"Tapos alam mo, sinampal ba naman niya ako? Grabe! Hindi ako makapaniwala! Wala pang babae ang sumasampal sa akin. Siya lang! Siya palang! Teka.. Huy princess, nakikinig ka ba? Hindi ka naman ata nakikinig eh. Naman oh!," I closed my book and sighed. Tumingin ako kay kuya justin at sinamaan siya ng tingin.
"Kuya, paano ka niya hindi sasampalin eh hinawakan mo yung butt niya. Siraulo ka ba? Si faye yun kuya, hindi siya tulad ng mga babae mo." Umiling iling ako tumayo para kumuha ng tubig.
"Eh nag bigay siya ng motibo. Niyaya niya akong sumayaw eh. Kaya pinag bigyan ko dahil kawawa naman siyang mag isa lang sa bar. Sobra siya kung maka-grind ng katawan niya sa akin, So I just assumed that she-"
"There.. The word assumed! God kuya, hindi maganda ang nag a-assumed. Dahil pag nag assumed ka masasaktan ka lang, mawawasak, kaya mas maganda dun expect the worst. Hindi yung gagawa ka ng isang bagay na hindi mo pinag iisipan ng maiigi. Hindi porke, nakipag sayaw siya sayo. Yun na ang gusto niya. You know her kuya. Halos yung twin at mga pinsan lang nila ang nalalapitan niya at lumalapit sakanya. Kaya hindi siya sanay sa mga presence ng iba."
Sumimangot siya at parang pinapakiusapan ng mata niya na bawiin ko ang sinabi ko. Pero hindi ko babawiin. Ang alam ko lang, may something sila ni faye noon. Pero hindi ako sigurado. Pero para silang kat at jade kung mag away. Makakailang battle rounds muna sila bago maging okay ulit. Nag sasayang lang sila ng energy sa mga ginagawa nila.
"You kissed her and she slapped you.. Just apologize to her. Yun lang naman." Umiling iling pa ako at iniwan siya sa kusina na nakasimangot pa din.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga lalaki kung minsan. Mahirap bang mag sabi ng sorry? Atsaka mas masahol pa sila sa babae kung mag assumed eh. Ang sakit nila sa ulo. Isama mo pa yung boyfriend kong matigas ang ulo.
Hindi ako lalabas ng bahay para mag review. Malapit na ang finals namin at bakasyon na pagkatapos. May usapan kami ni sir ngayon na sabay kaming mag rereview pero anong oras na ay wala pa din siya. Pambihirang lalaki yun. Pinag bawalan na nga mag bar. Pumunta pa din kagabi. Kaya bahala siya sa buhay niya ngayon. Away away muna kami ngayon. Mag fofocus muna ako sa finals.
Napasabunot ako sa sarili ko ng wala pang tatlong minuto akong nag rereview ay hindi pa din ako mapakali. Sabi ko mag fofocus ako diba? Pero naman! Paano ako makakapag focus kung hanggang ngayon wala pa ang tukmol na yun. Hanggang ngayon, wala pa din siyang text. Iuntog ko ulo nun eh. Nang lumambot naman ang ulo. Napakatigas kasi.
Ilang beses ko na din chineck ang phone ko at napasimangot ng wala pa siyang text. Ni hindi man lang sinagot lahat ng text and calls ko kaninang nalaman ko na nakipag inuman pala siya sa bar kagabi. Ano bang problema ng lalaking to?
Hindi ko matiis at nag punta na ako sa banyo para maligo. Kung hindi siya pupunta dito. Ako ang pupunta sakanya. Ngayon lang naging ganyan si sir. Dati rati naman pag sinabi ko susundin niya. Kasi ganun din naman ako sakanya.
Katatapos ko maligo ng pumasok si kat sa kwarto. Dito pa din siya nakatira sa amin pero minsan dun siya natutulog kila jade. Walang relasyon ang dalawa pero may something sakanila. Aware sila sa isa't isa na sweet sila. Ewan ko ba! Magulo ang love life ng dalawa eh.
Halatang halata naman na may gusto sila sa isa't isa. Sobra nga kung makabakod si jade kay kat eh at sobra silang mag selos. Parang boyfriend-girlfriend din na nag aaway at nag kakatampuhan.
"Hi bes.. Nakapag review ka na?" Tanong niya sa akin habang nag tatanggal ng sapatos.
"Hindi ako makapag review. Bwisit na sir yan! Wala pa din siya hanggang ngayon!" Umiling iling si kat sa sinabi ko.
Nag away na nga kami dati ni sir dahil sa mga issues niya sa pag aaral tapos uulitin na naman niya? Syempre. Nakaka-disappoint naman kung uulitin pa ulit niya.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Подростковая литератураWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...