Level 60

191 7 0
                                    

Angel's pov

Sobrang nanunuyo ang lalamunan ko. Sinubukan kong gumalaw at ibuka ang bibig ko pero hindi ko magawa. Alam kong nasa hospital na ako dahil nagising na ako pero hindi ko alam kung ilang araw na ako dito. Napapikit ako ulit ng masilaw ako sa liwanag. Sinubukan ko ulit buksan ang mga mata ko hanggang sa maka-pag adjust sa liwanag.

"Angel?" Tumingin ako sa kanan ko ng marinig ko ang boses ni kat. Sinubukan ko ngumiti ng makita ko siyang umiiyak. Nang magising ako ay hindi ko siya nakita. Ngayong pangalawang pag gising ko lang siya nakita ulit.

"Okay ka lang ba? Teka tatawagin ko sila tita." Sabi niya pero agad kong hinawakan ang kamay niya.

"T-tubig." Agad siyang tumango at kumuha ng tubig.

Inalalayan niya akong umupo at pinainom ng tubig. Nang matapos ay papahigain niya sana ako ulit pero umiling lang ako. Gusto kong tumayo. Gusto kong umalis sa kama na to.

"K-kat, yung phone ko?" Tinignan niya ako ng masama sa tanong ko.

"Hindi yun ang importante. Ano okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Nasa pharmacy si tita. Si tito ay papunta na dito sa hospital. Ang mga pinsan mo ay mamayang hapon pa sila pupunta pagkatapos ng class at work nila. Ang gran and gramps mo ay kasama ang lolo at lola mo sa bahay nila. Mamayang tanghali pa sila pupunta dito. Si fiona ay kaaalis lang dahil alam mo naman yun may raket pa-"

"S-si sir? N-nag punta ba dito?" Napatigil siya sa tanong ko. Napakunot ang noo ko sa reaksyon ni kat. Nag iwas siya ng tingin at kinuha ang phone niya sa side table.

"Hello? Tito, gising na po si angel. Opo. Sige po. Ingat po." Hinintay ko siyang matapos sa ginagawa niya sa phone niya matapos niyang tawagan si papa.

Nag bukas ang pinto at nakita ko ang gulat at masayang mukhang ng mama ko. Napasimangot ako dahil mukhang pagod at puyat siya. Agad niyang pinatong ang kung anumang hawak niya at lumapit sa akin. Agad niya akong niyakap at paulit ulit na hinalikan ang pisngi ko.

"Mama.." Natawa ako sa ginawa niya pero napatigil din ng marinig ko siyang umiyak.

Doon ko naalala ang ginawa ko. Napapikit ako niyakap ng mahigpit ang mama ko. Bakit hindi ko naisip na masasaktan ko siya ng ganito sa ginawa ko? Nilamon ako ng galit at napuno ng sakit ang puso ko kaya hindi ko na naisip ang magulang ko, ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Ang inisip ko lang ay ang matapos na yung sakit na nararamdaman ng puso ko. Ang selfish ko!!

"Mama, tama na po. Okay na po ako. Please mama.." Pinatahan ko siya ng pinatahan. Hindi ko na mabilang kung gaano na kami katagal sa ganoong posisyon.

Napahiwalay lang kami ng dumating na din ang papa ko. Lalo pang umiyak si mama ng pati si papa ay sumama na sa yakapan namin. Sobrang gaan ng pakiramdam na nayayakap ko sila ulit ngayon.

"Anak, parang awa mo na. Huwag mo na kami ulit sasaktan ng ganun ha? Hindi namin kakayanin ng mama mo pag nawala ka sa amin." Hindi ko masagot ang sinabi ni papa kaya tumango lang ako.

Sa sobrang tagal naming nag iyakan at magkayakap. Naging panatag ang loob ko. Napangiti ako sakanila ng humiwalay na sila sa yakap. Madiin akong hinalikan ni papa sa magkabilang pisngi ko at nginitian.

"Tatawagin ko lang si doc." Tumango si mama kay papa.

Pagbalik ni papa ay may kasama na siyang doctor at nurse. Tinanong lang nila kung anong nararamdaman ko at kung nahihilo ba daw ako? Pero sabi ko ay okay na. Maayos na ako.

Nang makaalis ang doctor ay nag request ako kay papa ng pagkain dahil nagugutom na talaga ako. Kaya naman tinawagan niya ang kung sino man sa mga pinsan ko na mag dala ng pagkain ko ngayon. Bigla akong kinabahan sa naalala ko. Panigurado sobrang galit na galit sila ngayon sa akin at lalo na kay sir.

GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)Where stories live. Discover now