I knew it! I really knew it! Bakit nga ba hindi ko agad napansin yung necklace at bracelet na suot niya? Bakit nga ba hindi ko man lang naalala yung tattoo niya?
Walang pasok ngayon at andito lang ako sa condo. Hindi pa umuuwi si kat simula kagabi nung sinamahan nila ako sa bar. Alam niyang gusto kong mapag isa. Kilalang kilala na niya ako. Hindi mag kapareho ang ugali ni gracia at ni kat. Kung si kat, hinahayaan niya ako dahil alam niyang yun ang gusto ko pero si gracia ay hindi. Hindi siya titigil hangga't di niya nalalaman. Ganun din ako. Maraming nag sasabi na mag kapareho talaga kami ng ugali. Nag bago lang naman ang iba niyang ugali ng maging sila ni jake.
Jake..
Tinignan ko ulit ang photos nila ni gracia. Huminga ako ng malalim bago ko i-save yun sa laptop ko.
Kagabi pag katapos namin manuod. Bumalik ako sa ginagawa ko nung isang araw. Ini-stalked ko lahat ng accounts ni jake. Para masigurado ko kung ano man yung hinala ko.
Mabuti na lang may nakita akong post. Facebook ni gracia ang gamit pero kapatid niya ang nag post. At naka-tagged yun kay jake. Agad kong tinext si liam. At tinanong kung alam ba niya ang password ni gracia sa facebook. Hindi siya nagtaka nung kinuha ko pero tinanong niya kung bakit. At ang dinahilan ko lang ay may photos kami na naka-save sa album niya pero naka-private. May kukunin lang ako. Pero hindi na siya nag reply kagabi.
Pero kaninang pag gising ko. Kaninang umaga, may text siya sa akin. Madaling araw na niya sinend. Hindi daw siya nakareply dahil nasa birthday siya at nabasa niya lang ang text ko nung nakauwi na. Nag pasalamat nalang ako at kahit hindi pa kumakain kanina ay kinuha ko na agad ang laptop ko.
Inabot ako ng ilang oras bago ko makita ang dapat kong makita. Ang dami kasing albums ni gracia. Sobrang dami. Naka-private yung isang album na puro sila ni jake. Karamihan sa picture ay mag kahalikan sila. Sobrang sweet post na hindi pwedeng i-post sa facebook dahil makikita ng ate at kuya ni gracia. At ng ibang taong kakilala niya na taga probinsya. Baka pag usapan lang sila.
Yung album na yun ay may 300+ na photos. At inisa isa ko yun. Minsan mararamdaman kong mag iinit ang mata ko pag nakikita ko mukha ni gracia na masayang masaya kasama si jake. Pero I cleared all my thoughts and focus.
Nakita ko ang limang picture na nakasagot sa mga katanungan ko. Yung bracelet, tag isa nila. Parehong nakatakip ang bunganga nila gamit ang kamay nila at nakatingin sa camera. Kitang kita ko ang bracelet na suot nila. Sabi ko na pamilyar eh. Naalala ko, sabi ni gracia, pina-feng shui daw nila yun. Yung bracelet daw na yun will represent an everlasting love. Silver bracelet siya na may one heart sa pagitan ng dalawang dragon.
Yung sa necklace niya naman ay mahaba. I know that necklace. Dahil kasama kami ni kat ng binili yun ni gracia para kay jake. Pero hindi ko nakita ang necklace na yun nung hinila niya ako sa room.
Oo, siya ang humila sa akin. Dahil mas napatunayan ko yun nung nakita ko ang cosmetic mask na gamit ni jake. It looks real. Pero pag tinitigan mo ng maiigi mahahalata mong hindi totoo. Kaya pala hindi pantay ang kulay ng mukha niya sa ibang parte ng katawan niya na nakita ko nung malapit siya sa akin.
Ang panghuli kong nakita ay ang picture ni jake habang nag papa-tattoo at hawak hawak ang kamay ni gracia. Sa kasunod na picture naman ay ang close up shot sa tattoo. Isang malaking dragon. Same sa nakalagay sa bracelet at necklace. Ang pinagkaiba lang ay may mukha ni gracia sa gitna ng dragon. Maganda ang tattoo at malaki. Sinakop niya ang buong braso ni jake at umabot yun hanggang siko.
Ngayon na alam ko ng siya pala ang obssessed stalker ko. Natatakot na akong lumabas ng condo. Parang ang hirap paniwalaan pero may mga ebidensya na ako. Limang pictures pa. Napabuntong hininga ako at sinara ang laptop. Kailangan ko na kumain bago pa ako mahalata ni kuya tom.
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Подростковая литератураWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...