuan at wow. Ang ganda sa loob. Mukhang mga bago pa lahat ng furnitures, sofa, tables. Pero tama si mama, wala pang appliances at konting decorations. Bigla kong naalala. Yung room!
Sa right side pumunta si kuya tom. Mukhang pareho kami ulit ng naiisip. Dahil left side kami lumiko kanina hindi left ang pinili niya. Kasi right side ang likuan nito.
Nakasimangot akong pumunta sa magiging kwarto ko ng apat na taon. Pag pasok ko, akala ko maliit at di ko magugustuhan pero mas higit pa siya sa ineexpect ko.
"Anak, sama pa ba kayo sa amin o maiwan na kayo dito?" Tanong ni mama ng pumasok sa kwarto ko.
"Wow. Mas malaki tong room mo kesa kay tom." Napangiti tuloy ako. Hahaha.
"Saan ba kayo pupunta ma?"
"May bibisitahin lang kaming kaibigan namin nung college." Napalingon ako sakanya habang nag papalit siya ng damit.
"Eh hindi na po ma. Dito na lang po ako. Mag aayos pa po ako ng mga gamit eh." Sabi ko at bumalik na sa pag ayos ng gamit.
Natapos na si mama mag palit at naglagay na siya ng make up. Napangiti tuloy ako habang pinapanood siya. Light make up lang naman ang ginawa niya pero ang ganda ganda tignan. Galing talaga ni mama mag make up.
"Huwag mo masyadong ayusin gamit mo at may idadagdag pa tayo dito. Yung mga damit mo hayaan mo muna yung iba sa maleta. wala pa tayong nabiling hanger." Oo nga pala. Hindi pa naman ako sanay na nakatupi ang pampasyal ko dahil di ako marunong mag plantsa.
"Sige po ma. Ingat po kayo." Hinalikan ko siya sa pisngi at nginitian niya ako tsaka siya umexit.
Humiga muna ako sa kama habang nakakalat pa ang iba kong gamit. Nag check muna ako kung may message ako at meron nga. 2 kay gracia na napaka-drama ng message at 5 kay sir. Yung tatlo pareparehong..
San ka mag aaral?
Tapos yung isa is.
Sana dito sa manila.. Tapos schoolmate tayo. :)
At yung panghuli naman..
Yes!! Confirmed! Saan ka dito sa manila? Anong school? :)
Naiiling nalang ako habang binabasa ang text niya. Nag reply lang ako ng secret at sinabi kong mag rerest lang ako.
Nakakapagod talaga byumahe. Kinuha ko yung isa kong phone at nag selfie habang nakahiga. Para may maipost naman akong picture. Puro nalang status eh.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
JugendliteraturWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...