Angel's pov
"Just give them some time. Hindi ka naman matitiis ng mga pinsan mo na yun. Ikaw pa? You're their only princess so for sure hindi ka nila matitiis." Pag papalakas ni fiona sa loob ko.
Alam niya na kasi ang nangyari. It's been a month na din at wala pa din kaming pansinan ng mga pinsan. Habang tumatagal ang tampuhan namin ay lalo akong nasasaktan at nalulungkot. Lalo na nga at hindi ko nakakausap si sir araw-araw. Sabi kasi niya may importante siyang aasikasuhin ng ilang linggo. Kaya ito ako, kay fiona ko sinasabi lahat.
"Hindi ko lang kasi maiwasan malungkot. Fi, sobra akong nasasaktan pag nasa bahay kami na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Ito na siguro ang pinakamatagal na tampuhan namin." I sighed heavily at nagpangalumbaba sa mesa.
"Actually, apat na araw pa at ito na nga talaga. Remember? Isang buwan mo din sila higit hindi kinibo noon dahil sa ginawa nila kay sir sa rest house?" Naalala ko na naman ang tungkol doon. Tumango ako sakanya at hindi na nag salita.
Everytime na naaalala ko yun ay hindi ko maiwasan ang masaktan at magalit para kay sir. Kasi imagine? Siya na nga ang ginulpi, siya na nga ang nagmakaawa sa family niya na huwag ikulong mga pinsan ko. Pero ito ang mga pinsan ko at ni hindi man lang mag sorry sakanya sa nagawa nila. Kahit yun nalang eh, kahit sorry nalang. Kahit magalit pa rin sila kay sir. Karapatan naman nila yun. Pero mahirap ba mag sorry sa ginawan mo ng masama?
Kahit naman na hindi sabihin sa akin ni sir ang totoong nararamdaman niya sa ginawa ng mga pinsan ko ay alam kong nasaktan siya doon. Lalaki siya, isa siyang pineda ay hinayaan niyang gulpihin lang siya. Hinayaan niyang makawawa siya. Lahat ng lalaki may ego. At sa pagkakakilala ko kay sir at sa mga pineda hindi nila ugali ang sila ang makawawa. Wala yun sa bokubolaryo nila.
Lagi man sinasabi ni sir sa akin na okay na yun. Kasalanan din naman daw niya. Na tama lang daw yung ginawa ng mga pinsan ko at wala silang kasalanan. Ako ang nasasaktan talaga para sakanya. After all, lagi pa din niyang sinasabi na intindihin nalang ang mga pinsan ko dahil sa sobrang pagmamahal nila para sa akin kaya nila nagawa yun at kaya mahirap sakanila na patawarin siya ngayon.
Sobrang laki ng pinagbago ni sir. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko yun o hindi. Kung siya si sir na nakilala ko noong first year college kami. He will never say those words. But now? He is so mature than me.
"May balita ka na ba kay kat?" Tanong ni fiona kaya naputol ang pag mumuni muni ko. Mas lakas akong bumuntong hininga dahil isa pa sa pag aalala ko si kat.
Umiling lang ako kay fiona at siya naman ang bumuntong hininga. Lalong nakakalungkot dahil mag iisang linggo ko ng di nakakausap o nakakachat si sir tapos wala pa dito ang bestfriend ko.
------
"Dude, birthday mo na nextweek. Ano plano?" Tanong ni papa sa akin habang nag bubuo kami ng puzzle sa garden area. Nag kibit balikat lang ako sakanya.
Sa totoo lang, wala naman akong plano. Ngayon ko lang naalala na birthday ko na pala nextweek. Sa sobrang dami kong iniisip ay pati mismong birthday ko nakalimutan ko na.
"Ano ba namang mukha yan? Wala ka pa ding gana hanggang ngayon?" Pabiro pa akong sinuntok ni papa sa braso.
"Pa naman. Paano gaganahan eh hindi pa din kami okay ng mga pinsan ko. Ito na nag pinakamatagal na hindi kami nag pansinan. Namimiss ko na tuloy kahit araw araw ko naman silang nakikita." Nag cross arms ako at padabog ba sumandal sa kinauupuan ko.
"Tsk. Tsk. Eh kung miss mo na pala sila bakit Hindi ka gumawa ng paraan para mag kaayos kayo? Matanong nga kita angel, did you ever try to talk to them?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni papa. Umiling iling lang siyang nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Подростковая литератураWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...