CHAPTER FOUR

26.2K 877 17
                                    

                  

Pagsapit ng graduation ng Ate Claire ni YZ namanhikan nga ang nobyo nitong si Alfred. Nang makita ng mommy ng dalaga ang Mercedes Benz na sinakyan ng mga magulang ng binata, kaagad itong nataranta. Lalo itong ninerbiyos nang makita na may kasama pang bodyguards ang buong pamilya.

"Claire, nagkulang ka ng kuwento. Hindi lang pala sila mayaman kundi ubod ng yaman!" bulong pa nito sa anak na parang kinikilig. Napatirik naman ng mga mata si YZ. Siya ang kinilabutan sa narinig.

"Magandang hapon, balae," bati kaagad nito nang humarap na ang mga magulang ni Alfred na sinagot ng mga ito ng, "Buenas tardes."

Hahalik pa sana sa pisngi ng ginang ang mommy nila nang biglang tumalikod ang babae. Kunwari'y naghanap ng mauupuan. Nakita iyon ni YZ kung kaya nainis siya. At lalo siyang nanggalaiti nang taasan siya ng kilay nito nang magtama ang kanilang paningin. 

"I thought pamilya lang ang narito. Ano'ng ginagawa ng muchacha na iyan dito?" maarte pa nitong sabi habang nakangiti sa mga magulang ng dalaga. Nagpanting kaagad ang tainga ni YZ at sasagutin na sana niya ito, pero maagap siyang napigilan ng ina. Pinisil nito ang kanyang palad. Si Alfred nama'y naasiwa. Sinaway nito ang ina. Ang ama naman ng dalaga ay oblivious sa mga kaganapan sa paligid. Tila wala itong narinig. Parang kasing manhid ng ama ni Alfred. Abala silang dalawa sa pag-uusap tungkol sa negosyo.

"Oh! My bad! I'm so sorry," eksaheradang naibulalas kunwari ng ginang. Nagbukas ito ng abaniko at ngumiti sa kanya. Umiwas ng tingin ang dalaga.

"Iyan kasi ni hindi ka man lang nagpunta sa parlor kanina. Hindi ba't ang sabi ko sa yo ---," anas ng mommy niya na pinutol naman ni Claire. Baka raw isipin ng mga bisita na pinag-uusapan sila.

Laking pasasalamat ni YZ nang sumilip sa living room si Cora, ang kinontrata ng mommy niyang magluto para sa okasyon. May rason siyang magpaalam para kunwari tumulong sa paghahanda ng mesa. Pero ang totoo niyan, gusto niya lang iwasan ang mapangmatang matrona.

"Mukhang naka-jackpot si Claire do'n sa Alfred na iyon, a," komento kaagad ni Cora nang dumating siya sa kumedor.

"Swerte rin naman iyon kay Ate," sagot naman niya agad.

"Ikaw kaya, kailan ka suswertehin?" nakangising biro pa nito.

"Kaka-twenty ko lang 'no. Wala pa iyan sa isipan ko."

"O, twenty ka na. Isang taon lang naman ang agwat ng ate mo sa iyo. E iyon mag-aasawa na. Tsaka huwag kang makampante na bente ka pa lang kasi ang bilis ng panahon. Magigising ka na lang isang araw lampas na pala sa kalendaryo ang edad mo't ni wala ka pang nobyo."

"Tigilan mo nga ako! Isa ka pa, e!" at nilayasan niya ito. Nakasalubong niya ang mga magulang nang lumabas siya ng kumedor. Pero parang hindi naman siya napansin ng mga ito. Abala sila sa pagpapa-impress sa mga magulang ni Alfred.

Kahit day off niya sa supermarket nang araw na iyon, pumasok siya ng trabaho.

"YZ! Naku, hulog ka ng langit, iha," salubong kaagad ni Mrs. Reyes. "Hindi pumasok si Lota kaya timing ang dating mo."

Tumango lang siya kay Mrs. Reyes at ngumiti rito nang bahagya bago dumeretso sa kanyang locker para magpalit ng damit.

Dahil abala sa trabaho, hindi na namalayan ni YZ ang oras. Pansamantala niyang nakalimutan ang hinanakit. Nag-enjoy siya kaya kahit na tapos na siya sa pagdi-display ng mga goods sa isles na nakatoka sa kanya, tumulong na rin siya sa iba pa may magawa lang. Pati nga ang gawain ng janitor ay pinakialaman na rin niya.

"Mukhang ang sipag natin ngayon, a? Iba na ang inspired," nakangising biro sa kanya ni Kardo. Hindi niya ito pinansin. Lingid sa dalaga may isa pang kanina pa nagmamasid sa kanya. Si Ren. Tahimik lang itong nakasandal sa dingding malapit sa kinaroroonan ng dalaga.

My Supah Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon