Angel's pov
"Huwag kayong mag hiwahiwalay pag andun na kayo. Si angel, bantayan niyo baka mawala. Tapos mag dala kayo ng payong dahil ang taas ng sikat ng araw. Mag dala din kayo ng bimpo at mag dala ng tubig. Huwag kayong bibili ng kung anu-anong juice sa daan. Baka madumi yun. Tapos huwag kayo mag-"
"Nanay, matatanda na mga yan. Kaya na nila at alam na nila ginagawa nila." Nag wink lang sa amin si mama.
Natatawa ako kay lola. Samantalang yung mga pinsan ko nakasimangot. Eh diba nga? Baby boy niya yang mga yan. Ang tatanda na at ang la-laki na nila. Ginagawa pa din silang baby boy ni lola. Kaya hindi din sila makadala dala ng mga chicks nila dito eh. Baka ma-turn off daw mga babae nila sa pinag gagawa ng lola namin.
"Mga bata pa din sila para sa akin. Halika nga dito angel. Tignan mo, wala kang bimpo sa likod mo." Natigil ako sa pag tawa ng hilain ako ni lola at nilagyan ng powder at bimpo sa likod ko. Nahihiya tuloy ako kay sir na nakangiti lang ngayon.
"Kayo din nga baby boys ko. Lagyan natin ng bimpo likod niyo." Sinamaan sila ng tingin ni lolo ng hindi sila gumalaw. Kaya no choice sila kundi pag bigyan si lola. Kakamot kamot pa sila sa ulo habang nakasimangot.
Akala namin tapos na at pupunta na sana sa van pero nagulat kami ng tinawag ni lola si sir.
"Dapat nag lalagay ka din ng bimpo sa likod mo. Hindi biro ang mag kasakit. Kahit na mayaman kayo alagaan mo ang sarili mo. May asthma ka ba?" Nakanganga talaga kaming lahat ng sabihin yun ni lola.
"Tinatanong ko apo kung may asthma ka ba para alam ko kung lalagyan kita na pulbo o hindi." Umiling lang si sir sakanya kaya naman hinila siya ni lola at nilagyan ng polbo ang likod at bimpo. Gulat din si sir sa ginawa ng lola ko. Akala ko ba ayaw niya sa boyfriend ko?
"Oh ayan. Sige na at umalis nakayo baka tanghaliin kayo ng dating dito. Mag iingat kayo." Tumango na lang kaming lahat at dumeretso na sa van.
"Anong nagyari?" Kuya phoenix
"Hindi ko alam." Kuya tom.
"Sinaniban si lola?" Kuya jason
"Ang weird ni lola." Kuya david
"Ibig sabihin, tanggap niya na si ashton sa family." Kuya simon
"Buti naman." Kuya mike
"Baka pwede na tayong mag dala ng chicks next time." Kuya justin
"Baby boy na din siya ni lola?" Ako.
"Parang nag selos ako." Napalingon kaming lahat kay kuya darren dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman?" Tanong ni sir sakanya.
"Mas madami yung nilagay niyang polbo sa likod mo tapos mas maganda yung bimpo mo. Mas favorite ka na ni lola." Binatukan namin siya isa-isa. Except kay sir na tumawa lang.
"Aray ha! Kailangan talaga tag iisa niyo? Bwisit mga to!" Sumunod na lang siya sa amin at sumakay na kami ng van.
It's good na tanggap na ni lola si sir. It's been 1week simula nung nandito kami kila lola at everytime lagi niyang sinusungitan si sir. Pero yung mga mild na sungit lang. Kahit ganun, di ko nakitaan si sir ng inis. Ngumingiti lang siya kay lola kaya mas naiinis siya kay sir.
Siguro tama si mama, tine-test lang siya ni lola. Sabagay nag iisa akong girl na apo nila kaya naiintindihan ko naman siya. Kahit na minsan, ako na ang naiinis sa ginagawa niya kay sir pero di ko naman yun pinapakita sakanila.
"Sobrang saya kong sasalubungin ang new year." Bulong sa akin ni sir habang nag byabyahe kami papuntang bayan.
"I'm happy too." Ngumiti siya sa akin and kiss my cheeks. Lagi niyang hinahalikan ang pisngi ko. Minsan nararamdaman ko parang malalamog na sa pinag gagawa niyang pag halik. Papakin daw ba.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Ficção AdolescenteWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...