Angel's pov
Hindi na natuloy ang roadtrip namin dahil daw sa hindi maganda ang kondisyon ng bus. Okay lang naman sa akin dahil sa beach resort kami nila clark dumeretso. Hindi na din nag reklamo ang iba dahil natakot sila sa kwinento kong panaginip ko kahapon. Tsaka timing pa kasi yung nangyari. May sasakyan na sumusunod sa amin kaya doble pa ang takot ko. Pero good thing at nakarating naman kami dito ng walang masamang nangyari.
Sa totoo lang, bothered pa din ako sa panaginip na yun. Alam ko naman na walang katotohanan ang mga panaginip pero dati kasi, kwento ni lola, minsan daw nag kakatotoo ang panaginip. Ang panaginip daw kasi ay minsan, parang flashback lang o kaya naman kung anong mangyayari sa hinaharap. Sabi pa noon ni lola, nananaginip tayo dahil yun daw ang huling naiisip natin. Pero hindi tayo aware na yun pala yung nasa isip natin nung makatulog na.
Hindi ko alam kung dapat ko na lang bang tawanan ang panaginip ko or lalong kabahan sa mga pinapakitang behavior sa akin ni sir.
Pag kadating namin dito kagabi. Natulog na ang lahat. Magkatabi kami sa kama pero nagising ako ng madaling araw, wala siya sa tabi ko. Kinabahan pa ako nung mga oras na yun kaya lumabas ako ng kwarto. At nakita ko na lang na nasa labas ng bahay nila clark dito sa beach resort si sir. Kausap na naman niya sila don, clark at stuart. Nakita ko pa siyang lumagok ng alak at nanigarilyo. Wala akong nagawa kung hindi bumalik sa kwarto at piliting matulog. Kahit ayokong nag bibisyo siya hindi na ako nag tangkang lumapit. Kita ko kasi sakanila ang itim na aura. Nakakatakot pa naman sila pag galit na.
Tapos kaninang umaga, halos hindi kami magkasama. Puro si clark, don at stuart ang kasama niya. Lagi silang malayo sa amin. Seryosong nag uusap at ayaw mag pa-istorbo. Hangang kaninang tanghali na. Hindi ko pa siya nasosolo man lang. Akala ko ba vacation namin tong mag babarkada? Bakit parang nag sosolo naman silang apat? Grabe!!
Padabog akong tumayo kaya napatingin sa akin ang ibang mga kaibigan namin na nakaupo sa dining table at nakapag umpisa na palang kumain.
Imagine ha? Gabi na. Kumakain na kami ng dinner pero ni hindi ko pa siya nakakausap. Sinong hindi maiinis? Alam kong hindi lang ako ang nakakahalata sa pag didistansya ng apat. Alam kong lahat kami ay napapansin yun.
"Problema mo Princess A?" Hindi ko tinignan si hade na nag salita. Nag lakad lang ako deretso papunta kung saan nakapwesto ang apat.
Kahit na halos lumubog na ang mga paa ko sa buhangin dahil sa bigat ng pag lakad ko, okay lang. Gusto ko lang buntalin ang apat. Ah no! Si sir lang pala. Takot ko lang kay clark, hiya ko lang kay don at awa ko lang kay Stuart. Pero they deserve some slap!
Sabay sabay silang apat na napalingon sa akin ng makalapit ako sakanila. Nag pamaywang ako sa harap nila at tinignan sila ng masama.
"Sabi niyo, this is OUR vacation. Aba! Hindi niyo naman kami in-inform na kayong apat lang pala yung OUR na yun." Nakita ko kung paano nag iwas ng tingin si sir sa akin at ang paulit-ulit na pag galaw ng Adams apple niya.
Si clark na naka-smirked habang naka-dekwatro, si don na tumalikod at si Stuart na ngumiti at nag peace sign. Akala niya cute na siya yan? Sus! Bangasan ko pa mukha nitong Stuart na to eh.
"Okay. So no one will talk? Hindi man lang kayo mag explain kung bakit simula pa kagabi ganyan na kayo? Ah no! Simula pa last week. Pero mas worse ngayon dahil parang hindi kami nag eexist." May humawak sa balikat ko kaya napalingon ako. Si kat, kasama ang buong tropa. Nasa likuran ko sila.
"Tingin niyo ba hindi ko nahahalata yun? Ha? Yung mg silent conversation niyo, mga pag senyas, mga bulungan?"
Sinubukan naming mag hintay kung mag sasalita sila pero wala talaga. Tahimik lang sila. Yung kaninang clark na naka-ngisi ngayon ay seryoso na ang mukha at hindi na din makatingin sa amin.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Ficção AdolescenteWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...