Level 44

229 4 0
                                    

Ilang minuto akong nag hintay dito sa school ground para makita si jake. Nitong nag daang araw. Lagi ko na siyang nakakasama. Kahit na alam kong siya pala ang stalker ko, sumasama pa din ako sakanya. It's part of our plan. Pero dahil ayaw ni sir ng plano namin nila clark, hindi siya pumayag. Kaya lang mapilit kaming lahat kaya pumayag siya. Pero sa isang kondisyon, dapat kasama din siya pag kasama si jake. At gaya ng laging plano namin. Mag papahuli si sir na dadating pag meron na si jake.

May mga time na umiiwas agad si jake pag meron na si sir. Yung tipong bigla siyang mag papaalam. Pero mapipigilan ko din naman. Meron din naman yung time na okay lang sakanya. Na parang natutuwa pa siya sa amin ni sir. Kaya naguguluhan ako sa mga emosyon na pinapakita sa amin ni jake.

Hindi ko alam kung siya ba ang bad guy o hindi. Kaya nag plano sila clark. I need to spend my time to jake para hindi siya makauwi sa appartment niya. Habang mag kasama kami, pupunta dun ang iba para makahanap ng enough evidence na siya nga yung stalker ko. Yung humila sa akin sa vaccant room, yung mga nag papadala sa akin ng mga threats at yung nag post sa website ng school about sa good side ko.

Ilang araw din minanmanan ng mga boys si jake. At nalaman nila na pare-pareho lang ang routine niya. So far, di pa naman daw nila siya nakitang sinusundan ako. Kaya okay pa naman.

"Sorry late ako. Kanina ka pa?" Tumunghay ako at nakita ko si jake na pawis na pawis.

"San ka galing bakit basang sisiw ka?" Natawa naman siya sa tanong ko at umupo bago niya pinasan ang mga pawis niya. Inabutan ko siya ng bottled water nang matapos siyang mag punas ng pawis. Nag pasalamat siya sa akin at inubos ang tubig.

Napakagat labi ako ng matapos siyang uminom. Pakiramdam ko, kami ang mga bad guys/girls dito eh. Dahil sa ginagawa namin. May gamot na nilagay dun si gael kanina. Hindi naman daw yun sleeping pills o ano. Makakaramdam lang daw siya ng hilo. Pero konti lang. Para lang daw siyang malalasing, sabi nila jade. Yan daw lagi nilang ginagamit pag may isa sakanila na kailangan nilang i-interogate.

"Asan si sir? Bakit wala pa siya?" Napangiti ako sa tanong niya. Ilang araw na siyang ganyan. Siya pa mismo nag hahanap kay sir. Siya pa yung mag sasabi na tawagan mo na at sabihin mong andito tayo. Kaya nga napapaisip ako kung siya ba talaga at baka coincidence lang lahat ng nalaman ko.

"Mah.." Napalingon kami ni jake ng dumating si sir. Ngumiti siya sa akin at tumango kay jake. Katulad ko, nag tataka din si sir kay jake ngayon dahil hindi naman siya ganito nung una.

Hinalikan niya ako sa pisngi at umupo sa tabi ko.

"Kanina pa kayo?" Tanong niya kahit alam niya naman ang sagot na kararating lang din ni jake dahil nga nasa malapit lang sila na nanunuod kanina.

"Kararating ko lang--Shit." Hindi na kami nagulat ni sir ng hawakan ni jake ang ulo niya. Umeepekto na ang gamot. Ang bilis naman pala, kaya pala ang bilis din lumapit ni sir.

Sinubukan ni jake tumayo pero hindi niya kaya. Pumikit siya at dumilat ulit. Hindi man ako nagulat sa nangyayari sakanya ngayon pero lumapit ako sakanya at tinignan siya ng nag aalala.

"Okay ka lang ba jake? Anong problema?" Umiling siya sa akin at pinakalma ang sarili niya.

"Kailangan ko ng umalis. Pasensya na. Bukas na lang tayo kumain sa labas." Tumayo siya at nag lakad pero natumba din siya ng makatatlong hakbang palang siya. Lumapit si sir at inalalayan siya.

"Dude, ihahatid ka na namin. Hindi ka mukhang okay." Nasa plano pa din ang focus ni sir samantalang ako wala na. Nag aalala ako kay jake. Masyadong malakas yung tama ng gamot na nilagay nila gael. Akala ko ba parang malalasing lang siya eh bakit parang iba naman.

"Hindi na-" Natumba na naman siya ng bumitaw siya kay sir. Inalalayan siya ni sir tumayo at sinenyasan ako. Kinuha ko ang gamit ko at gamit ni jake na dala niya kanina. Para makaalis na kami.

GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)Where stories live. Discover now