Nagising ako sa sinag ng araw. Bumangon ako ng makita ko si kuya tom.
"Lumabas ka na at madami kang mga bwisita." Sabi niya at lumabas na ng kwarto. May naririnig akong mga ingay sa labas at alam ko ng mga pinsan ko yun.
Dumeretso na ako sa banyo at nag hilamos. Sunday ngayon at alam kong mag yayaya mga yan mamasyal.
"Goodmorning mga adonis ng buhay ko." Masigla kong sabi sakanila. Lahat sila napatingin sa akin. Hindi ko alam na may mga iba palang tao. Kasama nila mga girlfriend nila.
Walo kasi ang mga pinsan kong lalaki na andito ngayon sa manila, kasama na dun si kuya tom. Hindi nila ako nginitian kaya napasimangot tuloy ako.
Lalapit sana si kuya darren sa akin pero sinuway siya ni kuya mike. Ang pinakastrikto sa lahat!
"Kumain ka muna bago ka namin kausapin." Yun lang sabi niya kaya naman dumeretso nalang ako sa kusina. Magagalit lang yun pag di ko sinunod.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko para makipag bonding sakanila. Pinaupo nila ako sa sofa at lahat sila tumayo. Yung mga girlfriends nila nakaupo sa coffee table malapit sa terrace at nakatingin lang sa amin. weird sabi siguro nila.
"Where did you go last friday night?" Tanong ni kuya mike. Napalunok ako sa tono ng tanong niya.
"Why didn't you come home?"
Si kuya tom na nag cross arms pa."Where did you spent your whole saturday?" Si kuya phoenix na seryosong umupo sa may edge ng sofa sa tapat ko.
"Don't you know that you have curfew?" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni kuya simon. Bakit nandito siya? Pag nag sama si kuya simon at kuya mike at nagalit sa akin. Nangangatog na ako.
"Are you with your friend?" kuya jason ask and glared at me.
"Is HE your friend?" Kuya justin na parang pinaningkitan ako ng mata.
"How did you met Sir Ashton Lord Tamayo?" Si kuya david. Naku naman. Bakit kilala niya si sir?
"Si Sir Ashton Lord? As in siya?" Gulat na tanong ni kuya darren na kanina pa chill.
"Anak ni Mr. Albert Tamayo?" Si kuya phoenix.
"Oo. Nag iisa lang naman siyang may ganung pangalan. Sir na nga, may lord pa." Si kuya darren.
Lahat sila napatingin sa akin at hinihintay akong sumagot. Napalunok ako at umayos ng upo. No choice ako kung hindi sagutin ang mga tanong nila kung hindi malalagot ako. Kung gaano ka-cool ng papa ko, kabaliktaran ng mga to. Mga over protective masyado.
"Sa bahay nila kami nagpunta. Nag baby sit kami ng mga kapatid niya eh. And yes, he is my FRIEND. Sa guests room ako natulog, promise! Nag spent kami ng whole day sa bahay ng pinsan niyang si don kasama mga kaibigan at pinsan din nila." Paliwanag ko.
"Si Doniel Samaniego?" Si kuya david. Tumango lang ako sakanya at dinukot niya phone niya sa bulsa niya.
"Don, i'll just gonna ask you if where are you yesterday?.... Nothing bro... Yeah... Do you know a girl named Princess Angel Villegas?... No... She's my cousin you jerk... Okay... Sige... Salamat..." And he hang up.
"Confirmed. Mga kaibigan ni princess sila." Sabi niya sa mga boys.
"Kahit na. Paano kung isa sakanila naging boyfriend niya?" Si kuya mike.
"Kuya mike naman, boyfriend agad? Isang linggo pa lang ako dito." Pag mamaktol ko.
"Tama naman siya mike. Malay mo kaibigan lang talaga." Pag sasang ayon sa akin ni kuya tom.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Подростковая литератураWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...