Angel's pov
Huminga ako ng malalim at tumingin na naman sa mga pinsan ko. Sobrang tahimik naming lahat sa hapag kainan. Naalala ko tuloy ang mga Pineda. Ganito sila pag kumakain. Walang imikan. Yun na ang nakasanayan nila Lalo na pag kaharap ang lolo at lala nila.
Speaking of Pineda. Naalala ko yung nangyari kaninang madaling araw. Ngiti ngiti akong nagising dahil sobrang ganda ng panaginip ko. Si sir! Naalala ko ang sinabi niya na tatawagan niya ako. Pero saka ko lang napagtanto na nawawala pala ang phone ko. Noong nagising ako sa kwarto ni tris ay Wala na ang phone ko. Nalaglag siguro sa sasakyan ng kuya niya nung pwersehan nila akong ipasok doon.
Kamusta na nga pala yung dalawa? Nakalabas na kaya si Clint? Napiyansahan na? Paano Kaya nalaman ng mga Pineda kung Nasaan ako? Paano nila nalaman na may kumuha sa akin? Ugh!! Napa-tsked ako sa dami ng mga tanong.
Napatingin ako sa mga pinsan ko ng lalong tumahimik. Napatigil sila sa pagkain at nakatingin na sa akin.
"Hehe." Awkward kong ngiti sakanila.
Nagpatuloy naman ulit silang kumain nang Hindi man lang ako nginitian. Hayyy! Ano ba naman! Alam ko naman na kung Bakit ang cold ng treatment nila sa akin. Alam kong dahil sa nangyari sa akin at dahil si sir ang nagligtas sa akin. Ano pa kayang alam nila? Ano pa kayang Sabi ng pulis sakanila? Eto na naman ako sa mga tanong ko.
Ako ang huling matapos kumain. Binuhat ko na nag pinagkainan ko at hinugasan. Ganito kasi dito sa bahay. Kanya-kanyang hugas ng pinggan. Actually, ganito lang nangyayari pag andito ang mga grandparents or parents namin. Ganun kasi ang gusto nila. Kami ang gagawa ng gawaing bahay. Little did they know na may stay out kaming maid. Pupunta lang dito pag ipapatawag namin.
Aakyat na sana ulit ako sa kwarto ng tawagin ako ni papa.
"Dude.." Malapit lang kasi ang hagdan sa pinto palabas sa garden.
"Yes po?" Sagot ko at umupo sa tabi ng papa ko.
Sobrang alala nila kanina. Nagising ako na nasa kwarto ko sila ni mama. Hindi kami nakapag kwentuhan dahil nga pinag ayos nila ako agad at pinababa para kumain.
"Sobrang nag alala kami. Ano bang nangyari, anak?" Tanong ni mama.
Tumingin ako isa isa sa mga pamilya kong andito. Ang mga tito at tita kasama na din ang parents ko at grandparents ko ay naghihintay ng kwento ko. Nasa kabilang table naman ang mga pinsan ko na nakatingin na din sa akin. Lahat sila gustong malaman ang kwento ko.
Sasabihin ko ba sakanila? Anong parte kaya ang sasabihin ko? Yung malakas akong sinampal? Yung sinuntok suntok ko si Clint? Yung kwento ni tris? Yung biglang pagdating nila sir? Yung sa presinto? Yung paghatid niya sa akin? Napakagat ako sa labi. Ano kaya ang sasabihin ko?
"Bakit ang tahimik ninyo?" Napalingon kami sa nagsalita. Napangiti ako ng makita sila lolo at lola.
Tumayo ako at niyakap sila. Mukhang pagod na pagod sila sa byahe. Nasabi kanina nila papa na darating nga sila lolo at lola. Dapat nga sana next week pa sila pupunta dito Pero hindi ko alam at bakit napaaga at timing naman yung nangyari sa akin.
"Lolo, lola, Kamusta po? Nag sasakyan po ba kayo?" Malambing kong tanong.
"Pina-book kami agad ni tito mo ng flight papunta dito sa Maynila kaninang umaga. Medyo natanghali lang ng dating dahil sa traffic papunta dito." Paliwanag ni lolo. Nakibeso na din ang iba at pasikreto akong napangiti dahil nakalimutan na nila ako. Nagkakamustahan silang lahat.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Подростковая литератураWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...