Angel's pov
"Lahat ng hindi nakatapos ng reaction paper ay lumabas na ngayon sa class ko. All of you are dropped."
Napayuko ako sa sinabi ng prof namin. Madaming mga classmate ko ang nagulat at nag reklamo. Hindi ko akalain na halos sampu kaming tumayo at nag ayos na ng gamit.
Hindi ko natapos ang reaction paper ko. Nakawalong page lang ako samantalang sampung page ang minimum. Ang iba ay ganun din. Ilang page nalang at makakasampu na sila pero hindi uto tinanggap ng prof kanina.
Kasalanan ko to eh. Bakit ba lumilipad ang isip ko ay sir? Pag after class lang kasi ako may time gumawa ng reaction paper kaya nag pupunta kami ng library ng mga classmate ko. Sinubukan kong pumunta sa dating pwesto kung saan ko siya nakita nung isang araw pero wala siya doon kahapon.
Inaasahan ko pa naman na makikita niya ang post ko sa IG at iisipin niyang bumalik doon ng ganung oras. Pero hindi. Kaya hindi ako naka-concentrate sa ginagawa ko. Bawat minuto ay titingin ako sa pintuan ng library. Nag babakasakali na papasok siya doon pero dumating na si kuya phoenix wala pa din akong nakitang sir.
Pag uwi ko naman ay nag panggap akong masakit ang ulo. Kaya nag kulong lang ako sa kwarto at nanood ng lahat ng movie ni nicholas sparks at umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.
Kaya ang ending. Hindi ko natapos ang reaction paper kahit na nag absent na ako ng 2class ko kanina.
Nakalabas na ang iba kong classmate kaya lalabas na din sana ako ng bigla akong tawagin ng prof. Napapikit ako ng mariin bago lumingon. Patay ako! Mukhang mapapahiya pa ako!
"Where do you think you're going?" Hindi ako nakasagot sa tanong ng prof. Nagtataka namang nanonood ang mga classmate ko.
"Sit down, miss villegas. You have your reaction paper. Mr. Tamayo passed it yesterday before he left the school." Natulala ako sa prof namin ng sabihin niya yun.
Si sir? Siya nag pasa ng reaction paper ko? Bigla kong naalala na natapos ko na pala iyon bago pa man kami nag kalabuan dalawa. Naiwan ko nga lang sa condo niya.
"What are you waiting for? Sit down!" Agad akong bumalik sa kinauupuan ko at doon na nag start mag lecture si prof santiago.
Pero wala akong maintindihan ni isa dahil lumilipad na naman kay sir ang isip ko. Akala ko wala siya dito sa school kahapon dahil wala siya sa library after class ko. Pero andito pala siya. Nakita kaya niya ako? Bakit kaya hindi siya lumapit kung nakita niya ako? Dahil ba sa nangyari?
Hindi ko alam kung galit siya sa akim dahil sa ginawa ko o nag aalala siya. Pero isa lang ang alam ko. Sir still love me. Alam ko yun. Nararamdaman ko yun. Pero ang hindi ko alam ay bakit hindi siya nag papakita sa akin. Bakit kahit na nag post na ako sa IG ay hindi pa din siya nag DM? Nakita kaya niya o hindi?
Hindi ko namalayan na nag lalabasan na pala ang mga classmate ko. Kaya naman tumayo na din ako. Lalabas na sana ako ng may maalala ako.
"Prof, pwede ko po bang icheck yung reaction paper ko? Baka po kasi iba yung naibigay ni sir sainyo." Tumango lang si prof habang nag bubura ng white board.
Kaya naman dali dali kong hinanap ang akin. Kahit hindi ko buklatin ay alam kong ito yun. Mabilis kong kinuhanan yun ng picture at nag kunwaring binuklat ng mapatingin si prof sa akin. Nginitian ko siya at nag pasalamat bago ako umalis sa room.
Pinost ko ang picture na yun sa IG at matagal akong napatitig sa kung anong ilalagay kong caption. Hanggang sa nag lunch na ay wala pa din akong maisip. Buong hapon kong pinag isipan ang ilalagay ko. Gusto ko kasi yung pag sakaling mababasa man niya. Alam niyang para sakanya yun.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Подростковая литератураWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...