Kat's pov
Mabilis kaming nakarating sa hospital dahil ginawang race car ni sir ang sasakyan na gamit namin. Lalo na nang may madaanan kaming disgrasya ng bus sa dinaanan namin kanina.
Sa totoo lang,nakadagdag yun sa kaba namin. Dahil nakaharang ang bus. Nasilip namin ang loob ng bus. May iilan pang nakahandusay sa loob at duguan. Narinig pa namin na sabi ng isang pulis na nasa hospital na ang isang babae. Nag aagaw buhay. Kitang kita din namin ang hawak na bag ng pulis. Yun ang bag ni angel. Agad na bumaba ng sasakyan ang mga kasama ko at nilapitan ang pulis. Sumunod na din ako sakanila.
"Bossing, Asan yung may ari ng bag na yan?" Si don ang unang nag tanong. Dahil para kaming nanghina ng makita namin na may dugo sa bag ni angel.
"Nasa hospital na. Siya lang kasi ang may buhay. Lahat ng pasahero patay na sa loob ng bus." Tinignan kami ng pulis at napakunot ang noo niya.
"Teka, kayo yung sa nasa beach resort na taga maynila hindi ba? Yung kaibigan niyong babae, nakita ko siya. Puntahan niyo na sa hospital." Walang sinayang na segundo si sir. Tumalikod na agad siya at patakbong sumakay sa sasakyan. Ganun din ang ginawa namin. Mas mabilis pa kesa kanina ang takbo ng sasakyan ngayon kaya nakarating din kami agad sa hospital.
Alam kong pare-pareho kami ng iniisip. Na baka si angel ang babaeng tinutukoy ng police. Hindi ako mapakali habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Wala na akong pakialam kung sobrang bilis na nang takbo ng sasakyan. Ang gusto ko na lang ay ang marating ang hospital at makita si angel na humihinga.
Patakbo pa kaming pumasok sa may information. Gulat pang napatingin sa amin ang mga nurses at mga taong andoon. Tumingin ako sa mga kasama ko at halos mapasigaw ako sa gulat dahil naka-sando ang mga lalaki. Naka-board shorts sila at dahil sa sandong suot nila. Kitang kita ang mga biceps at triceps nila na nakakapang-laway talaga.
Napatingin din ako kila Faye, monette at fiona na naka-bikini na pinatungan namin ng short shorts at see-through na damit. All in all, halatang galing kami sa beach. At halos hindi namin napansin ang mga suot namin dahil sa pag mamadali.
"Saan dinala yung naaksidente sa bus?" Mabilis na tanong ni sir at tinuro naman ng babae ang left side namin. Tumatakbo kami sa loob ng hospital at lahat ng Tao ay naka-tingin sa amin. Pero wala na kaming pakialam.
Yung ER ang agad naming nakita. May papasok na mga nurse doon at lumingon sila ng sabay sabay namin silang tinawag.
"Kamusta ang kaibigan namin?"
"Okay na ba siya?"
"Goddamnit!! Where's my girlfriend? Is she in there huh!?"
Ang dami pa naming mga tanong pero hindi makasagot ang dalawang nurse. May doctor na paparating at nag madaling pumasok sa loob. Sumunod na din ang dalawang nurse. Gusto sanang pumasok ni sir sa loob pero hindi pwede.
Pare-pareho kaming kinakabahan na nakaupo sa upuan sa tapat ng ER. Nag hihintay sa pag labas ng doctor. Naalala ko kanina. Sabi ng pulis, nag aagaw buhay yung pinunta nila dito. Tahimik akong nanalangin na sana ay huwag siyang mamatay. Na sana mailigtas siya ng doctor at mga nurses sa loob. Sana makita pa namin siyang humihinga.
Nanginginig ang kamay ko habang nakaupo. Habang nag dadasal. Nag unahan ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Tumabi sa akin si jade at niyakap ako. Lalo akong napaiyak dahil sa pag comfort niya. Ganun naman ata talaga. Pag may nag cocomfort sayo lalo ka nalang mapapaiyak. Walang tigil ang pag bagsak ng luha ko. Halos hindi na ako makahinga.
Please lord, please huwag mo muna siyang kunin. Nandyan na si gracia diba po? Huwag naman sana pati si angel. Huwag po siya lord..
"Hey.. Tahan na. Maliligtas nila si princess. Huwag kang mag alala. Please kat, tahan na. I don't like it when you're crying.." Sinubukan kong tumahan. Alam kong ayaw na ayaw niya pag nakikita akong ganito. Hindi na ako humahagulgol katulad kanina. Pero hindi pa din tumitigil sa pag buhos ang mga luha ko.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Подростковая литератураWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...