Level 38

313 9 2
                                    

Angel's pov

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Dumapa ako at niyakap ng mahigpit ang unan pero napadilat ang mata ko ng maramdaman kong imbes na malambot na unan ang aking mayayakap ay isang matigas na dibdib ang sumalubong sa akin.

Napalunok ako ng makita ko ang 6 pack abs ng lalaking kayakap ko ngayon. Tinignan ko ang mukha niya at napangiti nang makitang mahimbing siyang natutulog. Napahinga ako ng malalim. Napakagandang simula naman ng umaga ang ganitong pag gising. Kinikilig tuloy ako.

Sinubukan kong gumalaw para mahawakan ang mukha niya pero bigla siyang gumalaw kaya napahiga ulit ako.

"5 minutes mahal. 5 minutes." He kissed my head kahit na nakapikit pa siya. Napangiti na naman ako ng pag kalaki laki. Pinag bigyan ko na lang siya sa 5 minutes niya. Makatulog na nga lang ulit. Kahit na naiilang dahil naka-topless siya ay dinedma ko na lang. Aba! Ngayon lang to nangyari. Habang wala ang mga pinsan kong mga kumag. Susulitin ko na!

--

I groaned slightly nang may maramdaman akong humahalik sa pisngi ko. Tumagilid ako pero hinigpitan niya ang yakap sa bewang ko.

"Good morning mahal." Napadilat ako agad ng marinig ko ang boses ni sir. Tinignan ko siya at hinalikan na naman niya ang mukha ko. Napahiwalay tuloy ako sakanya ng hahalikan niya ang lips ko. Tinignan niya ako ng nagtataka pero umiling lang ako sakanya.

"Bakit?" Umiling lang ako at tinakpan ang bunganga ko gamit ang kamay ko. Tinanggal niya naman yun at hinalikan pa din ako sa labi. Ngumiti siya at hinalikan ako ulit, napasimangot siya kasi humiwalay ako agad. Kissing monster talaga tong lalaking to.

"Banyo." Mahina kong sabi kaya binitawan na niya ako at agad akong pumunta ng banyo. Napahinga ako ng malalim ng maisara ko ang pinto.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at bigla akong namula. OMG! Ang gulo ng buhok ko, tinignan ko yung suot kong damit at okay naman dahil suot ko ang pantulog ko. Lumapit ako sa salamin at wala naman akong muta. Pero nung nilapit ko ang kamay ko at bumuga ng hangin para maamoy ko ay bigla akong napasimangot.

Wala na! Major turn off na to. Nakakainis! Tinignan ko ang cabinet ng banyo and thank god may spare toothbrush naman dito kaya ginamit ko na lang. Nakakahiya! Naamoy kaya ni sir ang morning breath ko? Ugh! Makapag toothbrush na nga lang.

Pag labas ko ng banyo, wala na doon si sir, maayos na din yung kamang pinag tulugan namin. Teka! Pinag tulugan namin? Lumapit ako sa mga bag ko na nakapatong sa couch at tinignan ng maiigi yun. Bakit andito mga ibang gamit ko? Anong meron?

Binuksan ko mga yun at nakita ko ang mga damit ko. May mga sapatos din ako, uniform ko, yung bag ko sa school at kung anu-ano pang importanteng gamit ko. Bakit to andito? Nag layas ba ako? Nagtanan ba kami ni sir kahapon?

Umupo ako sa harap ng salamin at nag suklay ng buhok. Inaalala ko ang nangyari kahapon. Teka! Anong araw na ba ngayon? Kinuha ko yung digital clock sa side table ng bed at nakita ko ang date. Monthsary namin ngayon ni sir. Omg! Monthsary namin ngayon ng boyfriend ko! Okay! What to do? What to do? Shit naman. Ang hirap ng ganito. First time ko lang naman kasi mag celebrate ng ganitong monthsary eh.

Kumuha na lang ako ng damit at may nakita akong towel sa bed. Maliligo na nga lang ako habang mag iisip ng pwede naming gawin ni sir ngayong monthsary namin. Waaah. Excited na ako!!!

Pag katapos kong maligo at mag ayos ng sarili. Lumabas na ako ng kwarto. 10am na at sobrang late ko na nagising. Hindi ko alam kung kaninong bahay to pero baka isa sa mga bahay ng kaibigan namin. Kay gael? No! Condo ang tinitirhan ni gael eh. Yung kambal? Imposible namang bahay din nila to eh napuntahan ko na ang bahay nila eh. Alangan naman kay dom na naman? Aba! Napakayaman naman ng kumag na to kung ganun. Baka naman kay clark o kaya kay stuart. Pero nakatira sa condo ang mga yun eh. Imposible din namang kay sir. Haay! Ewan! Bakit ko ba to prinoproblema?

GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)Where stories live. Discover now