Kasasakay lang ni Ren sa Lexus niya nang lumapit siya rito. Kinatok niya ito sa bintana. Kaagad namang binaba ito ng lalaki. Tumaas lang ang kilay nito nang makita siya na ang ibig sabihin, ano ang sadya niya?
"Gusto kitang makausap. Ang daming binigay na assignments sa akin si Attorney Rivas. Kailangan ko ng tulong mo."
Napangisi ito.
"Akala ko ba you're an independent woman? Ba't nanghihingi ka na ng tulong sa akin?"
"Pwede ba, huwag kang pilosopo? Kailangan ko nga ng tulong mo, e!"
"Ikaw na nga ang nangangailangan ng tulong, ikaw pa ang masungit. Hop in," at binuksan nito ang pinto sa passenger's side. Hindi na nagpatumpik-tumpik si YZ. Pagkaupo, kinuha kaagad niya ang folder sa bag at isa-isang binuklat ang dokumento sa harapan ni Ren.
"Ang sabi ni Attorney Rivas kailangan ko raw pirmahan ang mga ito para maaari na akong pumirma on my lola's behalf. Pero nag-aalala ako. Malay ko ba rito? Baka pag pinirmahan ko ang mga ito'y malilipat na sa akin ang lahat ng pagkakautang ng pamilya at ako na ang sisingilin sa mga iyon. Aba'y hindi pwede iyon, ano?"
"I'm driving. Mamaya na," sagot naman ni Ren without looking at her. Ganunpaman, hindi tumigil si YZ. Para itong walang narinig.
"Tingnan mo nga ito. Sinasabi ni Attorney Rivas---" Hindi natapos sa pagsasalita ang dalaga dahil bigla na lang tinabig ni Renz ang papel.
"Ano ba? Gusto mo ba tayong mabangga? Sinabing mamaya na, e."
"Ang suplado mo naman!"
Hindi na nga niya ito kinulit. Pero panay ang bulong niya sa sarili. Napapailing na lang si Renz sa kanya. Nang tumigil for a red light ang sasakyan, hiningi sa kanya ng binata ang dokumento pero nagbingibingihan siya.
"Ngayong hinihingi ko na sila sa iyo, hindi mo naman binibigay. Kaninang hindi pupwede, halos ipagduldulan mo sa mukha ko."
Hindi pa rin kumibo si YZ. Napabuntong-hininga na lang si Ren at hindi na ito kinulit. Hindi na sana sila magkikibuan nang bigla na lang halos napasigaw ang dalaga.
"Teka! Saan mo ako dadalhin? Hindi ito ang daan papunta sa amin!"
"Kung makapag-react ka, wagas."
"Hindi nga ito ang daan papunta sa amin, e. May balak kang masama sa akin, ano?"
Tumawa nang mapakla si Ren. "Dream on, YZ."
"E bakit dito tayo nadaan?""Kasi ito ang papunta sa bahay ko?"
Nangunot ang noo ng dalaga.
"Ba't mo ko daldalhin sa bahay mo?"
Natawa na naman si Ren.
"Ikaw ang bigla na lang sumakay sa kotse ko. Hindi ko naman sinabi na ihahatid kita today. May sinabi ba akong gano'n?"
"Bwisit ka! Ibaba mo ako!"
Si Ren naman ngayon ang nagbingi-bingihan. Hindi ito nagpadala sa pagtatalak ng dalaga. Nang bandang huli'y nag-slow down na papasok sa isang ekslusibong subdivision sa Alabang ang sasakyan, saka lang tumigil sa kakangawa si YZ. Napatingin ito sa paligid.
"Dito ka nakatira all along?"
"Oo. Bakit?"
"Ang ganda nito, a. Paano mo na-afford 'to?" At umandar na naman ang pagdududa ng dalaga. Kahit ilang beses na siyang nasabihan ni Renz na may sarili itong negosyo parang hindi pa rin siya makapaniwala. Paano kasi nanatili pa rin itong shelf stocker ng supermarket.
BINABASA MO ANG
My Supah Love (COMPLETED)
ChickLitHindi naniniwala ang mga magulang ni YZ na may pakinabang siya sa pamilya kung kaya hindi na siya pinag-aral ng mga ito. Ang dahilan? Sa hitsura't tindig palang daw niya hindi naman siya makakakita ng disenteng trabaho. Sayang lang daw ang pang-matr...