Level 22

344 11 0
                                    

Nandito kami ngayon ni sir sa condo niya. Nag rereview for finals. Hindi kasi siya nag review nung nag finals sila sa isang subject niya kaya bilang good influence, niyaya ko siyang magkita kami at mag review. Gustong gusto naman niya eh.

Tinuturuan ko siya sa statistic subject niya ng may tumawag sakanya sa phone. Inabot niya yung phone niya kaya nakisilip ako. 'Dad' yun ang pangalan nung caller. Akala ko sasagutin niya pero inabot niyabsa akin yung phone.

"Sabihin mo, wala ako. Naiwan ko phone dito sa condo." Nagpakunot noo lang ako pero tumango na din.

Hindi naman ako ganun katanga para hindi magets na ayaw ni sir makausap ang dad niya. Nakwento na din kasi niya sa akin kung gaano ka-complicated ng buhay nila. Pero alam kong may hindi pa siya nasasabi sa akin. Kaya lang di na ako nag usisa nung kwinento niya noon ang tungkol sa buhay nila.

"Hello po." Yun lang ang sinabi ko at natatawang tinignan ako ni sir. Sinamaan ko nga ng tingin.

"Who's this? Where is my son?" Natakot ako sa tono ng boses ng daddy niya. Kaya hindi ako nakapag salita.

"Girlfriend ka ba niya? Please iha. Tell him to come home. Birthday ko ngayon. May party dito sa bahay and i want him to be here. Sumama ka na din para makilala kita." okay naman yung pagkasabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Napasimangot ako ng marinig ko yungbsinabi ng dad niya. Nalulungkit tuloy ako. Para kasing ang bigat nung nararamdaman ng daddy ni sir nung pagkasabi niya yun.

Papa's girl ako kaya alam ko na kahit complicated man ang buhay nila. Alam kong importante pa din si sir para sakanya. Eh una niyang anak eh. Syempre mahal niya si sir. Wala namang magulang na hindi mahal ang anak.

"Sige po. Sasabihin ko po. And hindi po pala niya ako girlfriend." Mabuti na yung alam ng daddy niya ang totoo. Mamaya kung ano pa isipin nun.

Narinig ko lang siyang natawa sa kabilang linya kaya napangiti tuloy ako. Mukhang okay naman pala ang ugali ng daddy niya. Nag tatakang nakatingin sa akin si sir pero di ko siya pinansin.

"Okay. I'll wait you both here. May early birthday gift ako sakanya. Thank you iha." Nag paalam na ako at tumingin ng nakakaloko kay sir.

"NO!" Yun agad ang sinabi niya at nag kunwaring bumalik sa pag rereview.

"Ashton naman. Birthday pala niya tapos hindi ka pupunta." Hindi niya ako pinansin kaya niyugyog ko siya.

"Naalala mo yung punishment? Ito na ang punishment mo. Ito na yung iuutos ko." Nasabi ko na sakanya yan nung pagkatapos nangyari yung kissing booth nila.

Nag deny pa nga siya nung una pero natalo din naman siya. Pero hindi ko pa sinabi kung ano punishment niya noon at wala akong maisip. Buti nalang magagamit ko na.

"Iba na lang angel. Masyadong mahirap yung ipapagawa mong yan eh." Napasimangot tuloy ako dahil mukhang hindi ko siya mapapapayag ngayon.

"Look, nag rereview tayo oh. At ayaw kitang iwan. Gusto ko mag kasama lang tayo hanggang mamaya." Tinignan ko siya ng humarap siya sa akin.

"Gusto mo ako makasama ng matagal diba? Hanggang mamayang gabi?" Tumango siya ng dahan dahan.

"Well, ininvite ako ng daddy mo. Sabi niya gusto daw niya akong makilala." Nakangiti kong sabi sakanya.

May sasabihin ako sainyo. Alam niyo bang, isa ito sa mga list ko na dapat magawa ni sir para sagutin ko na siya? Ito yung list..

1. Ligawan niya ako hanggang matapos ang freshman year.

Well, gusto ko kasing 18 na ako pag naging kami. Para legal age na. Para hindi tumanggi ang mga ugok kong pinsan at ang mama at papa ko.

2. Makilala siya ng parents ko.

GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)Where stories live. Discover now