Level 42

225 6 0
                                    

I sighed, feeling frustrated. Lahat na ng pictures sa facebook niya tinignan ko. Even gracia's facebook. Nakita ko na lahat. Natagalan lang ako sa pag tingin tingin ng pic dahil in-open ko ang mga albums sa photos niya na kasama ako at si kat. Kaming tatlo lang.

I really do miss gracia, our mother hen. The mattured among the three of us. The fierce one, the elegant one, the sossy one. Namimiss ko ang tawa niya, ang panghampas niya sa amin ni kat eveytime na uupo kami na walang ka-poise poise. Ang pag sermon niya sa amin. Everything about gracia! I miss everything!

And I feel sorry dahil pinag hihinalaan ko si jake. I know, gracia always told us, jake is a good man. And napatunayan ko yun kaninang mag kasama kami. Ah no! Kahapon hanggang kagabi na mag kasama kami.

I glanced at the clock at 12:35 am na. Tulog na din si kat sa kama, kanina pa. Medyo lumayo ako sakanya para hindi niya makita ang ginagawa ko. Hindi pakialamera si kat, hindi siya intrusive and hindi katulad ko na curious. If you don't want to tell her, she will not bug you or nag you about it. Hihintayin niyang ikaw ang mag sasabi sakanya. And I'm not ready to tell her na pinag hihinalaan ko si jake. Kat will think na nahihibang na ako. Ako rin naman, yun ang naiisip ko sa sarili ko ngayon.

Duh! Ex ng bestfriend mo ay iisipin mong stalker mo? Obssessed sayo? Hindi yun tama. Pero masyado akong na bo-bother sa tattoo niya sa braso. Hindi ko man nakita ng buo pero familiar siya sa akin. Ang pinagtataka ko lang, different face sila. Pero basta. Malakas ang kutob ko! Malakas ang instinct ko! At sinasabi ng instinct ko na kailangan kong alamin ang tattoo na iyon ni jake. Kailangan kong makita yun ng buo. I need too. Kung hindi, mababaliw na ako.

Suddenly, my phone rang. Tumayo ako para kunin yun sa bed. Nagising si kat sa pang ring at tumingin sa orasan. Nag peace sign lang ako sakanya at kinuha ang phone ko. My heart pound fast ng makita kong si sir ang caller. Huminga ako ng malalim bago ko in-accept ang call.

"Hello? Sir?" Nag salita na ako dahil walang nag sasalita sa kabilang linya. Ang naririnig ko lang ay ang malakas na music at hiyawan ng mga tao. Naririnig ko din ang boses nila don at hade.

"Dude, stop it!" Boses naman ni clark ang narinig ko.

"What the hell sir! Tama na yan!" And I heard jade's voice.

"Don't! Just leave me alone!" Sir's voice was hoarse. It sounds like he's drunk.

"Hey! Anong nangyayari?" I tried to speak. Kinakabahan na ako. Bakit siya nag lasing? He knows na ayakong nag lalasing siya. Ayoko!

Napabangon na si kat at tinignan ako. And then nag ring din ang phone niya. May phone na siya ngayon, gift sakanya ni mama at papa. Tumalikod ako ang keep on talking to the other line. Mukhang hindi nila ako naririnig. At lalo akong kinakabahan dahil nakarinig ako ng mga pag basag na bote.

Napasigaw ako sa gulat ng kalabitin ako ni kat. Lumingon ako sakanya at nag apoligize naman siya agad. And then hinila ako papunta sa cabinet ko.

"Magpalit ka ng damit. On the way na dito sila jade at monette." Nag umpisa na siyang kumuha ng damit niya at nag palit na sa harap ko. Napatingin siya sa akin ng hindi pa ako gumagalaw at nakatingin lang sakanya. She sighed at sinuot ang t-shirt niya bago humarap sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at tinignan nang deretso sa mata.

"Walang mangyayaring masama sakanya kung pupuntahan natin siya ngayon. He needs you. Kaya lamunin mo na yang pride mo at mag ayos na kayong dalawa." Siya na ang kumuha ng damit ko at inabot sa akin.

Dali-dali naman akong nag palit ng damit. Nag suot lang ako ng jeans and simple plain shirt. Kumuha ako ng sweat shirt ko at nag shoes lang ako. Pumunta ako sa banyo para mag hilamos habang wala pa sila jade.

GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)Where stories live. Discover now