Level 2

492 23 3
                                    

Angel's pov

Ilang linggo na lumipas simula nung graduation namin. Ang bilis diba? And here I am, nakahilata lang sa kama habang nag lalaro ng COC.

Kailangan ko lang mag loot ngayon. Medyo hindi na active tong clan namin. Sa totoo lang, ako na nga pinaka-malakas sakanila eh.

Biglang may nag pop sa chat box ng clan naming Anonymous Clan. Binasa ko kung ano yun at nagulat ako dahil eto yung mga nabasa ko.

"Fiona382: wala kang pakialam. Ano bang pinag-mamayabang mo?"

"Reixd: WALANG KWENTA YAN!"

"Supra8: WAG NG PATULAN. BABAE YAN!"

"SANTIx: Masyadong mayabang bro. Akala mo naman kagandahan. Akala mo naman, kinalakas na niya yang pag mamayabang niya eh naka-isang star lang nman siya last war."

"Reixd: pangit naman. Wala pang dede."

"Fiona382: excuse me? Ako pangit? Baka ikaw."

"Reixd: kick na yan. Walang kwenta sa war."

"Fiona382: no need. Ako na aalis. Mga walang kwenta mga tao dito. Mga bastos."

"Fiona382 just leaved the clan."

Napailing na lang ako sa mga nabasa ko. Actually, madami dami pa kaya lang nakakatamad na basahin kung puro ganyan naman ang napag uusapan.

Kilala ko si fiona 382. Dadalawa lang kaming babae sa clan. Ang alam ko, 18 na siya. Taga dito din siya sa isabela pero ewan ko na kung saang lungsod siya. While me, nasa ilagan city ako. Capital ng isabela. Friend ko siya sa facebook. Well, lahat kami. Kaya minsan na kaka-chat ko siya.

Ang gulo na ng clan namin. Yung leader kasi namin nasa ojt. Nasa beach ata siya or something. Yun ang sabi niya. Kaya wala ng disiplina yung mga ibang elder. Akala mo naman, ang lalakas nila. Eh porke, kilala lang nila yung leader naging elder na sila agad. Tapos ako naman co-leader kahit na mas malakas na ko sa leader. Pero okay lang yun. Di naman ako ang gumawa sa clan na to.

*

Ilang linggo ang lumipas at tengga pa din ang clan namin. May war kung minsan pero walang kwenta. Lagi kaming talo kahit na nakaka-tatlong star ako palagi.

Lunch na at andito mga buong angkan namin. May family bonding kaming lahat. Every summer nangyayari to. Depende kung kaninong bahay. Yun kasi gusto nila lolo't lola eh. Para daw lagi naming nakikita ang isa't isa.

"Cess, ano ng level ng th mo?" Tanong ni kuya phoenix. Pinsan ko siya at baguio sila nakatira pero sa manila siya nag aaral.

"Th 9 kuyang. Bakit?"sinabi ko yan habang nakatutok pa din sa phone ko. Sinusulit ko lang yung connection ng wifi. Baka kasi mamaya, mawala na naman eh.

"Sali ka sa clan namin."This time napatingin ako sakanya. Well, gusto ko naman na talaga lumipat ng clan eh. Kaya siguro sakanila na lang ako lilipat.

"Sige po. Ano pangalan ng clan niyo?" Tapos na ko umattack kaya pumunta na ko sa main menu para mag leave na sa clan. Pag ka-pindot ko ng leave saka naman nag salita si kuya simon.

"MgaBatangAdik Clan." Napatingin ako agad sakanya na gulat na gulat. Tinignan ko yung mga ibang pinsan ko na lalaki na nakaupo malapit sakin at nakita ko silang nag pipigil ng tawa.

Ano ba namang klaseng name ng clan yun? Kalokohan eh. Pag nakita nila na ganun pangalan ng clan na sinalihan ko, pag tatawanan lang nila ako. Tss.

"Ah. Next time na lang kuya. May war pa kami eh." Yun na lang dahilan ko tsaka ako tumayo at aakyat na sa kwarto. Narinig ko pa ang malakas na tawanan ng mga bugok na iniwan ko. Mga loko mga yun.

GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)Where stories live. Discover now