Level 27

303 9 1
                                    

"Ang cute!!!" Napalingon ako kay fiona nang sabihin niya yun.

"Oo nga eh. Yan na ba bibilhin mo sissy?" Si monette. Na tanggap na tanggap si fiona sa pamilya nila.

"Tss. Para lang yan, cute na?" Si faye na nakasimangot na naman.

"Bakit ba parang lahat ng bagay may galit ka?" Pabirong sabi ko sakanya at inakbayan pa siya.

"Don't start with me angel. Tss." Siya na talaga ang queen of TSS. Natawa na lang kaming tatlo ng naglakad palayo sa amin si faye.

"Anyway, eto na ang akin. How about you angel?" Napatingin ako sa napiling gift ni fiona.

"Ewan ko nga eh. Ang tagal naman kasi ni kat. Yun ang magaling sa ganito eh." chineck ko ulit ang phone ko at sakto namang nagtext na si kat na nasa mall na din siya.

Nang makita namin siya. Nag umpisa na kaming bumili ng gift. Ililibre ko muna siya ngayon at wala pa siyang pera pang bili.

Birthday kasi ni jamie bukas, kaya bumibili kaming girls ng gift ngayon. Ang mga boys naman, ayaw kaming samahan dahil matatagalan lang daw kami. Ayaw pa namang nag hihintay mga yun.

"Bes, ang sakit na ng ulo ko. Lahat naman ng sinasabi ko, ayaw mo." Nakasimangot na si kat ngayon.

Paano, ang dami niya ng sinabi at ipinakita sa akin pero pag titignan ko, maayawan ko din. Gusto ko kasi yung talagang magugustuhan ni jamie yung ibibigay ko sakanya.

Hindi sa nag papalakas ako sa pamilya ni sir ha. Pero parang ganun na nga ata. Ay ewan!

"Eh kasi naman. Hindi magugustuhan ni jamie ang mga yun." Sabi ko na lang at hinila siya sa braso.

"Ouch." Napalingon at napabitaw ako sakanya ng napa-ouch siya.

"Okay ka lang kat? Anong masakit?" Nag aalala kong tanong. Umiiling lang siya at ngumiti sa akin. Hinayaan ko na lang ng mauna na siyang mag lakad.

Tahimik na lang si kat na tumitingin kaya ganun din ginawa ko. Medyo humiwalay ako sakanya at lumayo sa toys section. Nakarating ako sa mga damit, pero wala din akong mapili. Alam ko naman kasing mas magaganda pa damit ni jamie kesa sa mga binebenta dito eh.

Napatigil at napatitig ako sa sapatos na nakita ko. Dalawa siya at magkatabi pa. Sobrang mag kapareha. Para siyang mother and daughter shoes. Napangiti akong lumapit dun.

Tuwang tuwa kaming lumabas ni kat ng matapos na kaming bumili. Pinuntahan na namin sila fiona at para kumain. Sana magustuhan to ni jamie bukas.

*

Hapon ang start ng party ni jamie. At tanghali na nang makarating ako sa condo. Pumasok pa kasi ako ng school eh. Ayoko namang mag absent ng whole day katulad ng ginawa nila, pero nag half day na lang ako.

Agad akong naligo at nag palit. Ni-ready ko na din lahat ng dapat kong dalhin. Maliban kasi sa regalo kong sapatos para kay jamie, may ginawa pa akong CD para sakanya.

Lahat ng nakalagay dun, picture namin. Siya, ako, si gavin at si sir. Meron din picture ng buong grupo kasama sila. Pag pumupunta kasi kami sa bahay nila dahil nag iinvite si tita jenny na mag visit kami. Gustong gusto niyang kalikutin yung phone ko na punong puno ng mga pictures namin. Pinaka-favorite nga daw niya yung mga pictures namin ni sir. Kaya ginawan ko na lang siya ng slideshow. Kesa naman, nag tiya-tiyaga siya sa phone ko.

"Princess, andito na si sir." Saktong pag kasabi ni kuya tom yun tapos na akong magsintas ng sapatos.

Naka-black skinny lang ako na may ripped konti tapos naka-off shoulder na puti and then suot ko yung shoes na kapareho sa gift ko kay jamie.

GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)Where stories live. Discover now