Level 30

320 13 0
                                    

Angel's pov

"Brrr. Ang lamig! Bakit ba ang tagal nila?" Nanginginig na tanong ni fiona sa akin.

"Sabi kanina ni monette. Andito na sila." Tumingin ako sa paligid pero di ko sila makita dahil madilim pa. 3am pa lang naman kasi eh.

Lumingon ako sa parking lot malapit sa simbahan ng may marinig akong nag park na sasakyan. Kotse ni jade. Bumaba na din ang kambal niyang si hade na nakaupo sa passengers seat at ang kapatid nilang si faye.

"Bakit andito kayo? Pasok na tayo sa loob." Sabi ni faye ng makalapit sila sa amin. Sinundan na lang namin sila. Natampal ko ang noo ko ng makitang andun na si gael, clark, monette at stuart. Kanina pa kami sa labas ni fiona, andito na pala talaga sa loob. Si don na lang at si sir ang wala. Nagising kaya mga yun?

Tumahimik na lang ako habang pasimpleng nagtext kay sir, mukhang ganun din ginawa ni fiona.

This past few days, nasasanay akong nasa tabi ko lang si sir. Simula kasi nung maging kami lastweek. Lagi na siyang nakadikit sa akin. Naging classmate pa nga kami ng dalawang subject eh. Ewan ko kung anong ginawa niya.

Nag umpisa na ang misa pero wala pa yung dalawang ugok. May uupo pa nga sana sa upuan namin pero sinabi ng mga kasama namin na nag cr lang yung nakaupo dun. Palusot na lang nila para may upuan si sir at don mamaya.

Hindi pa man nag tatagal ang misa may bigla na lang humalik sa pisngi ko. Napasigaw pa ako ng konti dahil sa gulat. Nilingon ko si sir na nakangiti lang sa akin, sinamaan ko nga ng tingin.

Tumingin ako sa mga kasama ko na nag pipigil ng tawa. Hindi na ako nag aksayang tignan yung mga tao sa paligid, masama tingin nila sa akin, alam ko!! Kainis kasi tong lalaki sa gilid ko.

"Sorry. Late kami. May dinaanan pa kasi ako eh." Sabi ng nasa right side ko at hinawakan niya yung kamay ko.

"Hmm." yun na lang sinabi ko at focus ako ngayon sa sermon ni father. Hindi ko na din siya narinig na mag salita.

After ng sermon ni father, ginawa na nila ang mga dapat pa nilang gawin sa altar at ginawa na din namin ang mga dapat naming gawin. Hanggang napunta sa peace be with you. Nagbeso kaming mga babae at hinalikan din kami sa pisngi ng mga boys. Nasanay na ako sakanila. Nag man hug lang naman sila sa isa't isa. Tinignan ko yung lalaking nakasimangot sa right side ko at siniko siya ng mahina.

"Problema mo?" Mataray kong tanong sakanya. Tapos ngumuso siya na parang nanghihingi ng kiss. Iihh! Hindi pa kami nag kikiss sa lips. Pag bigyan ko na kaya? Pero nakakahiya. Daming tao eh.

Hinalikan ko siya sa pisngi niya at ngumiti ako sakanya para di na siya sumimangot.

"Peace be with you." Napahinga ako ng maluwag ng ngumiti na din siya at pareho na ulit kaming tumahimik at nakinig sa misa hanggang sa matapos ito.

Dumeretso kami sa mcdo para mag breakfast. Hindi pa naman gaanong maliwanag. Hawak hawak pa din ni sir kamay ko simula pa sa simbahan. Good thing, hindi nag papawis kamay ko kahit gaano pa niya katagal hawakan.

"Wala na naman parents ko sa christmas. Aalis sila bukas. May emergency daw sa canada. Kaya sainyo ako ulit." Sabi ni gael sa kambal.

"Sus. Lagi naman." Si faye na nakabusangot, as always.

"Inggit ka lang kasi mas mahal na ako ng mommy niyo kesa sainyo." Binatukan lang naman ni hade si gael sa sinabi niya kaya natawa kami. Ayan na naman sila.

"Libre mangarap dude." Bale walang sabi ni jade sakanya habang may katext. Anong oras palang may katext na siya agad. Ang aga aga pa mambababae na naman to.

"Anyway, dahil wala pa din sila mom and dad. Plano namin ni monette na sa bahay niyo na lang din kami. Syempre with fiona." Nakangiting sabi ni don. Iba talaga ang inlove.

GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)Where stories live. Discover now