Level 50

207 5 2
                                    

3rd persons pov

Ilang oras na silang nag hahanap sa loob ng hospital pero hindi pa din nila nakita si kat. Sinubukan pa silang paalisin ng mga guards, nurse at doctors pero hindi sila nag papigil.

Maliban sa sakit na nararamdaman ng mga pineda dahil sa nangyari kay angel. Kinakabahan din sila dahil nawawala si kat. Hindi nila alam kung anong tumatakbo sa utak ng kaibigan nila. Pero alam nilang mas lubos siyang nasasaktan dahil para na silang mag kapatid ni angel.

Dalawang matalik na kaibigan ni kat ang nawala kaya ang nasa isip nila ay may posibilidad na may gawing hindi maganda si kat sa sarili niya. Kaya ganun nalang sila kaalala at kinakabahan ngayong hindi pa nila nahahanap si kat.

Habang patuloy sa pag hahanap pa din ang ibang pineda. Si sir naman ay nakaupo pa din sa sahig. Nakasandal ang likod sa dingding at malalim ang iniisip. Katatapos niya lang umiyak ng umiyak. At parang nanghihina na siya sa sobrang pag iyak niya.

Naramdaman ni sir na may kumalabit sakanya at nang pagtunghay niya nakita niya ang isang nurse. May sinasabi ito pero hindi na niya naintindihan dahil mabilis siyang tumayo at tumakbo sa isang direksyon.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ang babaeng nakita niya. Kahit nakatalikod alam na alam niya kung sino ito.

Kahit na nakapikit pa siya. Kilala ng puso niya ang babaeng lumiko sa isang hallway. Iisang babae lang naman ang nag papabilis ng tibok ng puso niya. Nag iisa lang!

Dahan dahan niyang sinundan ang babae. Hanggang sa pumasok ito sa isang kwarto. Huminto si sir sa tapat ng pinto ng kwarto na pinasukan ng babae at huminga ng malalim bago ito buksan.

Pagkapasok niya sa loob wala na ang babae. Tumingin siya sa paligid at nakita niya si kat. Nilapitan niya ito. May nakakabit na swero.

"Kat.." Pabulong na gising niya kay kat.

Unti-unti namang nag mulat si kat ng mata at agad na bumangon ng makita si sir.

"S-sir?" Nagtataka niyang tanong at tumingin sa paligid.

"Bakit ako andito? Anong nangyari? Asan si angel? Si jade at ang iba? Asan sila?" Sunod sunod niyang tanong.

"I don't know why you're here. I just.." Napapikit si sir ng hindi niya matuloy ang sasabihin niya.

"Kamusta si angel? Okay na ba siya?" Nag aalalang tanong ni kat.

Bigla siyang kinabahan ng makita si sir na umiyak. Hirap na hirap na umiiyak. Kahit hindi sabihin ni sir parang alam na ni kat ang nangyari. Umiling iling ito at napaiyak na din.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang mga kaibigan nila. Niyakap agad ni jade si kat na humagulgol na sa pag iyak.

Niyakap naman ni Monette at Faye si sir na tahimik na umiiyak. Lahat sila ay namumula na ang mata sa kakaiyak. Mahahalata mo ang sakit na nararamdaman nila ngayon.

"Please. Sabihin mo sa akin.. B-buhay siya diba? Diba?" Umiiyak na tanong ni kat kay jade pero nanatili itong tahimik.

Ilang minuto silang natahimik ng may bumukas na pinto. Lahat sila ay napatingin doon na may luha sa mga mukha.

"Oh my god!"

"Fuck!"

"What the hell!"

"Is that.. Is she.."

"Shit!"

"A ghost!"

Biglang napatayo si sir at tinitigan ang babaeng sinundan niya kanina dito sa kwarto. Nakasimangot ang babae at nagtatakang nakatingin sa kanilang lahat.

GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)Where stories live. Discover now