Chapter One

68.9K 1.2K 53
                                    


First published:  December 16, 2015

Today, October 2, 2016, MSL ranked 10th on Chick Lit Hot List, its highest ranking so far! Thanks guys!

Today, December 29, 2016, MSL reached 100K reads! Thank you guys for your support!

Today, August 15, 2017, MSL reached 300K reads! Thank you for your support!

****************************************

"YZ?" tanong ng unang guro niya sa elementarya. Nakakunot ang noo. "Iha pakisabi sa mga magulang mo na kailangan namin ng buong pangalan ng mag-aaral at hindi initials lang."

Sa mahinang boses ay sinabi niya sa guro na iyon nga ang tunay niyang pangalan.

"Bakit YZ?" Imbes na sumagot, umiyak siya. Natigil sa pang-uusisa ang guro. Pero nang mag-umpisa ang klase at magpakilala ang bawat mag-aaral sa klase niya, pinagtawanan siya ng ibang bata. Ang panget daw ng name niya. Kasing panget niya!

Hindi doon nagtapos ang problema niya sa kanyang pangalan. Sa tuwing nagpapakilala siya, palaging inaakala ng tao na sadyang nagpapa-cute lamang siya. Kapag sabihin naman niyang iyon ang tunay niyang pangalan, maraming napapangiti na parang nawiwirduhan. Ang iba nama'y naaawa sa kanya lalo pa kung kilala ang dalawa niyang ate. Pagkahahaba daw kasi ng pangalan ng dalawa, bakit pagdating sa kanya'y naging matipid na ang mga magulang?

Ang totoo niyan, dalawang pangalan din sana ang inihanda ng Papa niya para sa kanya, pero iyon ay pangalang lalaki. Gustung-gusto kasi ng kanyang ama ng anak na lalaki. Kaso minalas daw at lumabas siyang babae. Ang problema pa, nagkaroon ng komplikasyon ang panganganak ng kanyang ina na halos ikamatay nito kung kaya pinayuhan daw itong magpa-ligate na pagkatapos siyang mailuwal. Kaya hayun. Sa inis ng kanyang ama, ginawa na lang YZ ang kanyang pangalan. Second to the last and the final letter of the alphabet. Ganoon daw kasi ang pakiramdam ng kanyang ama nang masilayan siya. Parang naging katapusan na ng mundo.

"YZ!" singhal sa kanya ni Lota. Tinaas-baba pa nito ang kamay sa harap ng mukha niya. "Okay ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap, a."

"H-Ha?" sagot naman niya at napakurap-kurap pa siya ng mata.

"Nananaginip ka na naman ng gising, ano?"

Bago pa siya makasagot, niluwa ng main door ng stock room ang matangkad, maputi, at guwapong tsinito. Buo ang kompiyansa sa sarili na naglakad ito patungo sa direksiyon nila. Nanlambot kaagad ang mga tuhod ni YZ. At awtomatikong tumugtog sa isipan niya ang I Just Died in Your Arms Tonight ng Cutting Crew. Naging blurry na ang lahat sa paligid. Ang tangi lamang niyang nakikita ay ang kapapasok na lalaki.

"Hoy, ano ka ba?" siko sa kanya ni Lota. "Tinatanong ka," pigil ang kilig na anas pa ng kaibigan sa kanya. No'n lang siya parang naalimpungatan. Hinarap niya ang bisita na ngayo'y nakataas na ang kilay sa kanya.

"H-Hindi pu-pwedeng pumasok ang hindi sta-staff ng supermarket dito," nauutal niyang sabi sa kaharap. Nagpalinga-linga siya para hanapin si Kardo, ang guwardiya. Bakit basta na lang siya nagpapasok ng estranghero sa stock room?

"Alam ko," parang nabo-bore na sagot ng lalaki. "I was asked by Mrs. Reyes to see you. Ikaw daw ang magiging leader ko." At pinasadahan siya nito ng tingin. Pero hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. Ano pa nga ba? Siyempre, tulad ng iba naiitiman din ito sa kanya. Bago pa siya ma-distract ng insecurities, pinag-tuunang-pansin niya ang sinabi ng kaharap. Pinapunta daw ito ni Mrs. Reyes, ang supervisor nila, sa kanya? Ang ibig sabihin ba'y-----? Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki. Magta-trabaho ito bilang shelf stocker sa supermarket? Niloloko ba siya nito?

My Supah Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon