Totoo yung kasabihan na, pag masaya ka madaling lumipas ang oras.
Parang kailan lang nung pasukan ngayon naman finals na namin. Last day of examination, precisely.
Wala na kami masyadong naging problema ni sir sa relationship namin. Parang mas lalo pang tumibay. Or so I thought.
Nagkikita kami always sa school. Nag de-date pag may time. Yun nga lang, pag hindi kami mag kasama. Hindi siya gaano nag rereply sa akin.
Iniiwasan niya din na puntahan ako sa condo. Parang takot siyang kami lang dalawa. Pero okay lang yun. Naiintindihan ko na ngayon.
Katatapos ko mag exam ng isang subject kaya nag lakad ako papuntang library. Papasok na sana ako ng may makita akong isang pamilyar na tao sa labas ng admin building.
Nilapitan ko siya at tama nga ako. Si tita thalia, ang mommy ni sir. Mukha siyang stress pero maganda pa din.
"Hello po tita." Bati ko sakanya ng makalapit ako.
Lumingon siya sa akin at ang kaninang galit niyang expression ay napalitan ng isang tipid na ngiti.
"Angel, it's good to see you. I was planning on calling you later. But here you are." Hinalikan niya ang pisngi ko.
"Bakit po kayo andito tita? Wala po si ashton today dahil wala na daw po siyang exam." She sighed heavily at hinilot niya ang kanyang sentido.
"That kid! I assumed you didn't also know?" Napakunot ang noo ko dahil sa galit niyang tono.
"Ano po yung hindi ko alam, tita? May nagawa po ba si ashton?" Ashton ang tawag nila kay sir.
"Yes. Big mistake! Kakatawag lang sa akin ng dean. Sabi bagsak daw lahat ng subjects ni ashtob this semester. I don't know what will I do with him. Inayos ng dad niya yung bagsak niya last school year. And ito na naman. Every semester may mga bagsak siya. Kung hindi tatlo, lima ang bagsak niya."
Nanlaki ang mata ko sa gulat. He's what? Bakit hindi ko to alam? Bakit hindi niya ito sinasabi sa akin? Bumilis ang pag hinga ko dahil sa galit. Shit! He lied to me!
Pag tinatanong ko siya if how was his classes? nakapag review ka na ba? May assignment ka ba? Project? Do you have problems on your subject? On your major? May mga requirements ka bang dapat gawin? At madami pa akong tinatanong related sa pag aaral niya.
And he always answered me. YES, NO, DON'T WORRY, KAYA KO TO. Tapos malalaman ko to? And from his mother!
Sa buong semester, minsan nag aaway kami. Pero not to the extent na hindi kami mag papakita sa isa't isa. Lagi ko siyang kinukulit kung bakit hindi siya nag rereply. Kung lumabas na naman ba siya. Kung ano problema niya. Pero wala siyang sinasabi.
Tapos ito? Nilihim pa niya sa akin? Of all people, siya ang nakakaalam kung gaano ko siya pinu-push para mag aral ng mabuti. Nung first year kami till now, lagi ko siyang sinasabihan. Lagi ko siyang niyayaya sa condo para mag review. Minsan kukunin ko pa ang lessons niya sa mga ka-block niya at ako na mismo ang gagawa.
"Hindi ko alam kung bakit nag kakaganyan si ashton. Don't get me wrong, Angel. I saw how happy my son is when he's with you. Kaya napanatag ang loob ko dahil sayo. Akala ko he'll be a better man now that he's with you. Pero hindi eh. Mas nagloko pa siya sa pag aaral. He didn't come home to my house and to his dad. We cut off his credit card and atm para umuwi siya pero isang buwan na hindi pa din umuuwi. I asked his cousins kung kanino siya tumitira. Hindi daw nila alam. And I believed them. Lalo na ng si papa ang nagtanong sakanila."
Napatulala ako sa sinabi niya. Is she right? Mas naging worst si sir nung naging kami na?
Masama ba akong girlfriend? Hindi ba ako nag effort para kay sir? Wala ba akong kwentang girlfriend?
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Подростковая литератураWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...