"Kuya, hindi mo na ako kailangang ihatid pa." Pag mamaktol ko kay kuya justin.
"Trip ko eh. Wala namang akong first class so ihahatid nalang kita." Napasimangot ako sa sinabi niya. Padabog kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.
"Bahala ka dyan!" Sabi ko at mabilis na tumakbo.
Nahinto lang ako sa pagtakbo ng nasa department na ako. Lumingon ako at nakita ko siyang nakatayo pa din sa may daanan. He signed me to call him later kaya tumango ako. Pupunta lang kasi sa classroom kailangan pang ihatid.
Magkakasama na nga lang kami sa iisang bahay eh. Magkakasabay pumasok ng school tapos pati ba naman pag punta sa classroom. Hayy! Alam ko naman ang dahilan kung bakit nila yun ginagawa. Para pag sakaling mag salubong kami ni sir dito sa school ay maiiwas nila ako sakanya.
Hindi ko pinansin ang mga taong pinag titinginan ako. Sanay na ako sa atensyon. Syempre ikaw ba naman ang pinsan ang limang villegas dito sa campus, kaibigan ng mga pineda at girlfriend ni sir. Malamang talagang pag titinginan ako.
Girlfriend.. Para kaya sakanya kami pa rin? O hindi na?
Malakas akong bumuntong hininga at nag patuloy sa pag lalakad. Nang pag pasok ko sa room ay nginitian ko lang ang mga classmate ko pero iba yung ngiti nila sa akin. Tatanungin ko sana ang isa sa mga classmate ko ng saktong dumating ang prof. Kaya nag focus nalang ako sa pag aaral.
Nang mag lunch time ay hindi ko alam kung saan ako pwepwesto. Nasanay kasi akong sa likod kami ng cafeteria. Pero gaya nga ng usapan namin ni papa last week. Umiwas daw muna ako habang nag papalamig pa ang lahat. Para rin naman sa amin to ni sir. Kaya kahit gusto na siyang makita at ang mga kaibigan ko ay nag tiis akong huwag muna.
Dahil hindi ko alam kung saan ako kakain ay pumasok muna ako sa comfort room. Naaasiwa na kasi ako sa mga tingin sa akin ng mga students. Iba yung tingin nila ngayon. Parang nakakita sila ng pulubi. Mag kahalong awa at pandidiri ang nakikita kong tingin nila sa akin.
Tinext ko nalang ang mga pinsan ko na mag lunch sa labas. Pag pasok sa isang cubicle ay umihi muna ako habang hinihintay ang reply nila. May mga pumasok sa loob at ang iingay ng takong ng sapatos nila.
"Girls, have you heard what happened to angel? Is it true?"
"Well, nakita daw ni kishia na buhat buhat ng lalaki si angel na punong puno ng blood sa hands and clothes."
"But is it true that she tried to kill herself just because of sir?"
"Duh. Sir Ashton Lord Pineda Tamayo yun! Kung ako din naman no. I would do that."
"Eww. Hindi lang siya ang nag iisang lalaki. So why kill yourself?"
"Guys, they love each other. The more you love someone, the more it hurts."
"In that case, I think angel is the one who is inlove."
"Tama ka dyan. Pag sobrang nasaktan ka ibig sabihin mahal na mahal mo yung tao. Eh sa sobrang pag mamahal ni angel willing siyang tapusin amg buhay niya. Samantalang si sir. Mukhang okay naman."
"He is really okay. I saw him last saturday night. He's with a girl."
"Aww. Kaya naman pala mas masakit kasi pinag palit siya."
"Damn right."
"Kawawa naman siya."
"Kawawa siya kung mag papaapekto siya. But if she will fight and continue to live again. Then hindi siya kaawa awa. Because she'll be a fighter if ever she will move on na."
"Stop talking about her. Let's go na."
Napatulala ako sa pintuan ng cubicle sa mga narinig ko. Kaya ganun makatingin sa akin ang mga tao dahil alam na nila ang nangyari. Parang ayoko na tuloy lumabas ng banyo. Pero naisip ko yung sinabi nung isang babae. Kawawa lang ako kung mag papaapekto ako. Tama siya. Hindi dapat ako maapektuhan.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
TeenfikceWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...