Angel's pov
Apat o limang araw na ata akong nakasimangot. Paano ba naman kasi pagkatapos kong mag post. Ang daming nag comment. Daming nag compliment. Maliban sa mga pinsan ko syempre. Nag comment din ang mga pineda. Pero ang nag iisang pineda na gusto kong mag comment ay walang comment! Walang message! At naiinis ako ng sobra!!!!
Hawak hawak ko ang phone ko habang kasama ang mga pinsan kong mag movie marathon sa sala. Right after ng dinner ay nagyaya si kuya jared at pumayag naman kaming lahat. Meron na kasi sakanya yung copy ng pinapanood palang sa sinehan.
Nabwibwisit ako sa panood. Kaya hindi ko halos maintindihan dahil inis talaga ako. Sasamaan ko ng tingin ang tv tapos sasamaan ko din ng tingin ang phone ko.
Promise talaga! Hindi pa siya nag comment o nag message hanggang sunday. Bahala na talaga siya! Ibla-block ko na talaga siya! Promise yan! Promise talaga! Talagang talaga!
Sinong niloko mo? As if you can block him. Duh!
I roller my Reyes heavenwards dahil sa naisip kong yun. Ako na ata ang pinaka-gagang babae. Waiting for someone to notice me. And that someone is no other than Sir!
Sinubukan kong mag concentrate sa pinapanood ko nang mag vibrate ang phone ko. Wala akong ganang tinignan ang screensaver dahil baka panibagong notif na naman na may nag follow sa akin o kaya nag comment or likes ng picture kong pinag effortan ko talaga para mapansin niya. Pero walang epekto!
Bigla akong nabuhayan ng dugo ng makita ko ang IG name ni sir sa screensaver ko!
@SirLord messaged you
OMG!!! HE FINALLY MESSAGED ME!!
Hindi ko napigilan ang tumili at agad na tumayo para di malaman ng mga pinsan ko.
"Mga kuya, akyat na ako. May panibagong episodes ang riverdale. Kyaaaahh!!!" Sigaw ko habang paakyat sa hagdan. Ako na ang mabilis mag isip ng alibi. Love did this to me. Hayyy
Agad kong nilock ang kwarto at kinuha ang laptop ko. Inopen ko amg netflix account naming mag pipinsan. Baka kasi icheck nila sa tv kung talagang pinapanood ko eh.
Actually, kaninang hapon pa na-release yung panibagong episode ng riverdale. Season 3 last episode na ako. At alam nang mga pinsan ko na gustong gusto ko ang riverdale dahil na din kay betty at jughead. But I already watched it. Kaya yun agad ang mais io kong dahilan kanina.
Nang nag play na ang riverdale ay saka ko binuksan ang phone ko. Nanginginig itong pumindot sa IG app at hinintay na mag open ang account ko. Nang tignan ko ang message ay puro naka-capslock. Agad akong napangiti.
I'VE BEEN LONGING FOR YOU. SO PLEASE DON'T TEMPT ME THIS MUCH. DELETE THE PHOTO NOW!!'
"OMGEEEEEE!!!! KYAAAAAAAAAH!!! OMGEEEEE TALAGAAAAAA!!!"
Para na akong tanga na nagpagulong gulong sa kama dahil sa kilig. Alam kong hindi dapat ganito ang reaksyon ko after all what happened. Pero kasi......
I love him so much eh. Kaya kahit na halos ikamatay ko na nang saktan niya ako. Hindi ko pa rin mapigilan ang mahalin siya. Imposible bang kahit hindi pa humihingi ng tawad ang taong mahal mo eh napatawad mo na siya agad? Kasi ganun ako kay sir eh.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahalin siya. Hindi ko din mapigilan ang sarili ko na umasa pa din. At dahil sa message niyang ito. Alam kong ako pa din. At ako lang.
Napatakip ako sa mukha ko at paulit ulit na pinakalma ang sarili. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay bumalik kami sa dati. Yung isang text lang niya sobrang saya ko na.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Teen FictionWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...