Angel's pov
"Ahhh. Finally!!" Sigaw ko ng makababa ng van. 7AM na ng makarating kami.
Naglalakad na kami papunta sa house ni lolo at lola. Hindi ko kasabay si sir maglakad dahil nag uusap sila nila kuya jason, kuya phoenix at kuya david about COC, of course!
Tinanggal ko na ang shoes ko para mas enjoy maglakad sa buhangin. How i miss this place. kahit nung last summer lang nung nag punta ako dito.
Sinalubong kami ni lolo at lola na mag ka-holding hands pa habang nag lalakad sa harap ng bahay nila. Sweet!!!
"Mga apo!!!" Sigaw ni lolo at niyakap kami pa isa isa. ganun din naman si lola tapos tumingin sila kay sir. Err..
"Ah. Hulaan ko, ito na ba yung boyfriend mo simon?" Nagtawanan kaming lahat ng sabihin ni lolo yun. Pati si sir natawa din.
"Lolo naman. Single lang bakla na agad?" Tapos lumapit siya kay lola.
"Lola oh. Pinag kakaisahan na naman nila ako. Diba mag kaiba naman po ang bakla sa lalaking nag hihintay lang ng right girl niya?" Sumbong niya kay lola.
"Kayo ha. Tantanan niyo si simon. Hayaan niyo kung ano ang gusto niya." Sus. Si lola talaga. Kj na naman. Di na lang makiride.
Lumapit siya kay sir at tinaasan ng kilay kaya napatigil kami sa pag tawa. Nakapamaywang pa siya saka tinignan si sir pataas baba. Tsaka niya ito inirapan at tumalikod na. Ano yun? Hindi naman ganun si lola eh. Ngayon lang siya nag act ng ganyan.
"Hayaan niyo na lang ang lola niyo." Sabi ni lolo sa amin o sa akin? Hindi ko alam irereact ko. Hindi ko naman kasi ineexpect na ganun ang gagawin ni lola kay sir.
"Iho. Sa wakas nakilala na din kita. Puro na lang kasi picture at kwento ang alam ko sayo eh." Inoffer ni lolo ang kamay niya kay sir. Pero nagulat kami sa ginawa niya. Nag mano siya kay lolo!!
"Nice to finally meet you po Mr. Villegas." Nakangiti at magalang na sabi ni sir pakatapos niyang mag mano at nag kamayan sila ni lolo. Napangiti naman si lolo sa ginawa niya.
"Lolo ben na lang iho. Masyadong pormal ang Mr. Villegas." Nag tinginan kaming mag pipinsan. At nakangiti din naman sila.
"Oh sya! Pumasok na tayo sa loob. Andun na ang mga magulang niyo. Sayang at wala sila gramps leo niyo ngayong taon na to." Inakbayan ako ni lolo at sinabay sa pag lalakad. Nilingon ko sir na inakbyan na din ni kuya tom. Nag kwentuhan na lang kami ni lolo hanggang sa makarating sa loob ng bahay
"Mama/Mom!!" Ops. Di ako yan! As in hindi talaga ako! Ang mga pinsan ko yan na nag sitakbuhan sa mga mama nila. Akala mo naman hindi nakita ni kuya david, kuya jason, kuya justin, kuya phoenix at kuya darren ang mga mama nila ng ilang taon. Pambihira!!
Si kuya simon at kuya mike lumapit sa magulang nila ng maayos hindi katulad ng lima na akala mo mga bata at akala mo nag ofw ang mga mama nila. Lumapit na din ako kila mama at papa. Namiss ko sila!!
"Ashton, i'm so glad you came iho." Sabi ni mama at hinalikan siya ni ashton i mean ni sir sa pisngi. Nakiki-ashton kasi si mama eh. Ah siguro sinabi ng mommy ni sir sakanya na yun ang itawag dahil yun naman tawag nila sakanya at hindi sir o kaya lord. Grabe kasi yung name niya eh.
After ng kamustahan at konting chitchat with family and relatives. At si papa at sir na kanina pa nag kwekwentuhan. Tinawag na kami ng isa sa mga tauhan dito nila lolo. Nasabi ko naman dati diba? Kila lolo tong beach.
Habang kumakain ng umagahan puro pa din kami kwentuhan. Natatawa nga ako kay tito steve eh, daddy ni kuya justin. Joker talaga siya ng pamilya.
Pag katapos kumain ng late breakfast. Pumunta na ako sa room ko. Malaki kasi tong beach house nila lolo. 3 stories siya actually. Nasa 2nd floor ang room ko at ang lima pang room. Tapos sa 3rd floor naman ay may limang rooms din. Bawat kwarto, pinasadya ni lolo at lola. Nakakatuwa nga kasi may underground pa to eh. Kaya naman sobrang lamig sa baba pag gabi. Dun kami nanunuod ng movie. Movie room daw yun sabi ni lolo. Si lola kasi mahilig manuod ng mga movies. Grabe!
YOU ARE READING
GAMER'SLOVER (Pineda Series #3)
Novela JuvenilWho knows the online game named CLASH OF CLANS? Madaming nag sasabi, marami na daw ang na-aaddict sa larong ito. mapa-bata, matanda, lalake, babae, bakla, tomboy at kung ano pa. Kung hindi mo pa alam ang larong ito. I'll give you an idea. In this ga...